SHANTA's POV
Monday, maaga akong na ligo.. Pero nakakailang minuto na ako sa banyo dahil kanina pa ako nakaharap sa salamin. Gusto kong magpaganda at gusto kong maging presentanble pag nakaharap ko na siya.Ilang practice at dialogue na yung nasabi ko dahil sa sobrang kaba, ganito ba yung nararamdaman ng mga lalaki pag nanliligaw sila?
"Hi Verm! I still love you...
Ay para namang masyadong straight to the point "
Huminga ako ng malalim
"Hi Verm! Kamusta? Ang tagal nating hindi nagkita...
Ay wag yun! Para namang masyadong casual"
Huminga ulit ako ng malalim
"Hi Verm! Kamusta? May girlfriend ka na ba? Pwede ba akong mag apply ?
Ay ano ba! Bakit ko sasabihin yun? "
Huminga ulit ako ng malalim.. Ano bang sasabihin ko?
Ay bahala na nga! Basta makapunta na ako sa bahay nila
_________
Bandang tanghali na nang mapadpad ako sa tapat ng bahay nila. Nag dadalawang isip kung mag dodoor bell ba o hindi.
Umatras na lang kaya ako? Wag na ako magpakita at maglaho nalang? Kabadong kabado ako. Paano pag ayaw niya? Paano kung hindi na niya ako mahal? Paano na ako?
I was about to door bell pero napa urong naman ako.. I'm nervous, para talagang gusto ko mag back out
Pwede pa ba?
Pero may sumisigaw sa bahaging utak ko kung it's now or never
*deep sight*
Ready! Mag dodoor bell palang sana ulit ako pero bumukas na yung pinto..
Nanlaki agad yung mata ko dahil si Verm ay nasa tapat ko, mas lalong bumilis ang tibok ng puso ko. Halo halong emosyon yung nararamdaman ko
Parang gusto kong tumakbo palayo sa kanya, o kaya yakapin siya ng sobrang higpit..
May pinractice pa nga ako sa banyo eh! Kung ano yung una kong sasabihin pero nawala din. Nalimutan ko agad!
Shiiit!
"What are you doing here? "
Tanong niya pero hindi ako agad nakapag salita.Para akong natameme na ewan. Sobrang cold ng aura niya kaya para talagang gusto kuna tumakbo palayo. Ayaw niya ata ako makita?
Pwede mag back out nalang?
"Uhmm...h-h-hello?"
Gosh! Na tetense ako..
Ngumiti ako sa kanya.
"What do you need?"
Namamaos maos niya pang taong.Shet! Ang gwapo niya lalo ngayon kahit gulo gulo yung buhok nya
It's now or never..
"C-C-Can we t-talk?"
Napabuntong hininga pa ako ng ilang beses bago tumingin ng diretsyo sa mata niya
Bakit ba ako nauutal? E si Verm lang yan! Binabatok batukan ko pa yan sati ah! Sinisigaw sigawan at hinahampas ng kung ano ano! Tapos nauutal ka sa harap niya? Self naman! Wag kang shungaaa!
Binuksan niya ang pinto, so it means payag siya?
Papayag talaga siya?
Papasok na sana ako nang kumunot ang noo niya