Chapter Eleven

31 0 0
                                    

Sa bahay matutulog si Naomi ngayong gabi. Bukas na kase ang sportsfest namin.

I'm a little bit excited for tommorow. It's our first sportsfest kaya sa tinggin ko ay maeenjoy namin ni Naomi ito. I cooked adobo for our dinner.

Ito ang unang beses kong magadobo. Sa tingin ko naman ay nagustuhan nito ang niluto ko. Halos maubos nito ang isang kalderong kanin. Kiddin' aside. But I'm sure that she really loved my adobo.

"Elisse tara na matulog maaga pa tayo bukas.", she said habang nakahiga na ito ngunit panay naman ang pagbuklat sa pocketbook na hawak hawak.

"Weh? tutulog na ba talaga. Sige matulog kana." I said.

I was about to sleep ng maalala kong hindi ko pa pala naihanda yung souvenir shirt ko para sa sportsfest. Hala! Bawat group ng mga department ay may kanya kanyang super hero theme.

Nahati ang buong company into four groups which are Batman, Superman, Ironman and Captain America kung saan kami kabilang ni Naomi. Kaya walang dudang Captain America nga ang print sa mga t-shirt namin. Sa batman naman kabilang si ate Crisha. At si Drei ay sa Superman.

My Superman <3

Katulad ng Summer Outing ay maaga rin kami nagising kinabukasan. Kapareha ng souvenir shirt ay nagsuot ako ng pantalon at rubber shoes. Meron din akong dalang cap dahil paniguradong pabugso bugso ang ambon mamaya.

Agad ko ring tinuyo at pinalantsa ang buhok ko at nang matapos maghanda ay umalis narin kami. Magcocommute lang kame patungong Indang kung saan gaganapin ang sportsfest namin. Sabay sabay kami nina ate Crisha at Naomi. Mga 6 am ay nakarating na kami.

Magsisimula ang programa ng alas syete ngunit pumunta kami ng maaga dahil paniguradong mahaba ang pila sa swiping area kung saan kami maglolog-In.

Halos mapuno ang buong gymnasium bagamat hindi pa dumarating ang iba rito. Kaya maaga pa lang ay humanap na kami ng mauupuan ng sa ganun ay makapanood kami ng program at laro. Habang nakaupo ay pinagmamasdan namin ni Naomi ang dami ng tao.

"Naomi sa tingin mo ay makikita ko si Drei dito?" I asked habang lumilinga linga. Nagbabakasakaling nasa malapit lamang ito.

"Yan na naman sya, teka itetext ko lang si Ma'am Kianne kung nasan na sya" sabi nito habang hawak ang kanyang phone

"Ako din pala may sasabihin ako." agad akong nagtipa sa aking cellphone.

"Hi! Ma'am Kianne, san ka na po? Ma'am pag nakita mo si Drei, itext mo po agad ako ha?" text ko kay Ma'am

Pero hindi nagreply sa akin si Ma'am.

"Naomi makikita ko ba sya?"

"If it's meant to, it's meant to. Kaya wag ka mag-alala kasi makikita mo sya."

Katabi ni ate Crisha ang katrabaho nya na Ethel daw ang pangalan. Crush din daw nito si Drei.

"Ate crush mo si Drei?" tanong ko

Ngunit hindi paman sya nakakasagot ay nagsalita na ulit ako.

"Itigil mo na! He's mine so back off! Char! Joke lang po"

"Pero itigil mo na" dagdag ko pa. :D

Tinawanan nila ako at ang lakas ko daw manakot.

Malikot ang aking mga mata habang iniisa-isa ang mga grupo ng tao sa bench. Pero dahil malabo na ang mata ko ay wala akong nakita. :D

Nanood na lang kami ng program. Masaya at nakakaaliw ang takbo ng programa. Madaling lumipas ang oras at kuhanan na pala ng am snack.

Papunta kami ni Naomi para kumuha ng snack ng makita namin ang barkada ni Drei. Agad hinanap ng mata ko ang lalaking nakasuot ng Superman na shirt. Nakashort sya at nakarubbershoes din tulad ko. I want to take picture of him. Sayang wala nga pala akong dalang camera. Nasan na ba kasi si Ma'am Anne.

CHASING DREIWhere stories live. Discover now