Chapter Six

34 0 0
                                    

Maingay na tunog ng alarm ko ang gumising sa akin sa araw na iyon. Maaga ang pasok kung kaya't nagprepare na ako ng sa ganun ay hindi ako malate kung sakaling tawagin na ako ni ate Crisha.

Tinigtignan ko ang sarili ko sa salamin. Bagay na bagay sa akin ang light violet na uniform kong ito maganda ang istilo ng uniform namin, may iilang nagsasabi na para raw kaming teacher at ang iba naman ay napakaprofessional daw tignan lalo na kapag ipanares dito ang blazer na sadyang ginawa para mas kaaya-ayang tignan.

Marahan kong sinuklay ang lampas balikat kong buhok.

Naalala ko pa nung unang mga linggo ko sa Company ay mahabang mahaba ang buhok ko halos sumayad ito sa bandang pangupo ko ngunit ng sumapit ang summer ay pinaputulan ko ito sa kadahilanang ayaw ko na lang ipaalam.

Ganoon daw iyon nakakaawa ang buhok sapagkat ito palagi ang nadadamay sa kung ano man ang nararamdaman ng babae.

"Elisse" tawag ni ate Crisha sa akin, senyales na paalis na kami,

Dali dali kong isinuot ang blazer at sinakbat ang bag ko at lumabas ng bahay inilock ko ang pinto at umalis na kami.

Araw araw kaming magkasabay ni ate Crisha sa umaga papasok sa company kung kaya't alam din nya ang pagtatangi ko kay Drei.

kabatch nya si ito kung kaya't personally ay kakilala nya ito. nakakainggit. Pulos kwentuhan kami ni ate Crisha magmula sa bahay tricycle hanggang sa paglalakad patungong company.

Walang tigil ang aming kwentuhan at kinasanayan na namin iyon kaya halos lahat ng nangyayari sa isa't isa sa trabaho ay alam na namin.

Magkababata kami ni ate Crisha at magkaklase nung elementary at high school.

Parehas kaming walang boyfriend by choice . Ganda 😮

"babye" paalam ko sa kanya ng sumapit kami sa second floor kung saan naroon ang area ko.

"bye bye" tugon naman nya at sya namay dumiretso patungo sa third floor.

Nagkaroon ng morning meeting at nagsimula na kaming magtrabaho pagkatapos noon.

Masaya ang trabaho ngunit minsan ay nakakaantok. Sana meron akong tumbler para nakapagkape man lang sana ako o kaya naman ay sana pwedeng magcandy man lang. Ayoko rin naman na palaging mang-istorbo sa mga katrabaho na nakafocus sa kani- kanilang ginagawa.

Nang sumapit na ang pananghalian ay pumila na kami ni Naomi sa special meals kung saan palagi kami pumipila. Natatanaw ko si Drei na hindi pa nakauniform.

Nauna itong maregular sa akin kaya't nakapagtatakang hindi pa nito sinusuot ang uniform nito, sabi ni Naomi nung araw ng bigayan ng uniform ay nakita nya si Drei na bitbit ang isang plastic bag na lagayan nito.

"Sa tingin mo bakit kaya di pa nakauniform si babe?" tanong ko kay Naomi na kasalukuyang pumipili ng lunch nya.

"Baka ayaw nya pa suotin" tugon naman nito. Umuna na ako sa table ng canteen at umupo sya nman ay nakasunod narin sa akin.

"Dapat pala hinintay ko sya" nakangiti kong sabi.

"bakit alam mo ba kung kelan nya susuotin iyon?"

"Hindi pero aalamin ko" asa namang malalaman ko yun.

Nagdrugtest kami kanina nakakatawang noong sinabi sa akin yun ay uminom ako ng uminom ng tubig kung kaya't madali kong napuno ang urine container na ibinigay ng nagaassist.

Hindi nakalagapas sa mga mata ko ang poging isa sa nagaassist dun kaya naman nung matapos ako ay natatawang biniro ko si Ma'am kianne na kaya ko napuno ang urine container ay dahil naihi ako sa pogi ng nagaassist doon. Natatawang ikiniwento ko rin kay Naomi iyon.

