Chapter Nineteen

32.2K 585 10
                                    

Pinagsalikop niya ang dalawang palad. Pasado alas diyes na ng gabi pero wala pa rin si Taddeos. Kanina, ng parehong kumalma ang dalawang panig ay lalaking humarap ang binata sa lolo niya ay ibinigay ang pangakong papakasalan siya kinabukasan. Oo kinabukasan dahil iyon ang kasunduan nila.

Umalis ang binata kanina na hindi man lamang sila nakapaguusap ng maayos. Umalis ito ng di man lamang siya binigyan ng pagkakataon na magpaliwanag. Malapit na maghating gabi pero kahit tawag man lamang ay wala siyang natatanggap buhat sa binata.

Malungkot na napaupo siya sa upuan at tinanaw ang paligid ng bahay. Tanging ilaw lamang buhat sa kusina ang tumatanglaw sa paligid. Kasing dilim niyon ang nangyayari sa kanila ngayon.

Ang lolo niya ay hindi na siya napilit na sumama pabalik sa hotel na tinutuluyan nito. Bukas na lamang sila magkikita sa araw ng kasal niya. Pagak siyang napatawa. Hindi ba't ganitong ganito ang nangyari sa kanya noon? Noong nagulantang na lamang siya sa balitang ipapakasal siya. At ganitp rin ang ginawa niya kay Taddeos ngayon. A shotgun marriage. She was forcing him to marry her. Dahil kung kay Taddeos siya makakasal hindi na maiigiit ng lolo niya ang pagpapakasal niya kay Josue.

Tunog ng cellphone niya ang nagpabalikwas sa kanya sa kinauupuan. Mabilis niyang sinagot iyon. Ang buong akala niya'y si Taddeos.

"Flor!" Aniya ng makilala ang tinig ng kaibigan.

"Ngayon ko lang nabasa ang message mo sakin. Anong ibig sabihin noon?" Halata na naguguluhan ang kaibigan niua dahil sa balitang sinabi niya kanina. Hindi niya kasi ito makontak kanina. So that, she send her a Text message instead. Ito ang isasama niya sa witnesses para sa  civil matrimonial ceremony bukas. Civil wedding ang magaganap. Her lolo insisting na sa japan sila ikakasal pero nakiusap si Taddeos na pagpaplanuhan daw muna nila ang bagay na iyon. Lalo pa't hindi naman agad makakaalis ang binata dahil marami itong commitment ngayon.

"It's true." Tipid niyang sagot.

Naririnig niya ang di magkandaugaga nitong pagkilos mula sa background. "How? Paano nangyari? Akala ko ba ayaw mong magpakasal sa lalaking iyon? Bakit biglaan?" Sunod sunod na tanomg ni flor. Iniisip pala ng kaibigan niya na tuloy parin ang kasal nila ni Josue.

"Hindi si Josue ang papakasalan ko." Tumingala siya upang ibalik ang luhang gustong kumawala sa kanyang mga mata.

"Ano? Kung hindi siya? E sino?" Nalilitong tanong ni flor mula sa kabilang linya. She released a deep breath bago muling sumagot.

"Bukas na ang kasal namin ni Taddeos." Halos bulong nalang na sagot niya.

"Ano?" Gulantang na tanong muli ni flor. Bumugtong hininga siya. "Totoo Flor. Totoong ikakasal na kami bukas."

"How? Why? At saka bakit biglaan? Buntis ka ba? Papanagutan ka ba niya?" Sunod sunod na muling tanong ni Flor. You can't blame her. Totoong nakakagulat na magpapakasal siya kay Taddeos. Na kailan lang naman niya nakakasama.

Ikaw ang naglagay sa kanya sa sitwasyong ito. Pipimg sumbat ng isip niya. Napailing na lang siya. Pilit niyang iniisip kung ano at paano ang magiging buhay nila ni Taddeos sa mga susunod na araw pagkatapos silang maikasal. Kung magiging maayos ba ang pagsasama nila o maghihiwalay din sila sa bandang huli?

"Mahabang kwento Flor. Basta dumating ka bukas. Your my only friend. Kaya sana makarating ka." Aniya. Wala naman kasi siyang ibang matatawag para sa kasal niya.

Narinig niya ang pagbugtong hininga ni Flor. "Marami kang utang na paliwanag sakin. Kung bakit biglaan ang lahat. Expect me tomorrow morning. Maaga akong luluwas ng Manila bukas."

Tumango siya kahit hindi siya nito nakikita. Kailangan niya ng kaibigan sa mga oras na ito. Pero higit niyang kailangang malaman kung nasaan na ba si Taddeos sa mga oras na ito. "Anyway, d'yan na ba ako dederetso o sa simbahan na?" Muling tanong ni Flor.

"No, sa City Hall kana pumunta. Walang church wedding. It's a civil wedding only." Matipid niyang saad. "Ninong ni Taddeos ang magkakasal samin." Dugsong niya.

"Lalo tuloy dumarami ang tanong sa isip ko Nikita. Sasagutin mong lahat iyon. Feeling ko hindi ako makakatulog dahil d'yan sa mga nalaman ko. But still, best wishes for both of you. Alam kong aalagaan ka ni taddy." She sincerely said.

I hope so. "Thank you." Bumukal ang luha sa mga mata niya. Alam niya na sinusumpa na siya ni Taddeos ngayon. Paano pa kaya bukas? Baka kahit ang tignan sa mga mata ay hindi na nito magagawa.

Nakatakas nga siya sa manipulasyon ng lolo niya. Pero ipinasok naman niya ang sarili niya sa panibagong madilim na mundo. It's really a shotgun relationship. Ipipilit niya ang sarili sa lalaking ni katiting yata na pagtingin ay wala sa kanya.

Nawala na sa kabilang linya si Flor pero nanatili niyang hawak ang cellphone. Parang mas umiiksi ang distansya ng pag asa at kabiguan sa kanya. Paano kung narealize ni Taddeos na mali ang pagpayag na ginawa nito? Natatakot siya. Kilala niya ang lolo niya. Kapag sinabi nito gagawin nito.

And she's afraid that he might hurt him. Alam niyang walang sasantuhin ang matanda. Taddeos gave his word. At sa kagaya ng lolo niya. Mahalaga ang isang salita. Na kapag nangako ka ay tutuparin mo at kung hindi ay baka nasa loob kana ng kabaong at pinaglalamayan.

She shrugged her shoulders. Pantay na ang hininga niya pero ang tibok ng nagririgodon niyang dibdib ay hindi magkasabay. Parang tinatambol ng paulit ulit sa kaba. Nasaan ka na ba?

Natatakot siya na baka hindi sumipot ang binata bukas. Hindi siya natatakot para sa sarili niya. Natatakot siya para dito. Dahil ikababaliw niya kung may mangyayayari ditong masama.



To be continued...




---------

Wag po kayong magtaka kung bakit marunong magjapanese si nikita kung koreana naman po siya. Sa japan siya lumaki simula ng mamatay ang mga magulang niya. At pinalaki siya ng kanyang lolo. Hope di po kayo malito.

Kapag naipost ko na po ang last chapter nito. Saka ko naman po ipopost ang part two with the title, His Virgin Wife. Doon po magcocontinue ang kwento. At ang susunod na series naman po ay ipopost ko na din. Gentleman series 8: Simmeon Tan. So bali, ang timeline nila e nasa parehong panahon pero lalabas na may issue pa ang kwento ni Taddeos at Nikita. Kaya wala pa pong happy ending kahit on going ang next series. Wala po sanang malilito at tatanungin ako bakit walang epilogue. Kasi maliwanag ko pong sinabi na walang ending. Dahil WALANG POREBER. HAHAHA.

Happy reading.
Ai:)

GENTLEMAN series 7: Taddeos VenturaTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon