Sorry kung ang tagal kong mag-update wala na kasing nagcocomment sa previous chapters kaya naisip ko na hindi nyo na siguro gusto yung flow ng story. Sorry ulit, pwede nyo naman sabihin kung may ayaw kayo kasi pwede ko naman syang iedit. Ayaw nyo ba na may *kissing scene* na nagaganap? No spg? Non-teen fiction kasi yung nilagay ko ehh.. Ayaw nyo ba yung attitude ng mga character? May nasulat ba kong mali? Uulitin ko.. madali lang akong kausap kaya kung may ayaw kayo please lang sabihin nyo para maayos ko.
Ps. Hindi ako naguupdate dahil nagtatampo ako or something. Andami ko kasing problema with school and personal problems..
Here's the Chapter 10, please magcomment kayo. I need feedback at kung sino magpapadedic just comment nalang din.
Idededicate ko ito kay nicolet_valdez since ngayon pa lang sya maga-appear sa HCA
=================================================
Chapter 10
Natapos na ang practice nila Joyce at lumapit sakanya dali dali si Nathan at inabutan sya ng bimpo
"Thanks" pagod na pagod nyang sabi sabay punas sa batok nya. Si Ivan nasa likuran lang ni Nathan at nakatingin sa kanilang dalawa
"Nice Game bes! Sabi na e kayo ang mananalo!" Bati ni Nathan at bigla nalang sumulpot si Hezen at napahawak ito sa knees nya
"Grabe nakakapagod talunin yung matangkad na yun!" Hinihingal na sabi ni Hezen tuwing magiispike kasi sya laging humaharang yung kalaban nilang matangkad pero buti nalang nakakalusot pa rin yung bola at dahil nga sa tangkad nung kalaban nila ay hirap itong yumuko..
"Tara kain tayo sa greenwich!" Aya ni Nathan at bigla naman dumating sina Bea Miñoza,Chele at Bea Lee na kumikinang ang mata
"TREAT MO? TARAA!!" sabay sabay nilang tatlong sabe "Peroo~" hindi nila pinatapos si Nathan at hinila ito kaya naman naiwan si Ivan at Joyce, si Hezen binilisan yung lakad nya para masundan yung apat
Pagdating nila sa gate ng HCA bigla silang huminto
"Teka lang! Pwede bang magpalit muna tayo?" Tanong ni Joyce pano hanggang ngayon ay naka sports wear pa rin sila kaya napakamot naman sa ulo yung apat at bumalik ulit sila sa loob
Paglabas nila ng Changing Room ay nakasalubong nila si Scarlet at Hervey with a girl. Kanina pa nakapagpalit si Scarlet at ngayon ay naka blue backless sya.
Tinignan ni Hezen yung babae.. nakataas ang kilay nito at mukhang mataray, maganda ang pananamit at may hawak itong hermes green bag
"Sino sya?" tanong ni Hezen
"Pinsan ni Hervey ang aking cousin-in-law!! Kyaaaa :")) " sagot ni Scarlet
Ngumiti naman yung pinsan ni Hervey kaya nagmukha na itong dyosa at hindi mataray
"Nice to meet you guys! I'm Nicole Valdez" sabi nya at kumaway *wave* *wave*
Agad naman silang nakarating sa Greenwich at humanap na sila ng pinakamahabang table na malapit sa window sabay upo. Hindi na sumama si Ivan dahil may kailangan pa daw syang gawin at yung magbestfriend na ang umorder ng pizzas, drinks/juices at lasagna(s)