[VERM's POV]Naguguluhan parin ako sa mga nangyayari sakin ngayon, ewan ko ba hanggang ngayon si Shanta parin ang iniisip ko
Alam kong mali, kasi si Nica na yung lagi kong kasama pero si Shanta pa din! Hinahanap ko sya lagi. Araw araw minu minuto. At hindi ako mapakali sa tuwing hindi ko siya nakikita.
Para akong nababaliw kakaisip sa kanya.
Isang linggo na ang lumipas pero tulalang tulala parin ako
"Ayos ka lang? " tanong ni Nica sakin
"Baaabe!"
Sigaw niya kaya napalingon nalang ako sa kanya at bumalik ulit sa ginagawa koMagkakasama kami ngayon nila Sean at Nica dahil mag babonding daw sila. ewan ko ba sa mga to pero di naman nag uusap.
Alam kong may alam to si Sean pero hindi nya lang sinasabi sakin, pero ano ba kasi talaga ang dapat kong malaman?
Ano ba talaga yun? Ano yung dapat kung alamin tungkol sa sarili ko?
Eh alam ko naman lahat sa sarili ko. Anong kailangan ko pang malaman? Ano ba talagang nangyayare?
"Umamin ka nga, may problema ka no? "
Tanong ni Nica sakin"Nothing babe.."
Pagsisinungaling ko. I don't want to bother her, ayaw ko lang malaman niya yung plano ko"Lately.. Hindi na kita maka usap ng matino, lagi kang lutang at parang may iniisip. Sabihin mo nga sa akin! May tinatago ka ba?"
Agad akong napa iling. She's now suspecting!
"I'm so sorry"
Bulong ko pero sapat na para marinig niyaGusto kong sikuhin si Sean at Niel pero hindi sila umiimik at magtitinginan lang. Ano bang mg problema ng mga ugok na to at nagkakaganito?
"Sigurado ka ba talaga?"
Muling tanong ni Nica"If course! Wala lang akong gana. Tinatamad ako!"
Reklamo ko at kunot noong lumabas ng room"Babe!"
"Verm!"
Narinig ko pa ang pagtawag ni Nica Sean at Niel pero hinayaan kuna
—
Nasa field lang ako habang nagpapahangin, then someone caught my attention
"Bakit niyo ginawa yun? "
Sigaw niya, this is not my attention at all. Pero ngayon ka lang nakita ang sobra sobrang emosyon na bumabakas sa mata niya."Because I want you to comeback!"
Sigaw naman papalik ng kausap niya.Hindi sya sumagot, instead she just wipe her tears
What's going on with them? Bakit nag uusap sila?
I mean. Anong meron?
"Comeback? Niel! Wala na akong babalikan, i'm just nothing to him! What do you want me to do? To laugh? because he can't remember me! He can't remember about us.. He can't remember how he break my heart in a pieces. Fuck this pain"
napatakip siya sa mukha niya at pigil emosyong humahagulgolTeka ano yung mga pinagsasabi nila? Ano yung tinutukoy nila? Bakit kung mag usap sila parang magkakilalang magkakilala sila at parang ang dami nilang pinagsamahan?