Chapter One

42.6K 838 27
                                    

Nagpatianod si Nikita ng hilahin siya ng kaibigang si Flor. Kadarating lang nito mula sa kabisera. May isang linggo na siyang nakatira sa mga ito. Ito ang tinawagan niya pagkalapag palang ng eroplano na sinakyan niya.

So far, maayos namana ng pakikitungo ng pamilya nito sa kanya. Nakilala niya sa social media si Flor. At hindi niya akalain na kung ano ito doon ay ganoon din ito sa personal. Malaki ang tiwala niya dito. Kaya lahat ng perang dala niya noong tumakas siya sa Japan ay iniinvest niya sa negosyo nito.

May ari ito ng isa sa pinakakilalang Sea food restaurant sa buong San Simon. Probinsya sa norte. May mga branch din ito sa iba't ibang karatig bayan at sa maynila. Bukod doon, may malaking whole sale grocery store din ang mga ito. Hindi naman niya masasabing napakarangya ng buhay ng mga ito.

Hindi sila mayaman at di rin sila mahirap. Ang bahay ng mga ito ay isang malaking bungalow na napipintahan ng magandang kulay. May malawak na garden. Malayo sa pamumuhay na nakasanayan niya. Ang silid ng mga ito ay halos kalahati lang ng silid niya sa Japan. Pero ganoon paman masaya siya sa pananatili niya dito. Mainit siyang tinanggap ng buong pamilya nito. At nararamdaman niyang sa maikling panahon ay may naituring siyang pamilya.

Hinila siya ni Flor paupo sa isang garden chair. "What is it Florie? Bakit parang nagmamadali ka?" She asked nang makaupo na sila. Tumabi ng upo sa kanya si Flor.

"I need to transfer you in another place." Mabilis na sabi nito. Halos pabulong lang iyon. Naiintindihan niya. Hindi kasi alam ng pamilya nito na naglayas siya. Ang alam lang nila ay nagbabakasyon siya sa pilipinas.

Kumunot ang noo niya. Pinapalayas na ba siya nito? "A-Are you throwing me o-out?" Puno ng hinanakit na tanong niya.

Napahawak ito sa sentido. "Hindi sa ganoon. Kanina kasi, 'yung lalaking sinasabi ko sa'yo. Nakita ko siya sa kabisera kanina. And she's looking for you!" She gasped. Sino naman iyon. Ang natatandaan lang naman niyang naikwento nito sa kanya ay ang nakilala daw nitong bastos na lalaki sa maynila.

"What do you mean?" Napakapit siya sa edge ng garden table. It's a marmol surface na may fresh flower sa gitna.

"Mismong tauhan ko ang napagtanungan niya. And he showed your picture. Mabuti nalang at nasenyasan ko ang tauhan ko na wag kang ituro." Nanlaki ang mga mata niya.

"Oh God" Tauhan kaya iyon ng lolo niya? "What does he look like?" Kinakabahang tanong niya.

"He introduce his self as Josue Tolentino. Your fiancee." Parang lumubog siya sa yelo dahil sa panlalamig niya. Parang nasa Ice Bucket Challenge siya.

Napatayo siya. At nagpalakad lakad sa garden. "What to do? What to do?" Narito na si josue. At kung lilipat siya sa kahit anong hotel ay nasisiguro niyang mahahanap siya.

Tumayo si Flor at hinawakan siya sa balikat. "Relax.. I already talked to my friend. Ihahabilin muna kita sa kanya. Safe ka 'don. At saka nasa exclusive village ang bahay niya. For sure hindi ka mahahanap ng tarantadong lalaking 'yon doon." Hindi man niya naunawaan ang isang salitang pinantukoy ni flor kay Josue pero natitiyak niyang may tinatagong inis ito doon base narin sa mga reaksyon nito.

"So when will I move in?" Tanong niya. Kung narito na si Josue it's not safe for her to roam around the province. Dahil baka makita siya niyon.

"Ihahatid kita mamaya. Aayusin ko lang ang mga stock orders na dumating kanina sa opisina." Anito sa kanya. Flor helped her a lot. Malaki talaga ang utang na loob niya dito. Kung hindi dahil dito baka kung saan saan na siya napunta. Hindi pa naman siya sanay sa banyagang lugar na ito.

"Thank you Florie. Thank you for helping me. Hindi ko alam ang gagawin ko kung wala ka." She sincerely said. Totoo naman kasi. Hindi rin kasi niya alam kung sino ang dapat niyang pagkatiwalaan. Naikwento na niya ang buong buhay niya kay Flor, sa katunayan ay wala na siyang maiitago dito. Alam na nito lahat. "Wala 'yon Niki.." She always call her Niki.. Short daw ng Nikita. "Your my friend. At bilang kaibigan mo. Dapat lang kitang tulungan."

Niyakap niya ito. Bukod pala sa magagandang tanawin sa pilipinas. There's another beautiful here. The Filipino people who treat you as a part of their family. And that's what she always missed in her whole fucked up entire life. Ang makaramdam ng totoong---pamilya.






To be continued...






---------

In a hundred billions family in global world. Naniniwala pa rin akong may pamilya pa ring kayang iparamdam sayo na parte ka nila kahit iba ang shape mo, iba ang kulay ng balat mo at iba ang dugong dumadaloy sa mga ugat mo.

Minsan, ang hindi natin naramdaman sa loob ng ating sariling bahay. Ay sa ibang tahanan natin natatagpuan.

Happy reading.
Ai:)

GENTLEMAN series 7: Taddeos VenturaTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon