Chapter 24

1.7K 48 4
                                    

 Tweet me guys : @estherruth10 

Chapter 24

Bea Miñoza's POV 

After umalis ni Anna at Nathan, nagsialisan na rin yung iba. Ngayon kami nalang nila Sage, Bea Lee, Clyde, Ashley, Nicole at Chrivan ang nandito, ay kasama rin pala si Terrence.. yung drummer ng banda nila Sage. Hindi kami masyadong close kahit na lagi kaming magkakasama. He's a weird type, may times na sobrang kulit nya at meron din yung sobrang tahimik nya na akala mo pipe

"Ang lamig.."  rinig kong sabi ni Bea Lee kaya naman mas lumapit pa sa kanya si Sage at inakbayan sya. Shete naman oh! Nilalanggam na yung buong park sa kanilang dalawa. 

"sang mundo na ba napunta si Hezen?" tanong ko sa kanila. Kasi kanina kasama lang namin sya tapos ngayon bigla nalang nawala.. Si Seth din eh! Yung bassist nila Sage. Hmm lam na dis! 

"Nag tanan na siguro yung dalawa haha!" Sabi ni Clyde, referring to Hezen and Seth. Hindi imposible yun kasi si Hezen ano yun eh.. ano.... ano maganda hehe! 

"Tara tanan din tayo! Hihi" pabirong sabi ni Nicole kay Chrivan 

"Baliw ka talaga! Masyado pa tayong bata noh, next week nalang!" kitams, alam ko naman na may gusto rin si Chrivan kay Nicole eh. Pakipot pa kasi tong lalaki na to eh! Ay weyt ba't nga ba ako nangingielam sa lovelife nila! Since birth nga wala pang nagtangkang manligaw sakin kasi natatakot daw sila na pahirapan ko sila ng todo todo! Tss.  

"Kajinis kayo!! Pwede ba, kung gusto nyong mag pee dee eyy dun kayo sa prisinto!" dinilaan lang ako ng mga babaita. Tsk kainis talaga!! Ba't ba kasi wala akong lovelife?? Author!!! Kasalanan mo to ehh..pakipatay nga si Sheilo!! 

"Guys! Hatid ko na si Nicole sa bahay nila, quarter to eight na kaya, tska baka hinahanap na rin ako sa bahay! Sige bye" nakipag beso beso muna samin sina Nicole at Chrivan bago umalis at sumakay na rin sila sa Ducati ni Chrivan! Hanep ang taray naman ni Nicole, may tagahatid pa sa bahay! 

"Kami rin pala! Bebe Sage, hatid mo nako. Kakatext lang ni mommy eh! Pinapauwi na ako

"Sige sige beababes " ew pangit ng endearment nila! Nakakasuka. Tsk okay ako na bitter 

Ang awkward pala pag kaming apat nalang yung natira. Si Clyde nakatitig lang kay Ashley. Sus torpe kasi to eh! May pa playboy look pa syang nalalaman pero ang totoo may gusto naman talaga kay Ashley. Eto naman babae na to, masyadong manhid..buti pa nga may nagkakagusto pa sakanya. 

"Ehem ehem" napatingin ako kay Terrence na umuubo. Okay fake cough. Halata naman na parang hindi rin sya sanay na tahimik kaming lahat, kahit na dak ng dak naman talaga ako sa isipan ko. Tinaas ko naman yung kilay ko habang nakatingin pa rin sakanya

"Ang sakit kasi sa tenga ng katahimikan" sabi nya. Aba magaling! Buti nabasa nya yung iniisip ko

"Edi magingay! WAZZUP PEOPLE!!!! ANG GANDA GANDA GANDA GANDA KOOOOOOOOOOOOOOO" sigaw ko para naman magising yung dalawa mula sa pag deday dream 

High Class Academy BOOK 1Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon