CHAPTER 18: SHANTA's REASON

1.7K 27 0
                                    


VERM's POV


Nasa labas kami nang ER nang hospital.  Iyak nang iyak lang si Tita Niki habang naka dungaw sa labas. . .

Nasa critical na kalagayan ngayon si Nica at nag aalala din naman ako. Parte pa rin naman siya ng buhay ko

Na aksidente daw si Nica habang pa uwi sa condo niya..  Naka inom daw siya at bumanga sa isang poste ang sasakyan niya dahil sobra daw ang pagkalasing. 

And I thought na nasa Davao siya..  She lied AGAIN

Pero kailangan niya din ako. This time.

She's in a critical condition and I don't know what to do. . . Siguro ang selfish nang dating pero gustong gusto ko na siyang hiwalayan .

I want to be with Shanta,  I want her to comeback


"TITA NIKS! "

Napalingon kami kay Shanta kasama si Sean habang humahangos, 

Nakikita ko sa mga mata niya na nag aalala siya,  ganyan ba talaga siya kabait?

Kahit inagawan na,  kahit sinaktan na nagagawa niya parin nyang mag alala sa iba,  kaya mas lalo akong nahuhulog sa kanya e. She has a selfless heart.

Agad niyang niyakap si Tita Niki, at hinagod hagod niya lang ang likod nito hanggang sa kumalma si Tita Niki. Pagkatapos kong ma alala kung pano niya ako hiniwalayan nang ganun ganun lang


Hindi niya ako pinag laban,  iniwan niya nalang nang basta basta ang apat na taon dahil sa isang halik. Hindi  niya ako hinayaang mag explain.

Oo alam ko,  mali din ako pero ang hindi ako pagbigyan?  I deserve a second chance.. Marami na kaming sinakripisyo sa apat na taon pero mas pinili niyang umalis kaysa manatili sa tabi ko


Tinapunan ko muli siya nang tingin.  Naka upo na siya sa labas at maluha luha

Hindi ko na napigilan ang sarili ko kaya hinila ko siya

"Ano ba!  Saan mo ba ako dadalhin? "
Tanong niya na may halong inis pero patuloy ko siyang hinila

Nagpumiglas siya pero dahil malakas ako nahila ko pa din siya papunta sa roof top

Nang makarating na kami sa roof top saka ko lang sya binitawan

She gasp.  .

"Outch!  Ano naman bang ka dramahan to Verm? Let me go! I need to see her"

Binitawan ko ang kamay niya at Tinapunan ko lang siya nang tingin na kasalukuyang nakatingin sa namumula niyang kamay habang pinupunasan ang mga luha niya

Tsk!  Mapahigpit yung paghawak ko!

Kinutusan ko ang sarili ko nang palihim..  Anong katangahan tong ginagawa ko?

"Uy!  Ano?  Tag nganga?  Hihilahin mo ako dito tapos hindi ka mag sasalita,  baka pati pagsasalita nakalimutan mo na din? —"

I cut her off

"Bakit mo nilihim lahat? "
I ask her directly . Hindi na ako nagpaligoy ligoy pa dahil wala ding mapupuntahan tong usapan kung magpatuloy ang bunganga nang baliw na to.

"H-huh? "
She roll her eyes at nagpa inosenteng akala mo walang alam,  di na niya ako madadaan sa mga ganyan niya

Hindi siya magaling sa pagsisinungaling...  I know her a lot.  Maaaring nakakalimot ang utak pero hindi ang puso

"Tsk!  Wag kang mag maangmaangan sakin Sha kilala kita..  "

Napayuko lang siya at hindi na nagsalita. Ano?  Wala siyang balak magsalita?

Lumapit ako sa kanya at hinawakan kong muli ang mga kamay niya
"Naaalala ko na ang lahat.  Wala ka nang dapat itago pa,  isa lang ang gusto kong malaman Sha bakit? Bakit hindi mo ako pinaglaban?"

Saglit pa siyang nanahimik bago tuluyang magsalita.

"Kasi ayoko ng masaktan. Hindi ko na kaya yung sakit, akala mo madali sakin lahat to? Akala mo okay lang sakin? Ayoko ng umasa. Ayoko na, naging masaya ka naman sa kanya diba?"
Napaluha siyang muli at tinignan ako sa mga mata. She's in pain. I can see in her eyes. Damn!  Bakit ako bumibigay sa tuwing nakikita ko siyang umiiyak?

Seeing her hurt because of me? Mas nasasaktan ako. Kasi ako yung dahilan.

"Kasi mahal ka noya,  mahal na mahal ka niya. "
Muli nyang sambit at ngumiti ng mapait.

"Kaya willing kang hindi ako ipaglaban? "

Umiling sya

"No—"

"THEN WHY?  WHY SHANTA? Bakit mo sinasaktan ang sarili mo? Ako? Hindi madali sakin to—"

"Sa tingin mo ba madali sakin to? Nahihirapan din ako! Mas nahihirapan ako! Ilan ba?  Ilan bang sakit lahat ng binigay mo sakin?"

Mas lalo lang siyang napahagulgol.. 

"Ang selfless no? Kasi alam mo gusto ko siyang maging masaya,  when she kiss you that time nasaktan ako kasi hinalikan mo din sya! —"

"F*ck Shanta! Naka inom ako that time. It was just a kiss!"

PAK!

She slap me,  HARD

"Yeah!  It was just a kiss,  at sa best friend ko pa. Sobrang sakit. Wala ka kasing alam tungkol sa nararamdaman ko,  wala kang alam kung nasasaktan na ba ako,  wala kang alam na sukong suko na ako,  hindi mo alam na sobra na tong sakit na pinapasan ko nang dahil sayo.
How many chances Verm? Ilang pagkakataon ba yung nabigay ko na sayo? Kasi alam mo sarili mo lang yung pinapakinggan mo sarili mo lang yung iniisip mo! Nasasaktan din ako Verm!  May puso ako,  at ito"

Tinuro nya ang dibdib niya habang nanginginig,  gusto ko na syang yakapin

Ayoko na! I want to stop her

"Itong pusong to,  ilang beses na tong nagpatawad ilang beses na tong nasasaktan nang dahil sa'yo.  Mali ba yung ginawa ko?  Mali bang palayain ka kasi wala na talaga?  Alam kong tanga ako pero kasi mahal na mahal kita. Sa limang buwan mong pagkaka coma wala akong ibang inisip kundi sisihin ang sarili ko sinisisi ko kasi pinalayo kita. It hurts but it's okay..  I'm used to it"

Napaluhod na siya sa sahig..  Lumapit ako sa kanya at niyakap siya.

She's crying again. And it's all my fault AGAIN

Bakit ko nga ba sya sinasaktan nang ganito?  Sobrang bait niya

Hindi ba ako deserve sa kanya?

Kaya pano ko sasabihing ako yung tamang lalaki para sa kanya? Kung paulit-ulit ko na pala siyang nasasaktan nang hindi ko man lang alam

Pano? 

Hindi ako deserve sa kanya..

"I'm sorry Ram"

Wala na akong ibang nasabi kundi sorry..  Wala akong magawa para mahilom yung sakit nang puso niya

"Mahal kita, pero tama na"
Sagot niya at tumayo.

After she saying that... Umalis kaagad siya nang hindi ko man lang pinigilan.

How stupid I'am?

Bakit ba lagi ko nalang siyang sinasaktan?


➖➖➖➖➖➖➖

Don't forget to vote and comment ♥

COLD HEARTEDTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon