Chapter 33

1.2K 31 2
                                    

Chapter 33

Chele's POV

Ang tahimik.. ang awkward, dati rati tuwing magkasama kami ni Jem puro tawanan,kiligan ang maririnig mo at mafefeel, pero ngayon awkwardness na. Hayss

"Hmm.." saad ko, hindi ko alam ang sasabihin ko sa kanya 

"Mahal mo pa ba ako?" tanong nya pero hindi naman sya tumingin sakin. "I-i~ ay wag mo na palang sagutin, mas mabuting wag mo nang sagutin kasi alam ko na ang sagot mo. Niloko mo nga lang pala ako, kaya hindi mo talaga ako mahal" napayuko naman ako. Galit talaga sya sakin.. 

"Sorry...." sorry kasi di ko na ata mababalik yung dati

Bigla nalang akong napaiyak at tinakpan ang mukha ko 

"Wag kang umiyak...alam ko naman na nagpapanggap ka lang kaya ngayon free ka nang ipamukha sakin na niloloko mo lang talaga ako

Mas napaiyak ako lalo..ang sakit pala pag nalaman mong galit sayo yung taong mahal mo, naramdaman ko nalang na hinawakan nya ang kamay ko kaya mas hinigpitan ko ang hawak sa kamay nya "Pero...pero magpapakamartyr muna ako ngayon" tumingin ako sakanya, nakita kong may luha na ring umaagos sa mga mata nya "Pwede bang wag mo akong iwan? Kahit lokohin mo pa ako, kahit na magmahalan pa kayo ni Ivan, kahit ipakita mo pa sakin ng harap harapan na hindi mo talaga ako mahal..please lang, wag mo muna akong iwan..Kasi hindi ko ata makakaya pag iniwan mo ko

"I-i'm s-sorry.." unti unti kong binitawan yung kamay nya.. Kung pwede ko lang hawakan yung mga kamay nayon habang buhay, gagawin ko. 

Paglabas ko nang kotse nya tuluyan nang tumulo ang mga luha ko, kaya naisipan kong tumakbo nalang.. hanggang kung saan man ako makarating. 

Sa pagtakbo ko.. bumuhos rin ang malakas na ulan. Salamat sa pakikiramay ulan! Tayo nalang kaya?hehe.. Wala na akong pakielam kung umulan man o umaraw, gusto ko lang maiyak sa mga oras na ito..

"chele!" kahit malabo alam kong si Ivan iyon, naramdaman kong niyakap nya ako kaya napayakap nalang din ako sakanya

"Sige iiyak mo lang yan...iiyak mo lang yan hanggang sa mapagod ka na. Nandito lang ako" niyakap ko sya ng mahigpit at umiyak ng umiyak 

"Nathan san tayo pupunta?" Tanong ni Anna

"Sa mall lang!" sabi ni Nathan sabay tawa, pinalo naman sya ni Anna sa braso

"Sa mall lang tayo, tapos kailangan naka-coche pa?" ngumisi lang si Nathan. Napansin nilang hindi nagsasalita ang isa pa nilang kasama kaya parehas silang napatingin sa likod nila kung saan nakaupo si Joyce na tulalang nakatingin sa bintana 

Kaya naman napatingin din sila sa tinitignan ni Joyce

"Magkayakap nanaman sila? Aba matinde!" sabi ni Anna, si Nathan ay agad agad pinatakbo ang coche kaya naman muntik ng masubsob sila Anna at Joyce

"NATHAN!!" sigaw ni Anna, bigla naman napatingin sa kanya si Nathan

High Class Academy BOOK 1Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon