Chapter Thirteen

30.2K 670 5
                                    

"Wow!" Her eyes were settled on the thin grass. Nagkalat ang iba't ibang kulay ng ligaw na bulakalak doon. The place were magnificently beautiful!

Akala niya ay kung saan sila pupunta ni Taddeos. Pagkabihis kasi niya kanina ay niyakag agad siya nito. Forty five minutes driving at saka sila nakarating dito. Una ay natakot pa siya, para kasing gubat ang dinaanan nila. May malalaking punong kahoy at matataas na damo.

But Taddeos didn't let go her hand. Nanatiling mahigpit ang kapit nito sa palad niya habang sinusuong nila ang kasukalan ng paligid. And after the long walk. Nakarating din sila sa tuktok ng burol. "Ang ganda naman dito." Bulaslas niya. Hindi naman kataasan ang burol. Kung tutuusin hindi iyon mukhang burol dahil may swing at native bahay kubo sa tabi niyon.

"I'm glad you like it." Sabi ni Taddeos na nakatayo din sa tabi niya. Lumuwang lalo ang ngiti niya ng makita niyang napadaming ibon ang lumilipad sa paligid. Idagdag pa ang mahangin na paligid. "Paano mo nalaman ang lugar na ito?" Naitanong niya.

Gumaya siya ng umupo ito sa damuhan. "This is my mom secret garden."

"Your mom secret garden?" Nanlalaking mga matang tanong niya. "Then, why did you take me here?" Nagtatakang tanong niya.

Nagkibit balikat ito. "I don't know. Siguro dahil gusto ko lang ipakita sayo ang lugar na ito." Iginala niya ang paningin sa paligid.

Napakapeaceful ng lugar. It's like that you were in the enchanted paradise. Iyong walang usok, walang ingay. Kung iisipin mo. They're still in the city. Sadya lang na may nakatagong ganito kagandang paraiso dito.

She felt special dahil narealize niya na bakit sila nasa lugar kung saan importante sa binata ang memories doon. "Me and Mom used to stay here until sunset. She has a fascination with it. Nakakatuwa nga minsan, kasi para siyang bata." nakita niyang nagulap ang mga mata nito. Nagbabadya ang luhang naipon doon.

Kinapa niya ang isa nitong palad. "Kung nasaan man siya ngayon. Nagbabantay lang siya sayo." sabi niya.  Minsan pala, kapag ang parehong tao ay dumadaan sa parehong kalungkutan. Sila ang higit na mas nagkakaintindihan. Like them, she know his pain. Alam niya kung gaano kasakit na mawala ang taong importante sayo.

Ang pinagkaiba lang nila. She felt times two of his pain. Dahil dalawa ang nawala sa kanya. Unlike him. Tinanaw niya ang kapatagang nahihimlayan ng ibat ibang bulaklak. Those wild flowers swaying under the cold winds. Para silang sumasayaw sa gitna ng maulap na paligid. Isama mo pa ang mga ibong lumilipad lipad sa paligid.

Naramdaman niyang kumawala sa pagkakahawak niya si Taddeos at tumayo. "Saan ka pupunta?" Mabilis na tanong niya. Napatayo din siya.

"Stay here. May kukunin lang ako sa sasakyan and I'll be back. Very quick." He said.

"Sasama ako." sabi niya. Kumapit pa siya sa kamay nito. Inalis naman nito ng dahan dahan ang kamay niya. Bago bumaling sa kaliwa nila. "You can stay there." sabay turo sa bahay kubo na naroroon. "Mabilis lang ako. At saka baka magasgasan ang binti mo. Matataas ang damong dinaanan natin kanina." Pinamulahan siya ng mukha ng mapagawi ang mata niya sa pang ibabang suot.

She's wearing a maong short na pinaresan niya ng simpleng blouse. Napansin siguro nito kanina na habang naglalakad sila ay panay siya reklamo. "Bilisan mo ha!" She pout her lips.

Ngumiti naman si Taddeos. "Opo." Tumalikod na ito sa kanya. At saka naglakad papalayo. Siya naman ay lumapit sa kubo at pumasok doon.

Umupo siya sa bamboo chair na naroroon. Pinanuod niya ang paligid. Bahagyang kumunot ang noo niya ng may mapansin siya sa di kalayuan. Inaninag niya mabuti iyon. Kung hindi siya nagkakamali ay bahay iyon. At malaking bahay!

May ilang metro lamang siguro ang layo niyon sa kinalulugaran niya. Tanaw niya kasi ang kabuuan niyon. Parang may sariling isip ang mga paa niya at kusang humakbang iyon. Ilang malalalaking puno ang nadaanan niya. Pero di kagaya ng kanina. Walang mga ligaw na damo doon na gumuguhit sa binti niya.

The grass were perfectly trimmed. Sa dulong hilera ng puno ay may maliit na gate. Na kasya lamang ang isang tao. Akma niyang bubuksan iyon ng makita niyang nakakandado iyon.

Nanghihinayang na tinanaw nalang niya ang bahay. Dahil may padlock ang maliit na gate. Nagpasya nalang siyang bumalik sa kubo. At pagbalik niya ay naroroon na si Taddeos.

May nakapatong na basket sa lamesa. "Where have you been?" He asked. Umupo siya sa isang upuan at sinilip ang laman ng basket. Puro pagkain ang laman niyon.

"May bahay pala doon." Sabay turo ng daliri.

Kumunot ang noo nito. "You've been there?" kunot noo nitong tanong sa kanya. Tumango siya. Bawal bang pumunta doon? "Hindi ka dapat magpunta doon.  I told you to stay here. But you did not." Nagtataka siya sa inaasal nito. Kanina lang ay okay sila. Ngayon naman ay umaasta na namang itong masungit na matanda. Bipolar talaga! " Anong sabi mo?" Kunot noong tanong nito.

"Wala po. Ang sabi ko. Di naman po ako tumuloy doon. Kasi nakapadlock yung gate." di niya itinago ang pagkasarcastic mg boses niya.

"Next time wag kanang pupunta doon." Bilin nito s akanya. Para siyang isang paslit na pinagsasabihan nito.

Umiral na naman ang pagiging matanong niya. "Bakit naman?  Is there a witch inside that house? Yung sa hansel and gretel?" Lalong kumunot ang noo nito.

"Bahay namin 'yon. And i don't think that my dad will allow you to step inside his house. So stay away from there." Napa-oohh naman siya. Meaning ang lugar na kinaroroonan nila ay bahagi ng bahay ng mga ito?







To be continued...






-------

Happy Halloween everyone..
Hehehe..

Happy reading.
Ai:)

P. S

Wanted: Editor
(Yun pong bihasa na. Yung di po mahal ang talent fee. Hehehe.. Magpapaedit po ako ng isang manuscript. Kung may interesado.. Please let me know.) salamuch:)

GENTLEMAN series 7: Taddeos VenturaTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon