Jessa Pov
May pasok na kami ngayon, umalis na raw kasi yung bagyo. Masaya naman eh, kaso may bago kaming kasama si queenie yun. Kapansin pansin yung pagiging close nila ni kyle. Pero baka magkababata lang sila kaya ganun? Diba? Duuuuuh.
Queenie: hi guys.
Ang ganda ng ngiti niya, halatang masaya siya. Grabe ang perfect na niya, maganda na, talented pa.
Timothy: ang saya mo ah?
Queenie: paano ba naman sinundo ako ni kyle.
Oh okay? Anong papel ko dito? Sila na lang loveteam ganun? Siya nasusundo ako hindi? Wow. Parang nga gusto niya si kyle eh, may pakilig kilig pa siya.
Kyle: queenie! Bakit mo naman ako iniwan?
So totoo nga? Sabay sila pumasok? Nakakatampo naman si kyle. Saka hello, andito kaya ako? Bakit hindi man lang siya tumingin sakin at ngumiti or maghi man lang.
Queenie: ang dami mong chicks eh.
Mary: wait, bakit parang may something sainyo?
Queenie: wait hindi niyo alam?
Jessa: may dapat ba kaming malaman?
Aba pov ko to tapos ako walang sasabihin? Unfair yun!
Kyle: she's my fiancé
Haaaa? Bakit parang nabingi ako? Bakit ang pagkakarinig ko fiance niya si queenie? Bakit parang kumikirot yung puso ko. Bakit ang sakit?
Jessa: Fiance?
Queenie: yes!
Proud pa siya? Tinignan ko si kyle, naka tingin lang siya sa floor nihindi man lang ako matignan. Na kahit ang wolf at si nicole nagiiwas ng tingin?
Jessa: congrats sainyo.
Pinilit ko na lang siya ngitian, ayoko gumawa ng eksena dito. Mukha namang walang alam si queenie, mabait siya hindi dapat ako magalit sakanya. Hindi ko na kaya dito, para kong nauubusan ng air.
Jean: saan ka pupunta?
Jessa: sa cr lang.
Oo lumabas ako, hindi ko kaya ng ganito. Ang sakit sakit, ano nga bang pinanghahawakan ko kay kyle? Eh hindi naman kami nun eh. Kahit ligaw nga walang nangyari eh. Masyado lang siguro akong feeler.
Nicole: nakalagpas ka na sa cr.
Ay zombie! Sumunod pala si nicole, hindi ko alam. Masyado bang occupied ang isip ko? At ayun hinawakan niya kamay ko at pumunta sa may garden ng school dun sa may tagong part kami nagstay.
Nicole: Kaya hindi ko kayang mangasar, kaya hindi ko siya nililink sayo kasi alam kong may fiance siya.
What? Alam niyang may fiance si kyle tapos hindi man lang niya sinabi sakin? Ano to pinagkakaisahan nila ako?
Jessa: ba-bakit hindi mo sinabi sakin?
Umiiyak na ko, hindi ko na kayang itago. Bahala na magmukhang baliw, pero ang sakit pinagmukha nila akong tanga.
Nicole: hindi kasi ako ang may karapatan magsabi, sorry. Saka alam mo naman pagganian ayoko sakin nanggagaling gusto ko sa tao yun mismo.
BINABASA MO ANG
It's Complicated
Teen FictionAno ang magiging buhay ni jessa the jackstone habang nasa tabi niya ang antipatikong si kris? Maingay siyang babae pero mapapatahimik ba siya ni kris? Makakatuluyan niya ba ito? O isa lang ito sa magpapaiyak sakanya?