Prologue

2.5K 76 9
                                    

Juno's POV

"Ganda sana, kaya lang medyo kulang sa height at tibo yata."

"Parang hindi naman. Nasa dance troupe yan. Magaling gumiling!"

May mahinang ngisngisan akong narinig.

"Bakit? Nakita nyo bang may boypren?"

"Baka gelpren!"

Impit na tawanan at tunog nang nag-apiran ang sumunod na narinig ko.

"Tahimik masyado. Isnabera."

"Di ba sya yung transferee last year galing Maynila?"


Ayun! Sinasabi ko na ba nga eh. Ako'ng pinag-uusapan nila.

Tss. Ni hindi man lang hintaying makalabas ako nang gym bago magtsismisan sa bleacher.

Di ko rin malaman kung mga bobo ang mga ito para di nila malaman na ang ingay nila mag-usap o sadyang pinaparinig sa 'kin.

Ang tsismis talaga, di na exclusive sa mga babae. Kahit mga lalake. Mga tinamaan ng magagaling!

Pero, pake ko ba sa kanila! Dedma!

Lumabas ako nang campus gym na hindi nililingon ang mga animales!

Sa nakalipas na dalawang semestre ko dito sa state university sa Puerto Princesa, wala akong naging kaibigan. Meron, kabatian lang. At iilan-ilan pa, dahil kailangan dala nang mga groupings sa mga projects at reporting sa school.

Hindi ko rin naman sila masisisi. Maliban sa parang naaalangan ang iba dahil alam nilang galing akong Maynila, ako mismo ang aloof sa kanila.

Dala nang pagtatago namin ni Ate Andie.

Sa sitwasyong kinasusuungan namin, ang hirap magtiwala.

May ilang naglakas loob dati na mag-umpisa nang pakikipag-usap sa akin, pero simple at maikling sagot lang lagi ang ibinabalik ko.

Nakakalungkot din ang ganito. Pero mas importante ang kaligtasan namin nina Ate at Hopia.

Itong P.E. ang huli kong klase ngayong araw.

Naramdaman ko ang pag-vibrate ng cp ko.

Napasimangot ako nung mabasa ko ang text message doon.



Jun, cancel muna ang tutorial this week. May mga lakad kami nang mga bata.



Galing kay Mrs. Raymundo. Nanay nang isang tinu-tutor-an ko.

Tsk! Bawas kita na naman ito. Palibhasa kakatapos lang ng first prelims kaya pumepetiks na naman ang mga estudyante. Tapos kapag malapit na naman ang exams week, naghahapit ng oras sa tutorial. Maya't-maya, tawag nang tawag ang mga magulang sa akin para sa extra time para sa lesson. Mga magulang at estudyante, pare-pareho ring mga imba. Ako na ang natutuliro kung sino ang uunahin. Imbes na umpisa pa lang, pondohan na ang mga alam nang mga bata para madali nilang maintindihan ang mga susunod na lessons... hahapitin ako sa oras kapag exam week. Hello naman, estudyante rin ako at nag-e-exam 'no! Ay ewan!

Masyadong pang maaga kung pupunta ako sa store. Bawal tumambay nang matagal dun.

Binaybay ko ang sidewalk sa may parking area papunta sa dance troupe office. Mas mabilis kasi kesa sa catwalk mismo ako dadaan. Doon muna ako, at least makaka-relax ako sa sofa dun. Tsaka baka may announcement na di ko pa nababasa.

Loving Juno #B3Where stories live. Discover now