Like nyo na ang page ng High Class Academy sa FB! Click the external link --------->
Thank you sa mga nagcomment sa previous chapter! Talagang natuwa ako, akala ko kasi nawala na yung mga studyante. Nakakalungkot lang sa mga boys students ko ay hindi na sila active pero ayos lang! Andyan pa naman ang mga girls ^^
==============================================
Chapter 12
"Thank you.." ngumiti sakanya si Anna at lumabas
"WIIIIIWUUUUWIIIIIWUUUUU Nekekeleg keye ne Nethen!!" Sigaw ni Hezen, Ashley Bea M. at Bea Lee habang tumatalon sa kilig
"Tss" linagpasan lang sila ni Anna na papunta sa Restaurant, nagbell na rin kasi kaya break time na nila
"Wait us Anna!!" sabi ni Ashley at saka tumakbo papunta kay Anna, ang bilis kasi maglakad kala mo may humahabol na aso! Ay meron pala.. ^^
Pagkaalis ng mga girls lumabas naman ng sila Joyce at Ivan ng room para puntahan si Nathan sa clinic, at pagdating nila naabutan nilang nagpupunas ng betadine si Nathan sa bandang braso nya
"HOY NATHAN! ANONG NANGYARI SAYO? BAKIT KA NAKIPAGAWAY? SIRAULO KA BA?" ayan nanaman ho ang sermon ni Joyce sakanyang bestfriend
"Chill naman dyan bes! Hindi ako ang nauna..." napatingin si Nathan sa likod ni Joyce "Yiieee magkasama pala kayo ni pinsan ha! Nagdate kayo no?" pangaasar nya kaya naman parehas syang tinignan ng masama ng dalawa
"Tsk ano ba kasing nangyari?" tanong ni Joyce sabay upo sa tabi ni Nathan
"Change topic? hahah! Wala sinugod lang naman ako ng mga kalaban namin -_____-" kumunot naman yung noo ni Joyce
"Kalaban? Ha bakit may kalaban ka?" nagtatakang tanong nya
"Bes.... gangster ako" Nagulat si Joyce at napatayo bigla
"GANGSTER KA? KAILAN PA?" Matigas na pasigaw nyang tanong. Hala galit na po si Joyce, lumalaki na kasi butas ng ilong nya e!
"Ay hindi, baka gongstor -_-" Tahimik lang si Ivan habang pinapanood ang mag bestfriend
"WALANGHIYA KA! NAMIMILOSOPO KA PANG LOKO KA!" Piningot ni Joyce ang tenga ni Nathan ng napakariin kaya naman namula ang tenga nito. haha!
"Aray naman bestfriend! Puro pasa na nga ako tapos pipingutin mo pako :(" kumalma na ulit si Joyce
"Magisa ka lang kanina?" Sa wakas nagsalita na si Ivan!
"Oo pero buti nalang dumating si Anna este wala pala.." Nadulas si Nathan, ayaw nya kasing ipaalam na isang babae ang nagpatumba sa mga lalaki kanina