Chapter Eight

30.6K 716 12
                                    

A/N: Ang sabi ko temporary magstop muna ako. Nasasaktan kasi ako everytime na maiisip ko na ang mga bagay na pinaghirapan ko ay nakukuha ng iba sa isang kisap mata lang. Tama kayo, super naabuse na ang technology. Ayoko pa talaga sana dahil sabi ko, it's a great opportunity to relax and unwind. But reading all your messages encourage me to continue. 'Yung bawat pakiusap niyo ay parang nagiging motivation ko. Sa kabila ng mainit na mga kaganapan inside the social media, may natutunan ako. That i won't let them to ruin my dreams. Hindi ko sila hahayaang sirain lahat ng pangarap ko. Hindi dapat ako paapekto sa mga maninirang iyan. Hindi ko dapat hayaang maputol dito ang pangarap ko. Dahil kayp ang pangarap ko---pangarap ko pa kayong pasayahin.

Happy reading :)

----------

Chapter Eight

"For the meantime, just stay there. Okay?" Tumango siya sa sinabi ni Flor. Kahit hindi naman siya nito nakikita. "Ang gagong lalaking 'yon ay pabalik balik pa rin dito. Nararamdaman yata niya na kilala kita." Pagpapatuloy ni Flor sa pagsasalita habang nakadikit sa tenga niya ang cellphone.

Isa lang ang ibig sabihin nito. Mageextend parin talaga siya dito sa bahay ni Taddeos. Napabugtong hininga nalang siya. Nang mawala na sa kabilang linya si Flor. Agad niyang pinatay ang mobile phone niya at saka inilagay ang sim card na isa pa niyang ginagamit.

Dumagsa ang mga text messages galing kay Matteo. May galing din sa mga kaibigan niya at lalong lalo na sa Tita Kees niya. Sumasakit lang ulo niya kaya isa isa niyang binura ang mga iyon kahit hindi pa niya nababasa. Ang gusto lang naman niya ay marealize ng lolo niya na may sarili siyang utak na kayang magdesisyon para sa sarili niyang buhay. Na kaya niyang tumayo sa sarili niya. Na hindi siya isang manikang de susi na susunod sa lahat ng gusto nito.

She sighed. Isinilid niya sa bulsa ng suot na cotton short ang cellphone at saka pumasok ulit sa loob ng bahay. Bagot na bagot na siya. Matapos ng sagutan nila ni Taddeos kagabi ay maaga itong umalis. Napansin din niyang iniiwasan siya nito. Nakita niya ito kaninang umaga. Balak nga niyang alukin ng kape kaya lang magdere-deretso lang ito palabas ng bahay na para bang hindi siya nakita.

Alam naman niyang may pagkakamali siya. Pero may pagkakamali din ito. Hindi nga talaga siguro tama na manatili silang magkasamang dalawa. Para silang tubig at langis. Hinding hindi mo mapapagsama kahit kailan. Kinakabahan siya na baka sa susunod na araw ay magsuntukan na silang dalawa.

Pumasok siya sa loob ng library. Magbabasa nalang siya ng libro. She went to the study table at saka binusisi ang mga nakapatong doon. Some are empty folders at ang ilan naman ay mga documents na may logo kompanya. Nakita niya ang desktop computer doon. Pero natetempt man siyang buksan ay pinigilan niya ang sarili. It won't help her para macure ang boredom na nararamdaman niya.

Inisa isa niya ang tatlong hanay ng bookshelves na naroroon. Very organized. Minsan iniisip niya, paano naging ganito kalinis araw araw ang bahay na ito kung silang dalawa lang naman sa bahay? Pinagkibit balikat nalang niya. Mula sa hilerang shelves. Lumapit siya a pinakadulo. Old journals and notes ang nakita niya doon. Kinuha niya ang isa.

Kulay brown na iyon dahil sa kalumaan. Sa unang pahina ay tumambad sa kanya ang isang litratong nakasingit sa journal. Isang batang lalaki iyon na nakasuot ng Boy scout uniform. Maikling Brown short at isang pares ng green knee socks. Nakacap din iyon na may logo. Base sa mukha ng bata natitiyak niyang si Taddeos iyon.

Lihim siyang natawa. Sobrang payat kasi pala niya sa litrato. Na parang isang ihip lang ng hangin ay matatangay na ito. Infairness super macho na niya ngayon. She giggled. Inisa isa niya ang pahina. Pare pareho ang nakalagay doon. Pare-parehong recipe iyon.

May nabasa pa siyang isa. "Ka-re-ka-re." Pagbabasa niya sa pangalan ng putahe. Maraming gulay na sangkap iyon. Pati procedures ay binasa niya at pilit niyang inintindi. Sulat kamay iyon kaya medyo nahihirapan siyang basahin.

Sa babang gilid ng pahina ay ang maiksing note.

Taddy loves a little spice in kare-kare. Sprinkle some cayenne pepper. Add another teaspoon of peanut butter.

-Mom

So that's explain the penmanship. Babae ang nagsulat. And obviously, it's tad Mom's recipe book. Mukhang mahilig sa pagkain si Taddeos.

Oh! My dear  scout loves sizzling sisig. He loves "sili" Add some fried "sili" And viola! Umuusok sa sarap!

Nabasa niya doon kung paano lutuin ang sisig. Base sa pagkakaintindi niya it's a pig head na mula sa lechon. Tapos ay tinadtad bago sinangkutsa. Naalala tuloy niya ang nanny niya noon. Palagi nitong kinukwento sa kanya na maraming masasarap na pagkaing pilipino na pwede niyang matikman sakaling magbakasyon siya dito sa pilipinas.

Don't forget to add some tomatoes in fried rice. Ayaw ni taddy ng may bawang. Tomato only.

Bawat recipe ay may mga note ng ina nito. Now she wondered, where his Mom is? Pati na rin ang tatay nito. Kasi may mga family pictures siyang nakikita sa bahay mostly ay dito nga lang pala sa library. Pero kahit anino ng magulang nito ay hindi niya makita. Nakaseparate ba siya sa pamilya niya?  Naitanong niya sa sarili.

Halata sa recipe book na puro paboritong pagkain ni Taddeos ang nakasulat doon.

He also loves a overcooked pasta. He's weird sometimes so prepare some salt and a teaspoon of sugar on his side.

Never ate bacon but he loves mushrooms. Used margarine instead of butter, sauteed the mushrooms and small unpeeled potatoes. Don't overcooked. Mas gusto niyang nguyain na parang chewing gum ang patatas.

Nasa huling pahina na siya ng mabasa niya ang may kahabaang pangungusap doon.

When taddy's mad. All i have to do is, make him a cup of brewed coffee. Coffee is life ika nga niya. Add some cinnamon and a little punch of mascovado sugar. He's sometimes naughty and sometimes sweet.

Because i am the only woman in his life. I know everything about him. As a saying goes, the way to my Son's heart is through his stomach.

Natawa pa siya sa huling linyang iyon. Kaya ba mabilis na nagalit si Taddeos sa kanya noong nakaraang gabi dahil hindi siya nagluto? Mukhang mahilig nga sa pagkaing bahay ang binata.

Ewan ba niya bakit pakiramdam niya kinilig siya ng maalaalng ininim nito ang kapeng tinimpla niya noong nakaraang gabi. Siguro kailangan oa niyang paghusayan ang pagtitimpla.

Natapos na niya lahat lahat ang pagbabasa ay iisa lang ang naunawaan niya. Pagkain lang ang katapat niya.





To be continued...

GENTLEMAN series 7: Taddeos VenturaTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon