"Bakla ako."
"WHAAAATTTTTTT????!!!!!"
Yan ganyan sila ka-OA lagi, sa tuwing sinasabi ko yang mga katagang yan. Nakakaloka! Lahat nalang ata ng babae tumitili sakin, haleeerr gwapo daw ako? Shocks! Kadiri lang ha, well let me correct that, MAGANDA AKO! Need ko pa bang ipakilala ko ang sarili ko sa inyo? Ok sige na nga. Ako si Jose Marie Viceral, Vice nalang for short. I am 30+ years old, pure filipina and 60% girl but 40% boy. Maganda pero gwapo din daw? Maraming nagsasabi e mapa-lalaki o mapa-babae man ganyan kalakas ang charisma ko.
Hindi ko naman sila masisi sa ganda ng lahi namin ng pamilya ko hahah! Oo bakla ako 100% sure, but I'm not the typical gay na babaeng manamit, babae ang itsura at pambabae ang katawan. Simple lang ako, lalaki pa din ako pumorma, lalaki pa din ang katawan yun nga lang, pambakla na ang galaw at kilos ko haha. Kaya nga madalas napagkakamalan pa din akong lalaki, tulad nalang ngayon namamasyal lang ako sa mall ng nakasalubong ko ang isang grupo ng mga babae and as usual nagtilian sila ng makasalubong ako. Muntik na nga akong mapatakbo dahil akala ko may sunog.
Pagkatapos kong sabihin na bakla ako, ayun naglupagi ang mga luka parang mga baliw na umiiyak na hindi man lamang dinadalaw ng hiya dahil pinagtitinginan na sila ng mga tao. Buti nga sa inyo!
Naglakad na ako palayo sa kanila dahil baka isipin pa ng mga tao na ako ang nagpaiyak sa mga yun, well in fact, na ako naman talaga pero pasalamat nalang sila di ko sila sinapak. Joke.
Nasasanay na din ako na sa tuwing may makakakakita saking mga babae ay bigla nalang silang magtititili o di kaya matutulala habang titig na titig sakin. Nung una syempre nabu-bwiset ako dahil kung makatingin sila parang artista lang peg ko, at minsan naiirita na talaga ko dahil yung iba masyadong maharot kulang nalang talaga makipag-lampungan sakin na never ko atang maatim, yung iba hinahabol pa ko ako naman syempre tatakbo palayo at muntanga ako dahil nagmumukha akong kriminal dahil sa pagtatago ko.
Diyos ko, kailan kaya ako lulubayan ng mga babae kung ipapahamak ko lang din naman ang ibinigay nyong ganda sakin e ibabalik ko nalang po ng walang pagaalinlangan. Aanhin ko ang ganda ko kung sakanila lang din naman ako mapupunta. Dyeske ayeke nete! Sana po dumating na ang aking prince charming.
Napatigil ako sa aking pagmumuni-muni ng may tumawag saking babae na nasa isang stall ng mga bag with matching kaway kaway pa habang patakbong lumalapit sakin. Guess who? No other than..
"Sistereeeeettttt!!"
My friend Anne Curtis-Smith ngangabu tawag ko sa kanya alam nyo na siguro ibig sabihin nyan. Sya ang bukod tanging babae na tanggap ko sa aking pagkatao hahah! Isa sya sa mga closest friend ko na alam ang kabaklaan kong taglay. Magkasama na din kami simula noong mga bata palang kami hanggang sa lumaki na kami, nagkalayo lang talaga kami dahil kailangan nilang pumunta ng mama nya sa states cause her father is sick. Tanging ang kapatid nya lang talaga na si jasmin ang kasama ng kanyang ama sa states at sila naman ng mama nya dito sa pilipinas dahil may business ang mga magulang nya dito sa pilipinas kaya sila ng mama nya ang namamahala. Sobrang nalungkot ako nung nagpaalam sya na aalis sya at ng mommy nya papuntang states dahil nga sa kalagayan ng daddy nya.
FLASHBACK.
"Vice, wag ka ng malungkot saglit lang naman kami dun ni mama and after gumaling ni daddy babalik kami agad dito gawa ng business namin."
"Ngayon ka lang kase mahihiwalay saken e huhu.. Di ako sanay na wala ka sa tabi ko huhu.."
"Para kang bakla! Tumahan ka nga dyan haha. Don't worry I promise uuwi agad ako and anong silbi ng internet ha?"
Oo na, di nya pa alam nung time na yun na bakla ako, ako din sa sarili ko di ko pa din alam na bakla pala ako pero nung time na yun confused na ako, nararamdaman ko na din kase na may mali sakin e. Haha
"Ok na. Ok na. Basta wag ka munang magkaka-boyfriend dun ha lagot ka saken!"
"Bakit? Nagseselos ka? Hahah!"
"Tawa pa more ngangabu! Baka makain mo ko. Siraulo ka talaga di ako nagseselos nuh, tsaka di ako papatol sayo."
"Ouch naman! Sa ganda kong to? Ngayon ko lang sasabihin to sayo. Pero nagkakagusto na ata ako sayo vice."
As usual yung reaksyon ko tulaleyyy. Di ko alam sasabihin ko kase alam ko sa sarili ko na kapatid lang talaga ang turing ko sa kanya.
"Hahahaha! Nakakatawa yang joke mo anne. Hahahaha!"
"Vice I'm fucking serious! I love you noon pa."
"Pero anne.. Diba magkapatid turing natin sa isat isa? Tsaka tsaka.. Tsaka... Ano kase.."
"Anong ano kase?? Vice may problema ba?"
"......"
"Vice? Tell me.."
"Bakla ata ako anne..."
End of FLASHBACK.
Natatawa parin talaga ko kung paano nauwi sa pagamin ko yung time na aalis si anne hahaha! Kung tinatanong nyo kung ano ang naging reaksyon ni anne? Tanong nyo sa kanya hahaha! Joke. Gulat na gulat sya sa sinabi ko, para daw gusto nyang bawiin yung pagtatapat nya sakin nung time na yun, bakit di nya daw nalaman na bakla ako, lagi naman daw kaming magkasama pero bakit di nya naramdaman na may kakaiba sakin. Gulong gulo sya by that time. Pero di nagtagal natanggap nya na din naman na gay ako. Kaya daw pala ayaw ko sakanya kase lalaki hanap ko haha!
Tumakbo na din ako papalapit sa kanya pero slow-motion haha. Namiss ko din naman tong babaeng to nuh. Tagal din naming di nagkita, nakakamiss yung pagka-bungangera at pagiging madaldal nya.
"Sistereettt! Namiss kita. Bakit di mo manlang sinabi na dadating ka na pala?"
"Ay naku sis. Sorry kase biglaan lang talaga tong paguwi namin ni mama eh. Namiss din kita sobra wakla."
Nagyakapan kami ng mahigpit dahil sobrang miss na miss namin ang isat isa. Haleeerr kayo ba naman ang di magkita ng 8 years?
"Infairness sis, ang gwapo gwapo mo na ngayon ha. Para kang boy next door pwede na ba tayo??hahaha!"
"Yuckkkk ngangabu tigil-tigilan mo ko ha. Baka gay next door hindi boy next door! Yung tetee? Di ka pa nakaka-move on sakin noh?"
"Hahaha! Baliw, of course not! For your information may boyfriend na ko and he's so very gwapo."
"Hala talaga ba? Daya mo naman, dapat pinasalubungan mo din ako ng foreinger na gwapo at macho para magka boyfriend na din ako."
"Haha next time sis."
Dahil matagal na kaming di nagkita sabay na kaming namasyal sa mall, nag-shopping, kumaen, at kung ano ano pa. At dahil pagoda kami pareho napagpasyahan na naming umuwi dahil mag-gagabi na.
"Sis, i would like you to meet someone."
"Sinetch itey? Lalaki ba yan? Gwapo ba? Ay sige bet!"
"Shunga. Babae sya."
"Anne!!!! Alam mo naman kung gaano kalala ang allergy ko sa mga babae diba?!"
"Eh bakit ako kaya mong pagtiisan? For sure mapagtitiisan mo din sya."
"Magkaiba kayo, ikaw kapatid ko sya hindi! Ni hindi ko yun kilala."
"Kaya nga gusto kong ma-meet nyo isa't isa. Close friend ko din sya dun sa states and uuwi sya dito sa makalawa and since I and mama will be busy to fix our business here, please do me a favour ikaw muna ang gusto kong mag-entertain sa kanya dito. I-tour mo sya or whatever para naman di sya ma-bored."
"At gagawin mo talaga akong tourist guide kaloka ka! At ano namang trip ng friend mong yan at naisipang pumunta dito? Idinadamay nyo pa ko sa kalokahan nyo."
"Haha! Di ka nakikinig vice hometown nya to, pure filipino sya pero bata palang sya pumunta na kaagad sila sa states with her parents, pero relatives nya andito don't worry magaling syang magtagalog kase kahit na sa states sila nakatira tinuruan pa din sya ng mga magulang nya magsalita ng tagalog o diba bongga di ka mahihirapan haha!. Basta I'm very sure na magkakasundo kayo."
---
GND.
BINABASA MO ANG
"Gay NEXT DOOR" | A ViceRylle Story
FanficGet ready to fall in love with a Gay next door.