VERM's POVIlang weeks na kaming hindi nag uusap ni Nica, may sasabihin kasi sana akong importante sa kanya pero hindi niya sinasagot ang lahat nang tawag ko pinuntahan ko siya sa kanila pero nasa Davao daw siya
Ewan ko ba, feeling ko ang layo layo na talaga namin sa isa't isa nawalan na ako nang oras para sa kanya ganun din siya sakin
Bigla nalang kasing nawala yung excitement sa relasyon namin, which is una palang wala na talaga. Parang sa isang iglap naisip kong hindi naman talaga kami
Si Shanta naman talaga ang mahal ko. At nagsinungaling siya sakin, sila.
Naiinis ako sa kanila dahil nag sinungaling sila... Pero kahit anong udyok ko sa sarili ko hindi ko magawang magalit kay Shanta pero bakit kay Nica naiinis ako?
Ang gulo din nang utak nang isang tulad kong gwapo, at hot
After kahapon hindi pa kami nag uusap ni Shanta, ni tawag or text wala. Ayaw niyang magparamdam. Parang tinataguan ako ng lahat.
I try to dialed her number pero hindi niya sinasagot o di kaya minsan naka patay ang phone niya
Pag pumupunta naman ako sa bahay nila sinasabi nang mga Maids wala siya minsan pag mommy niya lang ang nadadatnan ko sinasabi naman niyang kasama nang daddy niya, e nasa Korea yung daddy niya
Kaya minsan wala na akong magawa at umuuwi nalang ako
Ang saya no?
Namimiss ko na kasi yung kakulitan niya, yung presence nya. Yung ngiti nya yung mga titig nya, namimiss ko na
Lahat nang bagay na nasa kanya namimiss ko na
Namimiss ko na yung taong tunay ko talagang minamahal sa umpisa palang
"Oh! Kanina ka pa nakatingin jan sa phone mo"
Sabi ni Niel sa tabi ko.. Ngayon ko lang din ulit naka usap to si Niel magmula nung nalaman ko ang tungkol sa nalaman koPero hindi pa din nila alam na naaalala ko na not exactly lahat.
Balak ko na nang sabihin sa kanya eh
"Niel, may sasabihin ako"
panimula ko pero agad nagbago yung facial expressions niya.G-Go.. Tell me"
"Bakit mo tinago yung tungkol sa nakaraan namin ni Shanta? Bakit niyo tinago?!"
Hindi niya inakalang matatanong ko sa kanya to, gulat at pagtataka ang mukha niya. Nanlaki kasi yung mga mata niya
"K-Kailan pa? "
"A few weeks ago I think? "
Bigla nalang siyang napayuko at tinapik ang likod ko
"Pre, sorry hindi namin agad sinabi sayo kasi ayaw paalam ni Shanta.. Pinilit naman namin siya pero ayaw nya talaga, but you know what? Napatunayan mong mahal na mahal niyo ang isa't isa.. "
Napakunot naman ako dahil sa sinabi nya
"Kasi kahit nawala na lahat lahat nang alaala mo. . . Hindi pa din nawala ang pagmamahal mo sa kanya, Ang swerte mo kay Shanta, sobrang swerte mo. Nakaka ingit ka nga e, ikaw kasi yung mahal niya"
Tumawa lang siya nang mapait habang sinasabi yun. Ano namang ibig sabihin niya dun?
May double meaning ba yun?"Mahal mo na siya noon pa pero mas lalo pang lumalalim. . . Iba din talaga nagagawa nang pag ibig! "
Napabuntong hininga ulit siya tsaka pumasok nang kitchen. . . Napa isip ako sa sinabi niya,
Tama nga kasi siya! Hindi nawala yung pagmamahal ko kay Shanta kasi alam ko na sa sarili ko na siya na ang mamahalin ko handa akong sumugal para sa kanya
Ang tanging naiisip ko nalang kung bakit tinago yun ni Shanta anong dahilan nya para itago yun? Bakit si Nica yung naging girlfriend ko ngayon? Bakit lahat nang tao sa university alam ang tungkol dito at ako lang ang hindi ?
Nakaka tanga isipin
Ang dami pang tanong sa isip ko, ang daming bakit na tumatakbo kung paano? Naguguluhan pa din ako
Kumbaga sa isang puzzle na ginagawa ko nakaka kalahati pa din ako, naghahanap ako nang clue para malaman lahat nang detalye
"Si Nica? Naging selfish lang talaga siya.. Sinamantala niya yung pagkakataong dapat si Shanta ang magpapa alala sayo nang lahat pero pilit na pinipigilan ni Nica"
Napalingon na ako kay Niel na kasalukuyang kakalabas lang nang kitchen at may hawak hawak na isang gallon nang ice cream sakin dapat yan eh
Mang aagaw!
Sa sinabi niya parang naisip niya yung naisip ko, ang galing nga eh sumakto pero ang tanong
"Ice cream ko yan! Bakit mo inaagaw? Ang siba mo talaga"
"Ito naman grabe ka! Crush mo naman ako eh"
Umakto nalang akong nasusuka sa sinabi niya.. Namiss ko tong kabaliwan namin
"Wag mo naman akong itulad sayo Ugok! Ikaw nga tong bakla eh sa gwapo, hot at sex appeal ko? Huh! Baka pati matitikas na lalaki mabakla dahil sa akin"
Umakto siyang parang tinatangay nang hangin, and I swear nakakatawa siya. Kahit panandaliang malimutan ko yung problema ko.
"Mahiya ka pre. Marangal akong kumakain nang ice cream dito oh! "
Umupo siya sa tabi ko at pina ingit ang hawak hawak niyang ice cream.. Tsk! Masiba talaga
"Kapal nang mukha nito"
"Gwapo lang"
Umakyat ako saglit sa kwarto para kunin ang charger nang cellphone ko nang magawi nang mata ko ang isang picture namin ni Nica na nakalagay sa side table ko
Napa iling nalang ako at tinaob yun.. Wala nang dapat tayo!
BAKIT BA KASI GAGAWIN YUN NI NICA? PINAGKATIWALAAN KO SIYA?
Everything goes wrong.
➖➖➖➖➖➖➖
Don't forget to vote and comment ♥