CHAPTER 46: SORRY

1.5K 22 0
                                    


[SHANTA's POV]


Nagkita kami ngayon ni Rom.  Kailangan ko ng sabihin  sa kanya,  dahil ayokong mas masaktan ko siya.. Ayokong darating sa punto na sobra na yung pananakit ko sa kanya, kahit wala siyang ibang ginawa kundi ang pag bigyan at mahalin ako.

"May gusto din sana akong sabihin sayo"
Sabi niya sakin pero sa baba pa din ang tingin.. Mas lalo akong kinakabahan sa bawat salitang mga bibigkasin niya.

"Sha!  I'm sorry I'm really really sorry—"

"Hey!  Bakit ka nag sosorry?  Ako ang dapat mag sorry sayo. R-Rom.. N-Nagkabalikan na k-kami"
Napa angat naman ang tingin niya sakin saka siya ngumiti. Ito na ba yun?  Ito na ba yung magiging ending namin pagtapos naming magsama sa Korea ng ilang taon. Pagkatapos naming maramdaman ang halo halong emosyong yun. Ito na yun?

Gusto kong batukan yung sarili ko.  Isang katangahan ang iwan si Rom, isang kabaliwan ang saktan siya ng paulit ulit. Magmula sa Korea siya lang lagi yung kasama ko,  siya lang yung tumulong sakin,  pero ito pa din! Sinasaktan ko pa din siya. 

Tinignan ko siya ng may halong pagtataka,  binigyan niya ako ng isang ngiti. Yung ngiting ngayon ko lang nakita sa buong buhay ko

"Sha!  Thank you"
He said. Nagtaka naman ako, anong sinasabi niya? Diba dapat sinusumbat niya sakin lahat? Kasi ang tanga ko dahil ginawa ko to sa kanya, after all those happiness and tears nakuha ko pa din siyang talikuran ng ganito

"W-What?"

"Sha.. Thank you, for not falling in love with me. Thank you for everything pero wala akong kwenta"
Napa upo siya at nagsimulang mamasa ang kanyang mata. Ano bang ibig niyang sabihin?

"Rom—"

"Shanta. Hindi ako naging mabuti, tinalikuran ko ang mag ina ko. Isa akong duwag at walang kwenta" Hinawakan ko ng mahigpit ang kamay niya na nakapatong sa mesa. M-May anak na siya..

"No! Stop saying that! Naging mabuti ka, you save me when I'm drowning. You help even I didn't ask you to do that"

Lumingon siya sakin at ngumiti.
"Nalaman kong.. Bago kami maghiwalay ni Diane, nalaman kong buntis na pala siya and she didn't bother to tell me dahil takot siya. At tanga ako dahil binitawan ko siya"

Naging duwag silang pareho sa pagharap ng mga tungkulin nila. Na challenge sila ng panahon at naka tagpo ng mga ibang tao, but their heart is still the same, nagkalayo man sila pero nandun pa din yung pagmamahal na nabaon lang dahil sa gusto nilang makalimot, pero tadhana na ang gumawa ng paraan para magtagpo silang muli at gumawa ng bagong alaala kasama ang baby nila.

"Rom. Ipaglaban mo. Chase her again and prove to her that you love her"

He nodded
"I will Sha. Thanks a lot, gagawin ko ang lahat para sa kanya, also for our baby"



I'm happy for him, pero nakakalungkot at the same time kasi 3 years sa kanyang tinago na may anak siya. That's hurt.  Lumaki yung baby niya ng walang ama.

Napatigil ako.  Parang nakokonsensya ako,  lumalaki yung anak ng wala siya habang ako nagpapakasaya sa Korea kasama siya

"Congrats.. But Rom, I'm really really sorry—"

"No worries.  It's okay. Alam ko naman na mahal mo pa siya,  at hindi yun mawala  o nabawasan. Don't worry magiging okay din ang lahat and besides napasasalamat din ako sayo kasi hindi ka nag move on. Kung nakapag move on ka malamang! Na inlove ka na sakin, sa gwapo kong to? "
Seryoso na sana ang usapan namin pero humirit pa siya. Pinagtawanan ko pa siya

COLD HEARTEDTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon