Chapter Eight

35 0 0
                                    


"Magkahawak ang ating kamay at walang kamalay malay na tinuruan mo ang puso ko na umibig ng tunay! I wanna make you smile whenever you sad.... kasama kang tumanda.. Pag tayo'y matanda na sana'y di tayo magbago~~."

Magulo kong pag-awit habang sinasabayan ang ingay ng tumatakbong tricycle.

Pupunta kami ni Naomi ng Robinsons para gumala. Paminsan minsan ay sinasabayan ako ni Naomi sa pagkanta ngunit mas madalas na tinatawanan nya ako dahil sa lakas ng trip ko habang kinakanta iyon ng magkakahalo

"Makuha mo pa kayang ako'y hagkan at yakapin ohoooohooh"

Hindi ko inalintana ang driver basta sinusulit namin ang ingay ng tricycle nya. tawa parin kami ng tawa ng pababa na kami ng tricycle.

"Salamat po." sabi ni Naomi sa driver.

"alam mo Naomi, gusto ko bawat sasakyan na sasakyan natin magpasalamat tayo. halimbawa.. Thanks for driving us safe"

"Safe ba yun e ang bilis bilis magpatakbo." kontra nito habang isinasara ang kanyang bag.

"Safe yun kasi nakarating tayo ng ligtas" I said.

"Oo na" tumatawang sabi nya.

Nagikot ikot lang kami ni Naomi sa mall, tingin dito, tingin doon. Maya maya ay umupo kami at napag-usapan namin ang upcoming movie ng Kathniel. Naririnig daw nya na pinag-uusapan ang magazine ng mga ito sa 7 eleven.

"tara Elisse sa 7 eleven" eksaheradang sabi nito. Kitang kita dito ang excitement sa sinabi. Dahil sa kagustuhan nito na makita ang magazine ng Kathniel ay pumayag akong pumunta kami sa 7 eleven and I'm craving for ice cream too.

"Yey!" parang batang sabi ko matapos ibigay sa akin ng cashier ang ice cream. Chocolate ang flavor ng ice cream kaya naman mas lalo kong naenjoy ang pagpunta namin dito.

Nakakagaan ng pakiramdam ang lamig at tamis ng ice cream para bang kinakain nito ang lahat ng stress at lungkot na nararamdaman mo. Hindi ko alam kung bakit sa tuwing kakain ako nito ay napapangiti ako.

"Hindi talaga ako mahilig sa chocolate flavor gusto ko e Vanilla Elisse" komento ni Naomi habang kinakain rin ang Ice cream nya. Nakaupo kami sa upuan sa loob ng 7 eleven.

Pinagmamasdan namin ang pagparito't pagparoon ng mga customer nila.

"Wala kaseng Vanilla, wag mo nang hanapin ang wala?" sabi ko naman sa kanya. Natatawa sya dahil humuhugot na naman ako.

Ginagawa na yata nyang libangan ang pagtawanan ako. Panay ang kwentuhan namin ni Naomi habang ineenjoy ang ice cream at ang matinding lamig na nanggagaling sa Aircon.

"Nilalamig ako" nangangatal kong sabi.

"Oo nga Elisse ang lakas kasi ng Aircon" sabi nito habang pinagkikiskis ang kanyang mga palad.

Bakit kase Ice cream pa naisip naming kainin.

"Oh my God!" I exclaimed after naming makita ni Naomi si Andrei na nasa loob ng Seven eleven at hinihipan ang isang babae na animo'y hahalikan nya.

Nakablack shirt ito at nakashorts.  Oh my God. Hindi ko inalintana ang sitwasyon na nakita ko sapagkat mas namayani sa akin ang saya na makita sya sa ganoong itsura.

Oh my God ang cute nya.

Yun ang tanging sinisigaw ng isip ko.

Ang cute nya talaga.

Nakita nya kami na nakatinggin sa kanya nang mga oras na iyon. Ang hindi ko alam ay kung narerecognize man lang nya ba kami. Sa dinami daming beses ko na sya nakatagpo ay mukhang hindi nya parin napapansin na crush ko sya. Sad.

Pagkaalis nina Drei ay nahampas ko si Naomi dahil sa kilig na nararamdaman.

"Gosh of all places Naomi, pinagtatagpo talaga kami naniniwala ka na ba?" kinikilig kong sabi habang patuloy syang hinahampas.

"Aray ko Elisse, Hindi ka ba nabroken, hahalikan nya yung babae e"

"Hindi nya girlfriend yun, ang cute nya talaga", confident kong sabi.

"Wow ha? Pano mo naman nasabi" sagot naman niya.

"Feeling ko lang. Naomi sa dinami daming tao sa mundo bakit sya yung bumili dito? Bakit sa oras na to? Bakit kung kelan nandito tayo." walang tigil kong pagsasalita

"Nakatadhana talaga kami para sa isa't isa" I giggled.

"Pero parang hahalikan nya talaga ang babae Elisse"

"Hindi yun. hinihipan lang nya yun." nakangiti kong sabi.

Sa tingin nyo hindi ba at nakapagtataka talaga na sa lahat ng lugar at sa dami ng empleyado ng kumpanyang pinapasukan ko ay sya pa talaga ang nakita namin. Naniniwala pa naman ako na pag ang crush ko sa ibang lugar ko na nakita at hindi sa karaniwang lugar na pinagkikitaan ko sa kanya ay may ibig sabihin na iyon.

Napapadalas ko na yata syang nakikita. Naalala ko pa nung one time na si Ma'am Riz ang kasabay ko. Naghihintay kami ng tricycle ng doon din sa lugar kung nasaan kami naghihintay ay doon din sila naghintay ng kabarkada nya. Malinaw na nagkataon lang yun. Ngunit ang saya naman kung ganoon palagi ang nagkataon. :D

Natatandaan ko pa nga nung makasakay ako ng tricycle ay hindi ako nagbitaw ng tingin kay Andrei na sa hindi ko malaman na dahilan ay napalingon sya. Sana'y na siguro ito na may tumitingin sa kanya. At malamang na wala lang dito kung tignan sya kaya nakakatingin ito ng diretso pabalik.

Kung sa ibang pagkakataon ay agad akong iiwas ng tingin. Ngunit hinayaan kong ang tricycle na mismo ang maging dahilan kung paano sya maglalaho sa paningin ko.

Marami beses ko pa syang nakikita katulad ng maghuhugas ako ng tumbler at palabas ako sa loob ng area namin ng makasalubong ko sya ngunit as usual ay nagkunwari akong wala lang ito sa akin kahit alam ko na sasabog na ang kilig na nararamdaman ko.

Kinabukasan ay agad kong ikinwento kay Ma'am Kianne ang nakita namin ni Naomi sa  7 eleven.

Lumapit din si Naomi para sabihin kay Ma'am na broken daw ako.

Sinong broken?

"Masaya kaya ako Ma'am kase ang cute nya," sabi ko pa. Patawa tawa lang si Ma'am pag ganito kami.

"Elisse may nabasa ako mamaya ikekwento ko sayo" sabi ni Naomi bago bumalik sa kanyang upuan.

" Elisse, sabi doon sa nabasa ko, pag pinagtatagpo daw ang mga tao may dahilan daw yon basta nakalimutan ko kasi yung exact na sinabi. Kapag daw palaging nagtatagpo may ibig sabihin daw yun" sabi nito habang tinutulak tulak pa ako.

"Sabi ko na e nakalimutan mo na ulit" pagtawa ko sa sinabi nya

"Oh? naniniwala ka na ba saken?" sabi ko habang nasa sulok ng aking mata ang kinatatayuan ng Babe ko.

"oo Elisse basta hindi daw pagtatagpuin kung wala lang yun.."

"Sige pag nagtagpo ulit kami sa ibang lugar lalo kang maniniwala support naman frend :D" pagpapaalala ko ng mga pangongontra nya saken.

"oo nga naniniwala na nga ako".

CHASING DREIWhere stories live. Discover now