Chapter Twelve

43 0 0
                                    

I hated myself for being spoiled and feeling. Yan ang nasa isip ko ngayon. Kase pakiramdam ko ay ang laki laki ng ulo ko sa mga pagbibiro ko. Minsan naiisip ko na bakit parang puro ako na lang ang nagkekwento. Malamang kwento ko ito. Ano bang ipinaglalaban ko. Naisip ko kasi na parang puro ako na lang ang pinakikinggan ni Naomi, Ma'am Kianne. Baka mamaya nagsasawa na pala sila kakabanggit ko kay Drei.

I conclude that not everything revolves around me. Hindi porket malungkot ako ay eexpect ko na maging malungkot sila para sakin. Pag bad mood ako hindi puwedeng ang iba ang mag-aadjust para sakin.
Sahod ngayong araw kung kaya't nasa labas kami ni Naomi at nakaupo nang makita namin si Drei na pasakay nang tricycle.

Tinitigan ko si Drei at alam kong nakita nya kami at alam ko na alam nyang tinititigan ko sya. Naiilang ito hindi dahil kilala nya ako kundi talaga namang nakakailang kung may nakatingin sayo.

Masayang masaya ako dahil Kahit papaano ay alam ni Drei na tinititigan ko sya. Ngunit napawi ang lahat ng saya na iyon ng nakita namin sya sa sakayan na may kaholding hands na babae. Magkaharap sila at naghahawakan ng mukha. Hawak ni Drei ang kamay ng babae gamit ang kaliwang kamay at ang kabila'y nakahawak sa mukha nito. Maya maya ay ang babae naman ang humahawak ng mukha ni Drei.

"Gosh, Naomi ang sakit" sabi ko Habang nakatinggin sa babaeng sa tingin namin ay girlfriend nito. Hindi ako makagalaw sa kinatatayuan ko at literal na nanghina ang mga tuhod ko sa nakikita. Hindi ko maintindihan ang bigat na nararamadaman.

"Naomi ang sakit " ulit ko pa. Natatawa ito sa akin ngunit hindi ko magawang tumawa pabalik. Iniinda ko ang pamilyar na sakit. Hindi ko alam na ganitong kasakit iyon. Kung tutuusin ay crush ko lamang sya ngunit iba ang idinudulot na sakit sa dibdib ko ng mga oras na iyon. Pakiramdam ko noon ay tutulo ang luha ko sa sakit na nararamdaman.

"Naomi ang sakit sakit" mangiyak ngiyak na sabi ko.

"Elisse," sabi lamang nito at hinampas ako hindi siguro nito malaman ang sasabihin sa akin.

"tinatawanan mo pa ako e naiiyak na nga ako sa sakit"

Natatawa sya dahil hindi nya alam kung bakit sobra akong apektado. Kahit ako'y hindi ko maintindihan kung bakit ang sakit sakit ng dating sa akin.

Hanggang makarating kami sa SM ay nagmamaktol parin ako dahil sa nakita. May girlfriend na sya bakit ganun? Hindi ko alam kung ano ang mas Masakit yung bakla sya o yung may girlfriend pala sya.

Malamang ay sa babaeng iyon ang payong. Ang sakit Habang nakapila sa ATM machine ay naiiyak ako pag naaalala ko kung gano kasaya si Drei kasama ng babaeng iyon.

Maybe he's really inlove with someone else. Wala na talo na ako. Balak ko pa naman sanang sabihin na crush ko sya sa September 12, birthday nya. Sasabihin ko pa naman sana..

"Happy Birthday Drei, I know it's creepy pero crush na crush talaga kita, but don't worry it creeps me out too."

Wala na ayoko na. Magmomove on na ako. Hindi ko ugaling magkagusto sa mga lalaking may girlfriend na. Dahil pag ako ang mayboyfriend ay ayoko na may ibang babae na magkakagusto sa lalaking mahal ko. Kung kaya't kailangan ko irespeto ang katotohanang

MY CRUSH IS ALREADY TAKEN.

Natatandaan ko na yun rin pala yung babaeng kasama nya sa 7 eleven yung parang hahalikan nya. Wala na talaga. I know I promised to do everything to win heart. And I failed! Wala pa man akong ginagawa ay bigo na ko. I just need to accept the fact that I lost! Naglaro na lamang kami ni Naomi ng basketball at doon ko ibinuhos lahat ng nararamdaman ko. I hate myself for believing on something that wasn't real. Hindi ako dapat umasa na baka sakaling mapansin nya ako. Should I give up? Or should I keep on chasing him? Ano na?
?
Kinabukasan ay matamlay akong pumasok sa trabaho parang hindi ko sya kayang tignan dahil sa pagkapahiyang nararamdaman ko sa sarili ko. Nakakawalang gana magtrabaho.

CHASING DREIWhere stories live. Discover now