Chapter Fifteen

28K 641 15
                                    

Ten in the morning nang dumating ang laundry bag nila na may lamang mga damit nila na dinala ni Taddeos sa laundry shop noong nakaraang araw. She sort out the bags at saka inihiwalay niya ang kanya. Noong una ay ayaw sana niya. But Taddeos insisted na dalhin na rin sa laundry shop ang damit niya.

Nang matapos siya sa pagaalis ng sariling mga damit sa loob ng bag. Naisip niya kung paano ang mga damit ni Taddeos.

Maaga kasing umalis ang binata dahil may emergency meeting daw ito ngayong umaga. He even skipped his breakfast para lang makaalis agad. Pero nagawa naman niyang igawa ito ng pack lunch. Nahihiya naman kasi siyang laging ito ang umaasikaso ng pagkain nila.

Hindi niya alam pero gustong gusto niya na pinagsisilbihan niya ito. Yung bang siya ang nagaasikaso ng pagkain nito. Gusto niya itong alagaan. She went upstairs habang buhat buhat ang laundry bag. Pagdating sa pangalawang palapag ay nagdadalawang isip siya kung ipapasok ba niya ito sa kwarto ng binata o iiwan na lamang niya ito sa pintuan ng silid nito.

Alam niyang bawal na bawal ang pumasok sa kwarto ni Taddeos. Pero hindi naman siya talaga papasok. Maybe, ilalagay lang niya itong bag sa bukana ng kwarto nito at aalis na siya agad. Nagtatalo ang isip niya kung ano ang susundin. Bit in the end, her curiosity got her.

Bahala na. Dahan dahan niyang pinihit ang seradula ng pinto. At saka itinulak iyon papasok. Madilim na paligid ang bumungad sa kanya. She turned on the light at saka bumulaga ang kabuuan ng silid sa kanya. Nakasara ang Venetian blinds na nasa kaliwang bahagi ng silid. May king size bed na nababalutan ng asul na kobre kama. Gayun din ang kulay ng unan. Sa dalawang gilid ng kama ay ang wall lamp na bahagya lang ang laki.

May di kalakihang study table sa isang gilid at may nakapatong na laptop. Dalawang pinto naman ang nasa kanan. Closet at bathroom marahil. Binuhat niya ang bag at itinabi iyon sa leather couch na nasa isang tabi malapit sa rack na may ilang libro. Mahilig talaga siyang magbasa. Wala naman siyang nakikitang kakaiba sa silid. Siguro may mga tao lang talaga na ayaw nagagambala ang privacy nila. She was about to turn off the light ng mahagip ng mga mata niya ang hilera ng litrato sa ilalim ng LED TV na nakadikit sa pader. May rack doon na may nakadisplay na iba't ibang laki ng frames. Dahan dahan siyang lumapit doon.

Bahagya siyang yumukod at dinampot ang isang frame. Close up picture iyon ng dalawang tao. Isnag babae at isang lalaki. Kilala niya ang lalaki dahil si Taddeos iyon. Ang babae ay hindi niya kilala. Maputi at may itim na itim iyong buhok. Medyo kulot kulot iyon. Nakaakbay si Taddeos sa babae habang parehong nakangiti ang dalawa. Pareho din sila ng damit na suot. Pareho ng kulay at pareho din ng disenyo.

Pilit niyang inisip kung nakita na nga ba niya ang babae. Naalala niya yung babaeng dumating dito noon. Hindi sila magkamukha kaya nasisiguro niyang hindi iyon ito. Parang may kumurot sa dibdib niya ng maisip na baka girlfriend ni Taddeos ang babae.

Mabilis niyang ibinalik ang litrato bago pa man niya iyon mabitiwan. Sunod niyang dinampot ay ang katabi niyong frame. Si Taddeos muli ang bumungad sa kanya. Habang karga ang isang bata.

Namumula ang mga mata ni Taddeos sa litrato habang karga ang isang sanggol. Nababalot ng lampin ang bata habang nakapikit. Pilit niyang inaanalisa ang ugnayan ng bawat litrato.

Sinundan niya ang mga nakahilerang frame doon. Iba't ibang kuha ng batang lalaki at ni Taddeos. Palaki ng palaki ang bata sa bawat picture. Sa huling litrato ay nakatayo ang dalawa habang nasa likod sila ng malaking Christmas tree. Nabuo sa isip niya ang isang tanong. Who is he?

Base sa napupuna niya. Magkamukhang magkamukha ang dalawang lalaki. Kung di siya nagkakamali ay nasa lima o anim na taong gulang lamang ang bata. Pareho sila ng mata at maging ang pagngiti. Halatang masayang masaya si Taddeos habang kinukunan sila ng litrato. She haven't seen that kind of his smile before. Parang sobrang saya. Yung klase ng ngiting kahit ang matandang dalaga ay malalaglagan ng panty.

Akmang ibabalik niya ang litrato sa dating pwesto ng mabitawan niya iyon at dumagundong ang nakakatakot na tinig.

"What are you doing here?"





To be continued...




------

Naaalala niyo pa ba ang sneak peek ko dito noon? Yung mangyayari sa buhay ni tad at nikita? Well malapit na po tayo doon. Sobrang lapit na. Dahil si nikita mismo ang magdadala sa atin doon.

Sana nagugustuhan niyo ang kwentong ito. Sobrang nageenjoy ako habang iniimagine ko ang susunod na mangyayari dito.

Happy reading.
Ai:)

P. S
I'm inviting everyone to join in our group page. Just search HERMOSA señorita's in facebook search bar. And click Join.  Gusto ko pong buhayin ang gp na iyon. Hope everyone will join. Salamuch po.

GENTLEMAN series 7: Taddeos VenturaTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon