Chapter Ten

44 0 0
                                    

Maulan ng hapon na iyon kaya naman gamit na gamit ko ang aking payong :D.

Umaambon palang kaya ako palang ang nakapayong. Para kase sakin mas nakakabasa ang ambon. Kase pag umuulan sinisiguro natin na hindi tayo mababasa samantalang kapag umaambon hinahayaan na nga natin naglalahad pa tayo ng palad para makumpirmang paulan na nga.

Kaya ang makulit na si Naomi ay ayaw pang magbukas ng kanyang payong. Mababasa daw ang payong nya. Nag-alala sa payong ngunit sa sariling katawan ay hindi. Kasalukuyan kaming naglalakad palabas ng company.

"Sana'y lumakas" sabi ko at maya maya ay unti unti na nga itong lumalakas.

Kaya walang nagawa si Naomi kundi magbukas ng payong nya. Tawa ako ng tawa dahil ayaw nya nga sanang mabasa ang payong nya.

"Ikaw kase Elisse" nakasimangot na sabi nito

"Kaya nga payong eh ginagamit yan umulan umaraw" natatawa parin ako.

Kung hindi pa lumakas ang ulan ay wala talaga itong balak gamitin ang payong nya.

"Elisse si Drei oh" sabay turo sa may bandang unahan namin.

Agad hinanap ng mga mata ko si Drei para makita na kasama ng barkada nya ay may kasabay itong dalawang babae. Sya ang may hawak ng pink at bulaklakang payong.

Oh my gosh bakit pink ang payong nya?

"Elisse dalawa pinapayungan nya oh? tignan mo kawawa ka naman" pang-aasar ni Naomi

"Hindi kaya, sya nga lang nagpapayong ee tapos pink pa--" natutop ko ang aking bibig sa naisip

.
"Oh my Gosh Naomi, hindi kaya kanyang payong yan" Bakla ang Drei ko?

"Hahaha para kang baliw Elisse baka naman isa sa mga pinapayungan nya yung may-ari" sabay batok pa nito sakin.

"OO pinadala yun sa kanya" natatawa na lang ako. Minsan talaga ay masyadong polluted ang utak ko.

"Pero Elisse parang kanya nga hindi naman nya pinapayungan yung dalawa"

"Bakit Pink ang payong nya? ha? bakit pink?" nagpapadyak ko pang sabi.

Kapag ganitong para akong bata ay tinatawanan ako ng magaling kong kaibigan.

"Haha kanya nga Elisse oh" sabi ni Naomi, tinuro si Drei na nakasakay na sa trike at hawak hawak ang katitiklop lang na pink na payong.

"Mas pink pa sa payong ko! Bakit?" malungkot kong sabi. Natatawa ako sa inaasal ko.

"Malamang red naman kasi ang payong mo" natatawang sabi nito at agad kong sinamaan nang tingin.

Hanggang makauwi ay hindi parin ako makamove on sa pink na payong nya. Pagbalik namin ng opisina kinabukasan ay agad akong nagtantrums at sinabi kay Ma'am Kianne ang hinaing ko.

"Ma'am pink yung payong nya bakit pink?" sabi ko kay Ma'am na katulad ng magaling kong kaibigan ay tinawanan din ako.

"Baka naman hindi sa kanya yun malay mo hiniram nya lang" She said.

"Ma'am bakit sya yung may dala nung pauwe diba kung hiram nya yun ay dapat binalik nya sa hiraman nya nung nagpaalaman na sila. Diba? Diba Ma'am" nakasimangot ko paring sabi.

"Eh di ayawan mo na pink ang payong nya" ani nito habang nagpupunas ng table nya.

"Hindi ko naiisip yan Ma'am gustong gusto ko parin sya." sabay bawi at ngiti ko naman.

I think whatever happens, NOTHING will change. I LIKE HIM still.

Palagi nang maulan tuwing hapon kaya naman nang isang hapon pa ay nakita ulit namin si Drei na gamit ang payong na yun at this time mag-isa sya.

Why? Oh why? Is he gay? :(

Hindi naman siguro, ang pogi nya kaya pero diba uso na yun haha joke. Hindi naman siguro. tsaka wag nga tayong judgemental. Hindi ko nga alam kung kanya ba talaga yun. Don't conclude yet if you do not know the plot of the story.

Parang sa buhay pag-ibig lang din.

Don't expect unless stated.

Wag agad tayong magjump kaagad into conclusions sabi nga. Karamihan kasa sa atin ay pinangungunahan natin ang mga bagay bagay ng sariling opinyon natin.

Kung minsan nakakita lang tayo ng isang babae at lalaki na magkasama ay iniisip na natin na may relasyon sila, malay mo magkuya lang pala. O kaya nalate lang na magreply ang boyfriend mo e naisip mo na agad na nambabae sya, hindi pa pwedeng baka kumakain lang sya.

Minsan naman tinignan lang tayo inisip na natin na baka sakali ay napansin ka na nya o may gusto sya sayo. Hindi mo alam may dumi ka lang pala sa mukha.

Never expect, never assume always confirm :D parang sa company lang yun ah.

Kaya yan talaga ginagawa ko kahit na nagkakatinginan kame ng babe ko nung isang araw habang pasakay ako ng trike ay hindi ko binigyan ng kahulugan yun.

Weh?

Oo hindi kaya pramis!

Hindi talaga.

Hindi nga :D

Ano ba?

kinilig nga lang ako.

Never naman talaga ako nageexpect na mapapansin nya ako o kaya'y lilingunin man lang haha although yun ang binabalak ko.

Pero I don't want to expect something in return, masakit yun.

I just want him to know that I really like him no matter what.

Pero paano nga kaya kung malaman na nya pero pakiramdam ko medyo halata na nya pero wala lang sa ito sa kanya.

Halatang halata namang sanay syang may nagkakagusto sa kanya. Bakit nga ba kase sya yung nagustuhan ko?

Ewan.

Actually, hundred times ko na yang natanong sa sarili ko. Kung minsan nga ay kinakausap ko ang sarili ko.

Elisse marami pa naman dyang iba.

Elisse tao lang din yan.

Elisse may magugustuhan ka pa.

Kaso iba nga daw ang sinasabi ng isip sa sinasabi ng puso! 💝

Wew!

CHASING DREIWhere stories live. Discover now