Chapter Four

33.8K 779 10
                                    

Tik Tak Tik Tok. Para siyang tanga na pinapakinggan ang tunog ng orasan. Nakatingin lang siya doon habang nakasubo ang daliri sa bibig at nginangatngat ang kuko. Naiwan siyang mag isa sa loob ng bahay na ito at bagot na bagot na siya.

Sa San Simon kasi, kapag umaga ay sumasama siya sa opisina ni Flor at tinutulungan niya ito. Graduate siya sa kursong BS accountancy Tokyo University. Nagkasama din siya sa topnotcher for CPA board exam. Sa katunayan nasa top five siya. Dahil sa galing, agad siyang nakuha sa JICPA or Japanese Institute for Certified Public Accountant. Balak sana niyang kumuha ngipang units sa teaching para makapagturo siya mismo sa JICPA. Pero dahil sa plano ng lolo niya. Nasira ang sariling plano niya. And now i am stock in here!  Naiinis na saad niya sa sarili.

Buong buhay niya, wala na siyang ginawa kung di ang sumunod sa lolo. She never felt freedom even before. Her lolo is the one who always commands and decide for her, like what her going to take in college, where school she will get enroll what kind of friends she will going to have. Mga bagay na siya dapat ang nagiisip. May sarili siyang isip pero ang pakiramdam niya ay isa siyang robot na susunod sa lahat ng utos nito. 

Nang sabihin nito ang tungkol sa pagpapakasal niya ay agad na siyang nagprotesta. Pero wala rin siyang nagawa dahil natatakot siyang pulutin sa lansangan. Kayang kayang gawin ng lolo niya ang lahat. He has all the powers and rights para gawin ang gusto nito. At ito rin ang legal guardian niya. Aside from that, natatakot siyang itaboy siya nito. Kahit papaano ay ito nalang ang natitira niyang pamilya. Saan pa siya pupunta kung itataboy din naman siya nito? Alam naman niyang mahal lang siya ng lolo niya. He always reminding her na kaya daw nito ginagawa ang lahat ay para kung sakaling mawala ito ay hindi ito mangangamba para sa kinabukasan niya.

But talking about her future? Siya lang ang nakakaalam kung anong makakabuti. Dahil buhay niya ito. Nang gabi ng engagement nila ni Josue. Sinabi niya sa sarili niyang hanggang doon nalang ang pagmamanipula sa kanya. Hindi siya makakapayag na matuloy anv kasal na mahigpit niyang tinututulan. The idea of being tied to the man she doesn't love, hindi niya alam. Baka maging impiyerno lang ang buhay nilang dalawa kung sakali.

Tumayo siya sa wooden bench na kinakaupuan niya na nasa garden. So far, ito ang pinakanagustuhan niyang parte ng bahay ni Mr. Masungit may maliit na pond sa tabi ng mga halamang di niya alam ang pangalan. May maliit na fountain doon na itsurang isda. May ibat ibang kulay din ng koi fish pero ang pinakanagustuhan niya sa lahat ay ang wooden bench na nakatapat sa luntiang halaman. At mula doon ay kitang kita mo ang kulay orange na araw. Kapag papalubog na ito. Nakakarelax kasi para kang nasa paraiso. Kung tutuusin wala namang gasinong bulaklak sa garden na ito.

Akma siyang papasok sa loob ng bahay ng makarinig siya ng mga katok sa bakal na gate. Hindi ba uso ang doorbell dito?  Malalakas ang pagbayo sa bakal na gate. At natitiyak niyang kung sino man ang nasa labas niyon ay mas nanaisin nitong wasakin ang gate ng bahay.

Dahan dahan siyang lumapit sa gate. At nang buksan niya iyon, nagbabagang mga mata ng isang mestisang babae ang bumungad sa kanya. "Nasaan si Taddeos?" Kaagad na tanong ng babae. Kung lalaki lang siya malamang magkacrush siya dito. Kakaiba kasi ang ganda nito. Sa tingin niya ay mas matangkad ito sa kanya. Bilugan ang matataray na mata at may makapal at malalantik ding pilik mata. Ang kilay nitong mahihiya ang eye liner dahil sa ganda. Tila ay nakaramdam siya ng insecurities, nene siya kung itatabi siya dito. She looks so sophisticated and classy. Isang uri ng babaeng may mataas na antas sa lipunan. Base na rin sa pananamit nito natitiyak niyang hindi ito basta basta. Napayuko siya sa damit niya. Local brand lang ito dahil wala ni isang damit siyang dinala ng lumayas siya. Pero ganoon pa man her shorts and sando still Worth a leg. Hindi nga lang siguro kasing mahal ng damit na suot ng babae sa harapan niya. "Uulitin ko.. Nasaan si Taddeos?" Saka lang siya natauhan.

Nasaan nga ba ang lalaking 'yon?  "Aah.. I don't know?" Patanong na sagot niya. Hindi niya talaga alam. Wala namang sinabi sakanya maliban sa aalis ito. Malay ba niya kung saan nagtatrabaho ang lalaking yon.

Ngumiwi lang ang babae. "Never mind." Mula sa paper bag na hawak nito. Ay inihagis niyon iyon sa harapan niya. Kasama ang bulaklak na hawak nito. "Ibigay mo sa kanya ang mga 'yan. Hindi ko kailangan ang mga iyan."

Sabay talikod sa kanya. "Sandali!" Pero huli na. Nakasakay na ito sa sasakyang nakaparada sa harapan niya at pinaharurot iyon palayo. Nagkibit balikat nalang siya. "She must be the girlfriend." Sabi niya. Binulatlat niya ang laman ng paper bag. Pulos mga imported chocolates ang mga iyon. Break na siguro. Napabungisngis siya. Mahili siya sa chocolate kaya napapangiti siya habang iniisa isa niyang tignan ang mga iyon. Dinampot din niya ang bulaklak na nasa lupa.

Ang pupula ng mga rosas. Halatang mamahalin. Sinamyo niya iyon at saka napangiting binitbit. Ilalagay niya iyon sa flower vase para naman mapakinabangan. At ang mga chocolates. I will eat 'em all.






To be continued...

------

February 1st na.. Mauuso na naman ang bolahan.  Kapag February hindi lang ulo ang nagiging bola.. Pati tiyan. Hahaha.. Kaya 'yung mga bata pa dito.. Girls ingat kayo ha.. Talamak ang bolahan sa mercado ngayon. Baka pati kayo mabola.. Lalo na yung mga estudynte palang.. Mag aral muna kayo bago ang pakikipag date..

A friendly reminder from: Ai:)

GENTLEMAN series 7: Taddeos VenturaTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon