[SHANTA's POV]
Sige na pumasok ka na sa loob. Goodnight Shanta, sweet dreams. I think I'm starting to like you"
Dahan dahan kong inangat ang ulo ko para matitigan sya. Teka? Nakaka alala na ba siya? Hala! Ito na ba yun? Yung matagal ko nang hinihintay?
"Joke" Then he pinch my nose
Yung bilis nang tibok ng puso ko ay unti unting nawala. Kasabay na marahan na para na akong babagsak sa kinatatayuan ko
Akala ko panaman! Kainis! Nag assume nanaman ako. Akala ko naka alala na siya dahil nakita nya yung picture
Pero ako tong si Tanga. May girlfriend sya!
Pero teka? Pano napunta sa kanya yung picture..
Patay!
Pinag hahampas ko ang ulo ko dahil sa katangahan ko. Bakit ko ba kasi iniwan yun dun? Yung lumang kotse niya yung gamit niya!.. Panong umandar pa yun? Ang luma na nun eh, shunga shunga naman nun ginamit pa yung lumang kotse na yun! Di pa kasi tinapon..
But for some reasons.. Natutuwa ako kung onti unti na niya akong maaalala
—
Nasa kwarto ako ngayon at hindi pumasok, ayokong makita yung pag mumukha ni Verm! Naiinis aak! Sobra akong naiinis sa kanya!
Umasa ako kagabi tapos, tapos, tapos...
Tapos—Urgh! Yun pala Joke lang, ang galing niya talaga nagpakilig ang galing galing niya
Napasabunot akong muli.
Halos mahimatay na ako kagabi dahil sobrang kinikilig na ako eh, halos hindi ko na matago yung emosyon ko kagabi tapos joke lang pala
Peste naman kasing Joke yan, naimbento pa sarap katayin nang nag imbento eh
Bakit kasi hindi pa ako nadadala sa mga kabaliwan at kahanginan ni Verm? Bakit?
Naiinis ako sa sarili ko! Umasa akong meron na ulit kami pero wala pala! Kaya ako nalang lagi ang nasasaktan. Umaasa akong babalik ang dating siya kahit alam kong mas mahal na niya si Nica
Saming dalawa ako ang pinaka nasasaktan, nasasaktan ako sa lahat ng mga pinag gagawa nya
Yung dating mahal na mahal mo ngayon hindi ka na kilala, wala na siyang natatandaan ni isa sayo
Sa lahat lahat ng pwede niyang makalimutan ako pa! ako pa tuloy ang naging miserable
"Anak kumain ka na"
Tawag sakin ni eomma galing sa kwarto"Ayoko po Eomma (mommy) "
Narinig kong bumukas ang pinto ko kaya nag talukbong agad ako, sesermunan nanaman nya ako"Ikaw talagang bata ka"
Naka talukbong parin ako, ayokong makita ni Eomma ang mukha ko para akong zombie dahil ang lalaki ng eyebugs ko wala pa akong tulog at 7 na nang umaga
Sa tingin nyo sino pa nag gaganahan na pumasok ng ganyan?
"Sige na, bumaba ka mamaya. Aalis na kami ng appa (daddy) mo "
"Ne (yes) "
"Ayos ka lang ba dito?"
"Ne"
"Bye!"
Paalam niya kaya lalong naningkit yung mata ko"Ne, take care"
Narinig ko na ang mga yabag niya at ang pagsarado ng pinto sa kwarto ko kaya tinangal ko na rin yung talukbong sa mukha ko
Naiinis talaga ako!
Ewan ko ba bakit sa university ang galing galing kong magtago bilang isang Ms. Cold Hearted pero bakit pag dating kay Verm nawawala? Bumabalik yung dating ako?
Tsk! Ang tanga tanga ko dahil umasa nanaman ako kahit alam kong may girlfriend yung tao at ang paasa niya. Naiinis ako!!!!!!!!!!
Ang sakit sakit ng puso ko, ang sakit sakit! Akala ko kasi okay na ako maayos na ako akala ko sa loob ng isang taon makakapag move on ako pero wala olats
Akala ko lang pala
Lumipat ako ng school para sa ikakatahimik ng buhay ko pero putcha! Nasundan ako ng damulag na yun
Walang nangyari mas lalo lang akong nasasaktan at nahihirapan, mas lalo ko pa syang hinahanap hanap. Ang sakit kasi dati ako yung mahal nya pero ngayon may iba na.
Iba na yung mahal nya. Ang sakit! Buti nalang at nakaka survive ako at nakaka kain pa ako ng maayos sa kalagayan koSa aming dalawa sya si Paasa at ako ang uumasa
Wala akong maka usap dahil wala naman akong kaibigan WALA NA AKONG KAIBIGAN
Ang selfish nya ang selfish selfish nya . . .
Masakit umasa! Ang sakit maging tanga! Lalo na kapag kinaibigan ka dahil mahal nya yung BOYFRIEND MO
*buzzzzzzzzz* (phone ringing)
Napalingon ako sa side table ko at nakita kong nag bubuzz ang cellphone ko, dali dali kong kinuha yun
Yung feeling na nag eemote ka tapos biglang may kokontra?
Yung feeling na umaarte ka dahil sa kanya tapos bigla ka nyang tatawagan?
Sinagot ko na yung tawag nya, kunyari labag sa loob kong sinagot siya
"Hello! "Narinig ko nanaman yung boses nya dahilan para bumilis ang tibok ng puso koAlam nyo na siguro kung sino yung caller
Ang nag iisang Verm Sefir Sanmaniego The Great
"Oh bakit? "
Tanong ko sa kanya ng walang kagana gana
"Bakit hindi ka pumasok? Alam mo bang namuti yung mata ko kakatanaw sayo kung nasan ka na? Sumakit yung paa ko dahil ilang oras kitang hinintay sa labas? Hayst. Umambon pa kaya sinisipon tuloy ako" Mahaba nyang litanyaGrabe ah, buti nga sya ganyan lang yung nangyari eh sakin nga halos patayin ko na yung sarili ko dahil sa aksidenteng nangyari sa kanya -_-
Nanumbat ba ako?
Tsk.
"Sino ba naman kasing may sabi sayong hintayin mo ako? Wala naman diba? Bakit hindi si Nica ang —" Cold kong sabi sa kanya pero sa totoo lang talaga, sobrang bilis ng tibok nang puso ko at kilig na kilig na ako dito
Eh bakit ba ako kinikilig? Kasi may surprise sya?
Tsk! Sige umasa ka nanaman Shanta! Paasahin mo nanaman yang tanga tanga mong puso
**toot**
Napaawang nalang ako dahil binabaan nya ako ng tawag.
Sya parin yung Verm na minahal ko, walang pagbabago isa lang talaga yung nagbago
Yung pagmamahal nya hahah naiiyak ako! Shiiit
Ayoko nang masaktan kaya dapat di na talaga ako naniniwala sa kanya
Ayoko nang umasa, ayoko na ! Napapagod na ako. PAASA
Kung pwede ko nga lang burahin yung sakit nang nakaraan na hanggang ngayon hinahunting padin ako
Masaya ba Shanta? Masaya ba maging tanga?
Peste ! kainis! Dun siya sa malanding Nica Impakta nya.. Kainis
PAASA!