Kyle Pov
Umuulan ng malakas at wala akong payong. Si louis naman kasi inuna pa girlfriend niya pero sabagay kahit naman ako kung meron din magiging ganun. Si luke, timothy at nicole naman sabay sabay umuwi mga nagmamadali. Naiwan tuloy ako. Hays Kainis.
Ay ayun si Jessa ba yun? Ah oo yung madaldal na babae sa room. May dala siyang payong ayos. Hulog siya ng langit. Sana nga lang pumayag na makisabay ako. Wooh.
Kyle: Jessa!
Jessa: Oh kyle, bakit?
Kyle: Pasabay naman oh, mukhang hindi na titila agad yung ulan eh.
Jessa: Oh sige na nga kawawa ka naman eh. Tara na dito.
Sabay na kaming naglakad, sa totoo lang ang hirap kasi naman medyo lumalayo siya kaya ang ginawa ko na lang pasimpleng umakbay sakanya.
Jessa: Uhm kyle
Kyle: Mababasa kasi tayo pareho kapag hindi ganito kalapit.
Jessa: Ah okay
HAHAHA ang cute niya, namumula siya. Hindi ko alam kung sa kahihiyan o kinikilig lang siya sakin? Don't tell me isa siya sa mga girls na humahanga sakin? Hay. Maasar nga to para di naman boring.
Kyle: Ang ganda mo pala pagmalapitan noh?
Jessa: Hindi naman pero salamat (at sabay yuko)
Kyle: Joke lang!
Jessa: Ang sama mo talaga! (sabay pout)
Kyle: Eh. Bakit ka namumula? Kinikilig ka siguro? Hahaha yihee.
Jessa: Uy hindi ah!
Kyle: Sige sabi mo eh. Hahaha.
Jessa: Hindi ka naman pala ganun kasungit eh.
Nginitian ko lang siya, ewan ko ba bakit parang ang gaan ng loob ko sakanya siguro isa kasi siya sa friend ng girlfriend ni lay at friend ni nicole kaya ganun. Sana lang maging magkaibigan kami masarap din kasi siya kasama may pagkakalog. Nakalog ata utak nito eh? haha. Pero grabe ang bango niya nakakaadik yung amoy.
Jessa: eto na pala bahay namin.
Ay nakakahiya hindi ko man lang napansin na eto na pala. Masyado ata ako nagenjoy sakanya. Well medyo mahina na rin naman yung ulan kaya ko na siguro yun. Malapit lapit na rin naman yung bahay ko dito eh.
Kyle: Salamat sa pagsabay sakin ah?
Jessa: Salamat rin sa paghatid, thank you din sa time!
Kyle: Wala yun, sige bye tsaka salamat ulit.
Jessa: Uy saglit dalhin mo na yung payong mababasa ka nian.
Kyle: Sige salamat bye!
Mukhang wala pa ata siyang balak pumasok sabagay may bubong naman dun sakanila eh. Iintayin pa niya ata ako makaalis. Hindi ko alam kung bakit pero habang naglalakad ako pauwi napapangiti ako. Weird.
*********
Hello, may mga silent reades, oh well. Feel free to favorite and comment. Para lalong masmapaganda tong story :D
#EnigmaticalBeing

BINABASA MO ANG
It's Complicated
Fiksi RemajaAno ang magiging buhay ni jessa the jackstone habang nasa tabi niya ang antipatikong si kris? Maingay siyang babae pero mapapatahimik ba siya ni kris? Makakatuluyan niya ba ito? O isa lang ito sa magpapaiyak sakanya?