Chapter 20
Joyce's POV
"Oh come on Joyce! Ba't ka kasi umamin agad? Ang tanga mo talaga!" Okay mukha na akong tanga dito sa rooftop dahil sa kakaemote ko. Bakit ba kasi nadulas ako? Arrrg!!
"Kahapon si Chele yung nagiinarte tapos ngayon ikaw naman? Hayss buti pa ako happy happy lang!" Kahit kailan talaga forever mushroom tong si Nicole
"Che! Palibhasa kasi okay na kayo ni Chrivan -_____-"
"Well! Ganyan talaga pag nagmamahalan!"
"Nagmamahalan.. Ows? Sinabi nya na ba sayo yung magic word na 'mahal kita'?"
"Hindi! Pero ganun din naman yun!! Syempre nahihiya lang yun sakin kasi sobrang mahal na mahal nya ako"
"Tsk, kumain ka na nga lang!!"
"Hahaha k!" kumain lang kami ng kumain ng barbecue, tutal hapon na naman kaya masarap tumambay dito. Si Chele hindi ko alam kung nasaan yun pero feeling ko medyo okay na rin naman sya, hindi ko pa rin alam kung pano nagawa sakanya ni Jem yun, matino naman yun pero may pagkahangin nga lang.
"Ano nanaman iniisip mo? O sino iniisip mo?" hay nako ang daming talaga nito
"Yung pinsan mo, hindi ka ba nagaalala dun?"
"Well syempre nalungkot ako nung una pero siguro may dahilan naman si Jem kung bakit nya nagawa yun diba?" She has a point! Baka nga may rason.. sana
"Why don't we ask Jem? Nakita ko kung pano sya mapaluhod kahapon nung tumakbo papalayo sakanya si Chele, alam kong nasaktan sya nun."
*tug* napalingon ako, ... si Ivan. Nyemas naman bakit ngayon pa? Bigla tuloy ako namula
"Hi Joyce!" for the first time, nakita ko syang ngumiti. Yung ngiti nyang sobrang familiar sakin.. O___o same smile.. Parehas sila ng ngiti nung humalik sakin, I know super dilim nung time na yun pero medyo naka bukas kasi yung bintana nun kaya I saw his smile
"Ay kamatis nga naman oh!" nakakainis talaga si Nicole :((( "Osya sya maiwan ko muna kayo!"
"Nicole!" sigaw ko kaso huli na ang lahat, nakaalis na sya. sa sobrang bilis ni hindi ko man lang napansin na nakatayo na sa tabi ko si Ivan
"Bakit?" tanong ko, naka ngiti kasi ehh.. tss parang ewan tuloy
"Mahal mo ko?"
"Ha? Oo~ aish! Hindi kaya, ano ba pinagtatanong mo jan?" Bakit kailangan madulas ako lagi? -__- isa na lang talaga at tatalon ako!