Chapter 38
Ivan's POV
Four days na ang nakakalipas pero hindi pa rin gumigising si Joyce. Hindi na rin ako umuuwi sa bahay namin, dahil alam kong once na umuwi ako ay hindi na ako makakalabas ulit. Nathan helps me fortunately, dinadalhan nya ako ng mga damit. Dito na rin ako natutulog sa hospital with Joyce, araw araw naman dumadalaw sa kanya ang barkada at madalas pinipilit namin magtawanan kasi alam naman namin na naririnig kami ni Joyce... para isipin nya na hindi kami malungkot at nandito lang kami sa tabi nya kahit anong mangyari
"HI IVAN!! HI JOYCE!!" bati nila at pumasok isa isa. Araw araw rin sila nagdadala ng foods, balloons at kung ano ano para lang may gawin kami buong araw. Sila Clyde at Sage lagi rin may dalang gitara
"Ang ingay nyo talaga!! Natutulog si joyce..sshhhh!" sabi ko sakanila sabay quiet sign. Tumahimik naman sila "Ivan..alam namin na mahirap" hinaplos haplos ko ang buhok ni Joyce kasabay ng pagtulo ng luha ko. Oo ganito ako kabilis lumuha pagdating kay Joyce, hindi ko pa nasasabi sakanya na may gusto ako sakanya..ay na mahal ko pala sya kaya ganito ako kaapektado
Tumabi si Nathan sa kabilang side ni Joyce at hinawakan ang kamay "Nako bestfriend..wag mong sasagutin yang pinsan ko ha? Ang pangit kaya nyan pag bagong gising!" ngumiti naman ako at binato ng tissue si Nathan
"De joke lang.. I know you can hear me, kahit na araw araw ko nang sinasabi sayo to at hindi ka naman sumasagot,uulit ulitin ko pa rin hehe. Mahal na mahal ka namin bestfriend..at sana *sobs* sana gumising ka na.." tinakpan naman ni Anna ang mga mata ni Nathan gamit ang kamay nya nya
"Tama na yang drama...alam kong sobrang nakokornihan na si Joyce sainyo haha! Diba Joyce?" Binuksan na nila ang mga dala nilang pagkaen at nilantakan na namin
Yung mga girls naman naisipan ayusan ng buhok si Joyce at nagsipalibot sa gilid nya "ayan ang ganda na ulit ni Joyce!" sabi ni Bea M.
"Lagi naman sya maganda.." sabi ko sakanila, kasi totoo naman "Kyahhhhhh!!! Kinikilig ako!!!!" napatakip nalang kami ng tenga a sigaw ng mga babae at umiling pagkatapos
"Siguro kung lagi kayong titili, mas mapapadali ang paggising ni Joyce" sabi naman ni Seth.
Bumukas ang pinto at pumasok sa loob ng kwarto si Doc. Suarez, tumayo naman ako at nilapitan sya
"Doc..okay na po ba si Joyce?" he look at his pad then at me after
"There's a good news. Her heart beats faster now than before and that's a good thing, but she's still unable to conciously feel, speak,hear or move. But since lagi kayong nandito, I suggest you to talk to her continuously even if she's not responding so that maybe her hearing sense will be better." We nodded at lumabas na si Doc, tinapik lang ako ni Sage sa balikat at umupo na ako ulit
Mr Montilla calling... I didn't accept his call. I don't even call him dad anymore, kasi hindi rin naman anak talaga ang turin nya sakin..kundi isang trabahador lang in short alipin.
"Hindi ka na ba talaga uuwi sainyo?" tinignan ko si Nathan at umiling "Hindi pa ngayon.."