Chapter Seven

34 0 0
                                    

Kung medyo cliche na ang pangyayari ay wala akong magagawa hanggang ngayon kase ay ako parin ang babaeng hanggang tingin na lang.

Babaeng walang ginagawa kundi maghintay na sana kahit isang araw lang ay mapansin nya man lang ako, mangitian.

Ngunit hindi ibig sabihin na makikilala nyo ang totoong ako dahil lang dito. Siguro pwedeng sabihin na wala akong ginawa kundi isipin si Drei, wala ng bukambibig kundi sya. Ngunit hindi masasabi buo na ang kung ano talaga ang pagkatao ko nang dahil sa mga pinagagawa ko.

Ito ay hindi tungkol sa buhay ko, it's about how I wanted to chase him. Ngunit kung sigurong ang buhay ko ang ikekwento ko at lahat ng pinagdaanan ko ay wala pa sa karingot o hindi man lang nakaabot ng 1/21 ito. Kung sa teleserye isang yugto lamang ito ng palabas.

Kung sakaling malaman man ni Drei itong kalokohan ko hindi ako natatakot na mareject o mapahiya sa kanya. Dahil sa lahat ng sakit at hirap na dinanas ko hindi na ako tatalban nun.

Immune na kumbaga.

Malayo na iyon sa bituka although malulungkot ako kase hindi nangyari ang gusto ko.

Ngunit para sakin lahat ng ginawa ko para lang makita sya e worth it naman besides napasaya nito ang araw araw kong pagtatrabaho.

Diba? It's all worth it, worth it yung makita ko lang sya ay nakukumpleto na ang araw ko. So fight fight lang.

Pero I wan't to say sorry kung sakaling maoffend ko sya o maipahiya ko sya dito.
Sana hindi naman humantong sa ganoon dahil madali naman ako kausap I'll stop if he want me to stop.

Okay na yun atleast he want me char. :D

At dahil nga cliche na ay hindi parin naniniwala si Naomi na pinagtatagpo kami ni Drei ng tadhana. Haha

Kasalukuyang naglalakad kami pauwi medyo matamlay ako ngayon. Trip ko lang para maiba naman. Pero totoo wala talaga ako sa mood ngayon. Hindi kase ako nakatapos at nastress pa ako sa daming ginawa buti na lang at naisip ni Naomi na kumain ng kikiam ngayon.

At sa magandang pagkakataon ay patungo din doon si Babe kasama ang mga kaibigan nito. Nasa iisang tindahan na kami ngayon bumibili sila at kami naman ay naghihintay ng espasyo.

Kung hindi lamang siguro ako Stress ay sasabayan ko sya sa pagkuha at aksidente kong hahawakan sya ngunit hanggang isipan ko lamang iyon.

Manong pahiram nung clip na ginamit ni Babe. natatawang naisip ko.

Kumuha na kami ng nakatalikod na sila para kumain.

Ginaganahan ako at nangingiti dahil malapit lang siya sa amin. Pagkatapos kong mapuno ang baso ay kumuha ako ng sauce. Ilalagay ko na sana ang sauce ng marinig ko ang isang Baritonong boses na nagsalita.

"Manong bayad nga po", wika ni Drei.

I felt goosebumps hearing his voice for the first time.

Nasa harap ko sya ngayon at halos magkadikit kame nasa itaas ng mga braso kong nakahawak sa baso at sauce ang mga kamay nyang inaabot ang bayad kay Manong magtitinda. Hindi ko alam ang gagawin ng oras na iyon. Gusto ko sya tingalain at tignan ngunit nahihiya nalang akong napayuko.

Sayang pagkakataon ko na sana na mapansin nya ngunit pinalagpas ko iyon.

Nakita ko si Naomi na nangingiti dahil sa naging posisyon ko. Kung ano ang tapang ko pag nakatalikod si Drei ay syang panghihina ng mga tuhod ko ngayong nasa harap ko na siya. Pilit kong idinadivert ang atensyon ko sa bininili pero hindi ko magawa.

My heart is racing for an unknown reason.

At sa pinakaunang pagkakataon ay narinig ko ang boses nya. Sa wakas!

Napakaganda ng boses nya. Sabi nga ni Naomi ay napakamanly daw ng boses nya na kaagad kong sinangayunan. Napapatili pa ako nung sandaling umalis sya.

Nakakakilig ang boses nya at parang paulit ulit iyon sa diwa ko. Grabe ang buong akala ko ay magiging ordinaryong araw lang ito. Improvement na yung narinig ko ang boses nya at ang makalapit ako sa kanya ng ganun.

Kung alam mo lang sana Drei.

Kahit man lang sana maging kaibigan kita Babe ay magiging masaya na ako. Hanggang sa makauwi ay nangingiti parin ako.

Kung minsan ay napapanaginipan ko na sya, mga tatlong araw na at sa panaginip ko ay malaya ko syang nakakausap ngunit iyon lamang ang natatandaan ko . palagi kong nakakalimutan kung nasaan at kung ano ang pinag-uusapan namin. Tama nga sila kung ano ang iniisip mo yun ang napapanagipan mo..

Ilang araw ko na sya nakikita sa Dreamland. Hay Drei...

Tugmang tugma ang kantang naririnig ko ngayon sa nararamdaman ko. Kapag nakikinig tayo sa mga awitin na tumutugma sa nararamdaman natin ay nalalaman natin na hindi lang tayo ang nakakaranas ng mga ganitong sitwasyon.

Nakahiga ako ngayon at nakikinig sa kantang Siguro ni Yeng Constantino. Mariin kung pinakinggan ang bawat lyrics ng kanta at lumilipad ang aking isip ng dahil dito.

"Gusto ko sanang sabihin sa iyo pero paano, paano pag malapit ka'y nauutal ako"

paano nga ba? Hindi ko alam. Halos matapos na ang kanta ngunit tumatak sa aking ang koro

"Siguro'y umiibig kahit di mo pinapansin magtitiis na lang ako magbabasakaling ika'y mapatingin"

Sa tuwing tinitignan ko sya ay nagbabasakali akong lingunin nya ako ngunit sa tingin ko ay hindi pa naman ako umiibig crush pa lang ito.

Because I've done worst, I've gone worst. Kung pwede ko lang sana sabihin.

"Aasa na lang kahit sa pangarap lang..."

Siguro nga ay hanggang pangarap o panaginip lang ito. Mukhang hanggang sa dulo ay ganito na lang ako.

Hindi ko kase talaga maintindihan ang sarili ko basta ang sigurado ako gusto ko syang nakikitang nakangiti. nakangiti, nakangiti.

Keep Smiling Drei :)

Smile because you never know who's falling for your smile. 😊

CHASING DREIWhere stories live. Discover now