21 Fast Track

1.1K 61 9
                                    


Ayaw magpahatid ni Paul sa airport sa araw ng pag-alis nya pero dumating ako. Walang nagawa si Troy kundi ang pumunta rin para samahan ako.

Nung papasok na si Paul, umiyak na naman ako.

"Kaya ayokong may maghahatid sa akin eh. Kahit si Mama nga, di ako pumayag. Tss!"

Niyakap uli ako ni Paul at hinalikan sa pisngi.

"Troy, para kang timang!" sikmat ko. Kunuhanan kami nito ng pic ni Paul.

"Para dramatic ang datingan," ang pang-asar na sabi. "Tangna, Jun, pati ilong mo umiiyak sa pic eh!"

"Gago!"

"'Tol, pakitingin -tingin na lang si Mama at yung kotse ko at ni Jun sa bahay ha?" bilin nito uli.

Nag-group pic din kaming tatlo tapos pumasok na si Paul sa airport.

Nag-stay pa kami ni Troy ng kalahating oras sa airport. Tapos namasyal lang kami saglit sa may MOA.

Nakakalungkot, kasi kapag nagpipicture kami ni Troy, kulang na kami ng isa.

Isang oras bago ang flight ko pabalik ng Palawan that same day, hinatid na ako ni Troy sa airport.

"Jun, ingat sa byahe, ha? At tigilan mo yang pagmumukmok mo. Kapag ako may nabalitaang kalokohan mo, ako na ang pupunta sa Palawan para kutusan ka."

Natatawang yumakap ako dito at nagbeso, "Utot mo! Sige na. Salamat sa paghatid. Ingat ka rin sa byahe."

"At tigilan mo kaka-stalk sa akin at kay Nancy sa FB! Nauusog mo eh!"

Tumawa lang ako.

Nung gabing yun, naka-upload na mga pics namin sa airport. Naka-tag kami ni Paul.

Ang daming nag-comment sa pic naming kinuha ni Troy na umiiyak ako at magkayakap kami ni Paul.



Andito pa naman ako,Jun!

Ang sad naman. Dalawa na lang sila ni Troy sa pic.

Paul, pwede nang ligawan si Dyosa? LOL! Ingat and goodluck, dude!

What's with this year? Nawala ang power trio ng community! Grabe!



Di ako nag-comment. But I grabbed all photos tapos sinama ko sa FB album ko na exclusive lang sa aming tatlo nina Paul at Troy.

Kanina pa kami nakapag-usap ni Troy nung tumawag ako dito to confirm na nakauwi na ako. Bukas ko pa ine-expect ang tawag ni Paul.

As days and weeks passed by, namatay na rin ang usapan tungkol sa pag-alis naming tatlo sa community. Well, andun pa rin pala si Paul at Troy, inactive nga lang.

Ganun din sa campus. Maayos na ang pakikitungo namin ng mga Kulugo sa isa't-isa. May bago na silang grupong sinalihan. Yung mga fantards nila, nag-lie low na rin sa akin.

Natapos ko na rin ang driving lessons ko sa pagmo-motor. At dahil pasukan na, tapos na rin ang summer clinic sa gym ni Kuya Bart. Nabawasan ang oras na naroroon ako para mag-assist sa mga nag-aaral ng self-defense. Kaya malaki na naman ang bakante kong oras.

I checked my money sa passbook ko. Medyo malaki na rin ang nabawas ko doon though hindi ko naman nakalahati. Sa lifestyle naming ni Ate Andie, malaking pera pa ring di hamak ang ipon ko.

Pero, di puwedeng palabas lagi ang pera. Tutal may mga bakante akong oras, nagsimula na akong maghanap ng trabaho.

Ito na yung tamang panahon. Kailangan ko ng diversion para di ko maisip si Caloy at yung dalawang kulangot. Though nakakapag-usap pa rin kami nina Paul at Troy kahit once a week sa messenger or skype, malungkot pa rin.

Loving Juno #B3Where stories live. Discover now