15 Sunset

1K 63 5
                                    


Naramdaman ko rin na may sumusunod sa akin, pero hindi ako lumingon. Maraming estudyante sa canteen. Ayoko nang mag-assume na si Caloy ito.

Nadala na ako. I learned my lesson the painful way.

Bago makarating sa pinto, kumanan ako. Ayokong makipag-usap sa mga kulugo. Sa kabilang pinto ng canteen na lang ako lalabas.

Pero kapag ang peste dumating, minsan parang combo meal.

Kasi madadaanan ko ang table ng mga die-hard fantards nina Caloy at sa akin sila nakatingin. Gusto kong mapakamot sa ulo.

Isang dipa mula sa table nila, yung babae sa gilid, inilabas ang paa. Balak akong patirin. Parang tanga lang. Masyadong obvious!

"Aray!" Hiyaw nung babae.

"Ay, sorry," sarkastiko kong sabi.

"Nananadya ka?!" Tumayo yung pinakamatangkad sa kanila.

"Huh? Aba, eh wala yang paa mo dyan kanina. E ba't biglang humarang nung padaan ako? Natapakan ko tuloy. Sorry."

May nagngisngisan sa ibang table.

"Porke sikat ka ngayon sa campus, ang laki ng ulo mo ah!" sikmat nung isa pa.

"Ay sorry naman, mga pabebe!" Namewang na ako. "Kayo ang gumagawa ng isyu na wala kayong kinalaman. Kayo lang naman nagpalaki at nagsasabing sikat ako. Kita nyo ngang nananahimik ako. Kayo nyo naman pala mahilig umisyu, bakit di nyo pasikatin sarili nyo, ano?"

"Wooaaa! Banatan mo na, Dyosa!" May nagbuyo somewhere sa canteen.

May nagtawanan, "Puro make up lang alam nyan. Wala yang binatbat sa 'yo!" may isa pa.

"Shit kayo!" sigaw nung pinakamatangkad na fantard ng mga kulugo.

"Asus! Sige nga. Kung kaya mo, hawakan mo buhok ni Jun?!" Pang-aasar nung isa doon.

Gusto kong matawa. Classmate ko pala yung nang-aasar.

Ako tuloy napagbalingan nung mga babae. Dinuro ako nung isa.

"Akala mo kung sino ka! Dahil sa iyo, may loss na si Caloy ko!"

Potah! Kanya na si Caloy!

"Oo nga," may nagsalita sa likod ko.

Paglingon ko si Neri. Nakaismid ito sa akin.

May mga kasama rin itong tatlo pang babae.

"Mabuti nga yun lang ginawa ko eh. Mabait pa nga ako nyan," sabi ko na inilapag ang dalawang librong hawak ko sa isang table doon, pati yung backpack ko.

Mahirap na. Ang dami nila. Mabuti na yung handa ako.

"Ayun, binaba na yung gamit!" gatong nung isa dun. "Let's get ready to rumble!"

Tawanan uli.

"Kayong mga kiri kayo," dinuro ko rin sila Neri at yung unang grupo ng mga fantards. "Wag nyo akong igagaya sa inyo na ayos lang pagpustahan kayo. Pangalawa, bakit di nyo tanungin sina Caloy kung ano talaga nangyari, ha? Puro kayo satsat."

Humakbang ako palapit kay Neri. Napaatras ito. Takot naman pala!

"Ikaw, Neri. Akala mo hindi ko alam mga kabalbalan mo kasama si Caloy? Di ba ikaw lang naman ang nagsasabi na naging kayo, e alam naman nating dalawa kung ano ang totoo. Ang tanong, bakit ko alam? Ayos lang sa 'yo yun? Well, di na 'ko magtataka. Tanga ka eh. Tanga kayong lahat!"

"Di yan totoo!" Hiyaw ni Neri na naiiyak.

"Talaga lang huh?!" Napangisi ako. Umikot ang tingin ko sa canteen.

Loving Juno #B3Where stories live. Discover now