Kung minsan talaga ay kung ano ano nalang kalokohan na pumapasok sa isip ko. May mga panahon talaga na puro kagagahan mga naisip ko.

Nang pauwi na kami ng hapon ay laking tuwa ko ng makita si ate Crisha sa labas ng gate at napagdesisyunang sabay na kami pauwe.

Nang makasakay kami sa Tricycle ay nagkwento sa akin si ate Crisha at ang mas ikinagulat ko ay ang balitang nakausap nya si Drei huhu. Kasabay nya pala magpadrugtest ito.

Natatawa raw sya sapagkat mabait daw ito at kinausap sya. Nawiwirduhan lang daw sya dahil kung magsalita daw ito ay para daw itong palaging may pinagtatawanan. Hanggang pagfifill up daw ng form ay parang natatawa ito ng nakakaloko.

"Oo ate Crisha he smiles a lot at iyon ang nagustuhan ko sa kanya"

"Tinanong ko nga kung bakit wala pa syang uniform" sabi ni ate Crisha habang inaabot sa Driver ang bayad naming dalawa.

"Talaga bakit daw?" Interesado kung tanong

"Kasi sikip daw sa kanya kaya binalik nya, sinabi ko pa nga na diba nagsusukat naman pero hindi daw nito alam kung bakit marahil ay nagkamali ang nagbigay" mahabang sabi nito

"Ahh kaya pala I really wonder why he's not wearing uniform." Pati ba naman ang impormasyon na iyon ay kailangan mo pa malaman?

Ngayon ay alam ko na ang dahilan ngunit nakaramdam ako ng kaunting inggit dahil nakausap nya si Drei, ano kaya ang boses nya. Sabi ko na eh malalaman ko din.

Ngunit mas lalo akong nakaramdam ng inggit ng isang umaga habang naglalakad kami ni ate ate Crisha ay itinuro nya sa akin si Drei na halos kasabay naming maglakad. My eyes widened. Kinakabahan na ako makita ko palang sya.

Napalingon ito sa amin at seryosong tinanguan si Ate Crisha. Muntik ko nang sabunatan si ate Crisha dahil sa inggit na nararamdaman.

Ang hindi ko maintindihan ay ang panghihina ng mga tuhod ko at pagbilis ng ritmo ng pagkabog ng dibdib ko. Halos sabayan pa ito ng parang may kung anong nagwawala sa tiyan ko. Nakakainggit ngunit ang dahilan kung bakit kumakabog ang dibdib ko ay ang pagtatama ng mga mata namin nito.

Marahil para kay ate Crisha ay wala lamang iyon sapagkat hindi naman nya crush ito. Ganun din naman ay lalong wala ito kay Drei dahil sigurado akong hindi naman nya alam ang nararamdaman ko sa kanya at kung alam man nya ay siguradong wala syang pakialam.

"Inaarrhythmia ako", bulong ko sa sarili.

Hanggang makaakyat sa ikalawang palapag ay hindi parin tumitigil ang pagkabog ng dibdib ko. Ano bang nangyayari sakin?

"Goodmorning Ma'am " mahinang bati ko kay Ma'am Kianne hindi parin natatahimik ang kung anong nagwawala sa akin.

"Goodmorning Elisse"

"Grabe Ma'am inaarrhythmia ako" sabi ko habang nakapatong ang mga kamay ko sa dibdib ko.

"Ano yun?" nakakunot ang noong tanong niya.

"Kase ma'am parang magkakasakit ata ako" natatawa ako sa pagbabago ng ekspresyon ni Ma'am

"Napapano ka ba Elisse" nagtataka na nitong sabi.

"Bumibilis kase Ma'am ang tibok ng puso ko." nangingiti kong sabi

"Panay ka talagang kalokohan." natatawa narin nitong sabi

Hay talagang kailangan ko na atang magpagamot. Napapadalas ang pagkabog ng dibdib ko. Ang pagbilis ng tibok ng puso ko sa twing makikita ko sya o kaya kailangan ko ng ipagamot ang utak ko.

Because I think...

I'm definitely going crazy! 😥😥

CHASING DREIWhere stories live. Discover now