78 Monster

1.4K 79 137
                                    

Here's your UD, mga chichi. As usual, di na ako nakawala sa mahabang  chapter - with 5,800+ words.

=================

Tinapon ko agad ang sigarilyo ko at ibinulsa ang CP ko. Not even sure if I was even able to end that call with Jack.

Gusto kong sipain ang sarili ko.

Bakit di ko naisip yun? Nawala sa isip ko, na maaring sya talaga ang target. Hindi ako, gaya ng una kong iniisip noon. Na ako at ang pamilya ko, which included Tamara. Just like what Jun thought, I was thinking she was trying to protect me and my child. It just so happened na magkasama kami, pero nung takbuhin nya si Tamara, sya talaga ang sinundan nung hitman.

Dapat nag-assign ako nang isang security ni Juno, yung ka-relyebo ko. Yung private nurse nya lang ang naroon ngayon.

Ni hindi na ako nagdalawang-isip na gumamit ng hagdan. It will take time for the elevator to reach the sixteenth floor. Dahil sa mga iba pang sasakay o baba, lalo na kung may pasyenteng ita-transfer.

Hingal ako pagdating sa sixteenth floor. Kumabog agad ang dibdib ko nung may nurses ang nakita kong nagtakbuhan mula sa nurses' station at may dalawang pabalik na nagmamadali rin.

"What happened?" Tanong ko sa naiwan doon.

Napatingin sa akin yung isa. Alam kong nakilala ako nito. "Uhm, Sir... yung ... yung patient po sa room nyo—"

Hindi ko na pinakinggan ang sasabihin nito. Tumakbo agad ako sa suite ni Juno.

Pagbukas ko sa pinto, narinig ko agad ang matinis na tunog ng flatline sa heart monitor nya. Parang pati puso ko huminto.

Yung private nurse ni Juno, nakaupo sa couch sa receiving room ng suite. Pinaiinom ng tubig nang isa pang nurse.

"Ano'ng nangyari?" Nanginginig kong tanong.

"Sir..." naiiyak nitong sabi. "May dumating po kasing lalaki. Family friend daw at dadalaw. Nung ayaw kong papasukin agad kasi naka-hood at naka-baseball cap..."

Tapos naiyak na talaga ito. "...sinakal ako tapos itinulak papasok sa CR. Di po ako makalabas kasi parang may hinarang sya sa pinto. Narinig ko na lang yung monitor ni Ma'm na nag-flatline."

"Ano'ng hitsura? Yung suot?" Tanong ko agad habang kinukuha ang baril sa bag ko.

"Itim po na hooded jacket pati baseball cap. Matangkad pa kayo. Di ko nakita masyado ang mukha pero sigurado ako na may konting balbas. Yung di po pantay ang tubo."

Naiiyak kasabay nang panginginig ng laman na tinapunan ko nang tingin ang medical staff na nire-revive si Juno.

Wala akong maitutulong ngayon sa mga ito para sa kanya. Kaya lumabas ako at tumingin sa paligid. Wala akong nakitang lalaki gaya ng sinabi ng nurse. Malamang nakababa na.

Nagtanong ako sa mga nakasalubong ko papunta sa elevator.

May isang cleaning staff na nagsabi, "May nasalubong ako, sir. Sumakay ng elevator. Wala pa hong sampung minuto."

Ni hindi na ako nakapagpasalamat. Tumakbo uli ako sa hagdan. Saktong nag-ring ang phone ko. Si Jack.

"Nasa ground floor na ang isang agent natin. The other just got to the parking," ang sabi.

"Pag-abangin mo sa front and back entrance," sinabi ko dito ang deskripsyon. "He got Jun. The doctors are trying to revive her!"

Napamura na rin si Jack. "Nasa loob pa ng ospital, Boss. He's on the move going to the back entrance. Di ko lang masabi kung anong floor. I'm almost done hacking into the hospital's CCTV."

Loving Juno #B3Where stories live. Discover now