84 Duda

1.2K 72 21
                                    


Here's 6,600+ words UD. Whew!

Wag na kayo umasa na may edit ito. Masipag ako tamarin! LOLZ!

Anyway, I contributed a letter for PK in Letter Keepsake sa Glympse_Society dito rin sa WattPad.

Check it out, mga chichi.

A bit of spoiler sa non-fic story na isusulat ko na 'SI PK NI CIELO'.

=================

Mukhang nasa mid to late thirties na ang lalaki.

Totoo ang sabi ni Caloy. Pogi.

Ay mali!

GWAPO! Yun ang mas akmang salita.

Maturely handsome sa itim nyang short sleeved formal polo at itim na slacks.

Yung gwapong mabait ang bukas ng mukha.

Bet.

Bet sana... kung di dumako ang mata ko sa leeg nya.

Clergy collar.

Pari. O magpapari, malamang.

Kung narito si Caloy, baka nakutusan ko yun.

Binigyan ako ng Kulugo nang impresyon na papabol ang mami-meet ko.

Oo, papa nga. Pwedeng kumandidatong Santo Papa in the future!

Hello naman!Wala akong planong makipag-agawan sa Diyos sa alagad nya. 

CARLITOOOO!

Sigaw ko sa utak.

"Kanina pa tapos ang misa, yet you're still here staring blankly at the altar," malumanay na sabi. "You want to talk about it, child?"

Napakurap ako ng dalawang beses tapos nakayuko, "Uhm...di naman po schedule for confession today, Father."

Ngumiti ito, "Should a man of the Church need to follow the confession schedule when he sees a soul starting to get lost?"

Wala akong masabi. Kaya napatingin na lang uli ako sa may altar.

Tahimik itong naupo sa tapat na hilera ng inuupuan ko paharap sa akin.

"Want to talk about it?" Ulit nya.

Ewan ko, basta tumulo na ang luha ko kasabay ng pagsasabi ko lahat ng frustrations ko sa sitwasyon namin ni Rob.

Frustrations ko kasi pakiramdam ko, ang dami ko talagang na-missed out. Mga bagay na walang gustong magsabi sa akin.

"Either your bestfriends and your sister do not have any knowledge about it, or they are protecting you, kasi mahal ka nila," sabi ni Father Simon. "And it is not the right time now. Yet, it will come."

"Bakit si Rob, Father?"

"Hindi mo sya binibigyan nang sapat na pagkakataon para sabihin lahat."

"Hindi ko pa po kaya eh."

"Then, take this time to contemplate. Totoong nagkamali man sya. At sa kwento mo, nagsisisi naman yung tao. Hindi ba sya deserving sa isa pang pagkakataon, Juno? Tandaan mo, na kahit ang Diyos, binigyan ang mga tao ng pangalawang pagkakataon. Sukdulang magsakripisyo si Hesus para sa pagkakataong yun."

"Una mong patawarin ang sarili mo, Anak. Sa nakikita ko, nakokonsensya ka para sa anak nya sa unang asawa. Timbangin mo ang rason nya. Kung hindi ba sya nakipaghiwalay sa dati nyang asawa, magiging masaya nga kaya sila? Kung hindi, ano ang kahihinatnan ng bata sa ganoong pamilya? At higit sa lahat, kung hindi mo sya kayang patawarin ng totoo, at tanggapin uli, masaya ka ba?"

Loving Juno #B3Where stories live. Discover now