Special Chapter

24 0 0
                                    

Minsan talaga ay mapaglaro ang tadhana. Hindi iilang beses kong inulit ulit sabihin kay Naomi na kakalimutan ko na talaga ang kung anumang espesyal na pagtinggin ko kay Andrei.

Hindi na namin sya masyadong nakikita kung kaya't unti unti ay nawawala na ang karampot na pag-asang nananatili sa puso ko. Hay sana man lang ay nalaman nya na crush ko sya. Edi sana kahit papano ay sumagi sa isip nya na minsan ay naging apple of the eye sya ng beautiful world ko.

Habang nasa locker area kami ni Naomi ay nakita ko si Drei na patungo sa locker nya.

1 |  |  |

2 |  |  |

3 |  |  |

pang tatlong row pala yung locker nya. Now I know bwahahaha. Naglakad ako malapit dun at kaagad sinilip kung alin ang locker nya..

Ngunit sa kapalad palaran, kaswerte swertihan ay nahuli nya akong nakatinggin sa kanya kaya kaagad akong naglakad pabalik sa locker ko kung saan ay nasa panlimang row.

Natatawa akong ikinwento kay Naomi na alam ko na ang locker ni Drei. Gusto rin daw makita ni Naomi kaya naman doon ulit kame dumaan at ng ganap na ituturo ko na ang locker ay ang nakatingging si Drei ang sumalubong sa mga mata namin. Nakita na naman nya kami sa pangalawang pagkakataon. Nakakahiya kung kaya't dali dali kong hinila si Naomi palabas.

Hahaha that was! Wooooh! Kakahiya.

Magandang buhay!

Kinabukasan, papasok na ako suot suot ang aking magandang ngiti at ang aking heels. Pagkalog-in ko ay kaagad akong nagmartsa papuntang locker area. Feel na feel ko pa ang aking paglalakad na animo'y rumarampa ako sa isang entablado.. Napapakanta pa nga ako at bumabati sa twing may makakasalubong na kakilala.

Kung marunong ako sumipol ay baka mapasipol pa ako. Agad akong dumiretso sa locker ko hawak ko na ang padlock ng mapatinggin ako sa katabi ko na kasalukuyang naglalagay ng gamit nya sa locker nya. Mga dalawang locker lang ang agwat naming dalawa.

Laking gulat ko ng makitang si Andrei ang may-ari ng locker na iyon na ngayo'y kasalukuyang hawak hawak ang phone nya. Nagpanic ako

"Ay mali pala" sabi ko. Nagkatingginan kami at kaagad akong umalis at pumunta sa mga sumunod pang row ng locker sa pag-aakalang nagkamali ako ng row na napuntahan. Nakita ko na naagaw ko ang atensyon nya.
Pagkaalis ko ay doon ko na realize na tama naman ang locker na napuntahan ko kanina kung kaya't bumalik ako. Nandoon parin sya at nakakahiya mang sabihin ay sa pang hindi ko na alam na pagkakataon ay napahiya na naman ako. Tinignan nya ulit ako at mukhang nahuli nya ang pagkapahiya ko.

Nawindang ako at kabadong naglagay ng gamit doon. Nandoon parin sya kung kaya't hindi naging normal ang pagkilos ko. Nangangatal ako at hinihiling na sana'y maglaho na lang ng parang bula dahil sa kahihiyan. Nanghihina ang aking mga tuhod. Marahil ay napansin nya iyon dahil nakikita ko sa gilid ng aking mga mata na tinitignan nya ako. Marahil ay pinagatatawanan ako nito sa isip nya. Bakit kase ang tagal nya maglocker. How come na dito na ang locker nya? Paano nangyari yun? Kahapon lamang ay nakita namin ang locker nya. Dalawa locker nya?

Hindi parin ako makapaniwala. Nakita ni ate Crisha si Drei at tinanguan ito. Nauna na kaminh maglakad at kaagad kinwento kay ate Crisha ang nangyari.  "Oh my Gosh! I can't breathe" paulit ulit kong sambit. Ngunit akala ko ay natapos na ang pagkapahiya ko ay mukhang narinig pa ni Drei ang mga sinabi ko dahil nasa likod lang pala namin ito at nilampasan nya kami. O M G! Narinig nya! Waaaah nakakahiya....

-_------_---------_-----------------------

November 17, 2016

Happy Birthday To me!

It's my special day!

Sobrang saya ko dahil ito ang araw kung kelan nalaman ni Drei Officially na crush ko sya!

Hapon iyon ng birthday ko ng maglokohan kame ni Naomi. Sabi ko hindi makukumpleto ang araw ko o ang birthday ko hangga't hindi ako binabati ni Drei. Alam kong imposible pero malay mo lang.

At sa kalokahan ng kaibigan ko ay ichat daw ba naman si Drei ng ganito.

"Sir, good evening po. Favor naman po pwede nyo po bang batiin ang kaibigan ko. Birthday nya po kase ngayon at crush ka po nya. Thank you po.  I would really appreciate it po."

Kung kaya naman pag gising ko ay ang bati ni Drei ang bumuo ng araw ko Gosh! Hindi nya inignore!

"Belated Happy Birthday po! 😊"

Gosh! Is it true? Is it true?! Nanaginip ba ako?? May emoji pa.. may smiley..

Gosh at hindi nya ako minessage lang nagpost sya sa wall ko Gosh! Grabe na ito.. Water Please! I can't breathe!

Nagcomment ako!  Nagcomment ako!

"Thank you po! Gosh Haha!"

Like O. M. G!

He knew it! Finally! 😂😂😂

The End

CHASING DREIWhere stories live. Discover now