19 Kanti

1K 47 6
                                    

"Pinagsasabi mo, Danny?" may igting agad ang boses ni Paul.

"Nagpaparinig ka, tapos dala mo pa talaga sasakyang yan," turo ni Danny sa kotse ko dati.

"Lalo kang yumabang porke naging syota mo lang si Jun ah," maaskad na sagot nito.

"Wow! Look who's talking? Apektado ka pa rin masyado, bro?" sumabat pati si Troy.

Hinawakan ko agad sa braso si Troy at si Paul, "Wag nyo pansinin yan," mahinahon kong sabi.

Umismid sa akin si Danny tapos ngumisi ng malisyoso, "Ayos ka makasalita, Jun. Feeling on top talaga sa dalawang ito ah. Masarap ba sa ibabaw?"

Hindi ko gusto ang tono nya. Nakakabastos.

"Whoooaaaa..." mahinang ugong sa mga naroroon.

"Bastos kang putangna ka ah!" Galit at malakas na sabi ni Paul.

Nung humakbang ito palapit kay Danny, niyakap ko agad ito sa bewang, "Hon, wag na. Wag mo na patulan."

Kahit nanggagalaiti ako sa asar, nagpipigil din ako. Ayokong madamay si Paul sa iringan namin ni Danny at Caloy.

"Tama na yan!" matigas na sabi nung mediator.

Humarap ito sa grupo ni Danny, "Danny, ipapaalala ko lang sa 'yo. Hindi ka na miyembro ng community na ito. Kaya wag kang magsimula ng gulo. Kundi ako mismo ang magpapasimula ng petisyon i-kick ang buong grupo mo. Wag ka manghila ng mga kasama mo."

"Tss. Di ko nga malaman kung bakit ako nag-kick out dito," maangas na sabi ni Danny. Dumura pa sa lupa.

"Aba'y gagong bobo pala talaga ito eh! Hindi mo alam?!" bwisit na sabi ni Troy.

"Troy, ano ba? He's not worth it," saway ko.

"Ako, Jun? Not worth it? Tsk. Tsamba lang ang pagkakapanalo mo sa amin sa Olongapo," mainit na singit ni Danny.

Di na ako nakatiis, "Alam mo, Danny, tsamba o hindi. Talo ka pa rin. Sa kayabangan at salita ka lang naman panalo. Kaya pwede ba, manahimik ka na. Move on din pag may time. Masama sa katawan ang pagiging bitter."

"Tss."

Si Caloy yun. Hindi ko pinansin.

Nakaka-attract na kami ng atensyon.

Hinila ko na sina Paul at Troy, "Dun tayo sa mga tropa nyo. Dun tayo mag-park."

"Disperse na. Malapit na tayo magsimula," sabi nung mediator. "Danny, dun na kayo sa area nyo. Wag ka manggulo. Invited ka lang."

Di sya pinansin nito, "Jun, ano? Isang round tayo!" malakas na sabi.

"Tangna talaga, oo!" nabubuwisit na bulong ni Paul.

Di ko naawat si Troy na balikan si Danny at grupo nito. Alam ko talagang mainit ang dugo nito sa lalaki dahil sa nangyari sa kapatid na bunso.

Naghangusan tuloy pati mga kagrupo ni Troy at Paul.

Shit! Gulo ito!

"Ikaw na kupal ka! Wag ka mag-angas dito. Sampid ka na lang ngayon dito, tarantado ka! Matuto kang sumunod at gumalang sa mga tao dito!" Galit nyang duro kay Danny.

"Di ako interesado sa 'yo, Troy! Kaya ano'ng pinagpuputok ng butse mo?" maanghang na sagot ni Danny.

"Wag mong pinepeste si Jun. Kami ang makakalaban mo ni Paul!"

Nginisihan ito ni Danny, "Nakikisawsaw ka?"

"Troy, tama na yan. Halika na!" gigil bulong ko dito pero kumpara sa height ko dito, walang kwenta sa kanya ang paghatak ko. "Paul, awatin mo nga."

Loving Juno #B3Where stories live. Discover now