83 Simbahan

1.1K 73 31
                                    


"A-ano?" halos pabulong kong tanong.

"O-oo, Jun. I...I..." frustrated na umpisa ni Rob.

"Dun kayo sa office library," singit ni Ate Andie pero di ako bumitaw ng kapit sa braso nya.

"Ate..."

Napabuga ito ng hangin sa bibig, "Sige. Sasama ako pero... wait."

Tumunog ang cp nya na nasa ibabaw ng grand piano kaya napilitan akong bumitaw dahil kinuha nya yun.

"Jun..."

Paglingon ko, nakaabot ang kamay ni Rob sa akin.

Itinago ko ang dalawang kamay sa likod ko at yumuko kagat ang labi.

Iniisip ko kung tama ba ang narinig ko na sinabi ni Rob.

"She's here. Don't worry, Paul," si Ate.

Kaya napatingin kami ni Rob kay Ate Andie.

"... Baka dito sya matulog ... I'll tell her to call you ... Oo nga eh. Tigas ng ulo. Naka-motor..."

Sinulyapan ako ni Ate tapos nginiwian ako sabay irap. Tapos nakinig sa sinasabi ni Paul.

"... uhm... I see ... Narito rin. Sumunod, syempre ... "

"Fucking sentinels!" Mahinang bulong ni Rob.

Tigas ng leeg ko na di sya lingunin pero wa epek dahil,

"What?!" Mahina pero asar na sagot nito. May kausap na rin pala sa cp nya.

"I'm with her and she's safe. Wag kayong makialam. Personal namin ito ni Jun, Benavidez!"

Syete! Hinahanap na ako nina Paul at Troy. Gusto kong manliit. Natataranta pati bestfriends ko sa kakahagilap sa 'kin.

Lalo tuloy ayokong magbukas ng phone ko. Tatalakan ako nung dalawa, sigurado. Di kaya ng hypothalamus ko ngayon ang dagdag na sermon.

"Tsk!" si Rob uli na pinatayan agad ng tawag si Troy.

"Jun..." tawag uli ni Rob.

Umiwas ako ng tingin, tapos naupo ako sa couch na malapit kay Ate Andie.

For the first time in my life, ako ang humuhugot ng proteksyon kay Ate.

Nyeta kasi itong halimaw na ito.

"Sige, salamat sa pag-aalala, Paul. Ako na bahala. Uhm... kailangan nila ... sige, oo sasabihin ko. Salamat uli ... bye."

Tumikhim si Ate, "Halika, dun tayo sa library."

Di ako gumalaw sa pagkakaupo ko.

"Juno dela Cruz!"

Napatayo ako sa pag-alsa ng boses ni Ate.

Napahabol ako sa kanya kasi lumakad na papunta sa office library ni Kuya Reid.

Nakasunod lang si Rob. Ramdam na ramdam ko sa likod ko yung init ng nilalabas ng katawan nya.

Feeling ko, one inch lang yata ang pagitan namin. Sarap itulak palayo kaso ayoko ngang lingunin.

Natatakot akong ewan.

"Jun, mauna ka sa loob. May pag-uusapan lang kami saglit ni Rob dito sa labas," bilin ni Ate Andie.

Malaki ang pinagbago nang office library. Sigurado akong pinakialaman na ni Ate ang ayos at disenyo nito.

Yun nga lang, di ko pa ma-appreciate ang ganda nya.

Nate-tense akong nakaupo sa isang single couch dun habang hinihintay silang pumasok.

Loving Juno #B3Where stories live. Discover now