Chapter Five

31.2K 766 9
                                    

Napuno ng kuryosidad ang isip niya. Taddeos wasn't at home until now kaya inabala niya ang sarili sa pagikot ikot sa loob ng bahay nito. Kanina ay nakita niya ang entertainment room. He has all the DVD's collections ng mga action movies na paborito niya. Namangha din siya sa hitsura ng silid. Very manly and neat. Na matatakot ang kaliit liitang alikabok o dumi na dumayo doon. So that, she wondered paano namimintina nito ang kalinisan sa loob ng sariling bahay kung wala itong katulong?

Gaya ng sabi nito, the three available room upstairs are still under renovation. Pagbukas niya ng mga silid kanina ay nakita niya ang mga fiber glass na marahil ay ikakabit doon. Pati ang flooring ay mukhang papalitan dahil may bagong lagay na base na iyon. Even the ceiling are bare and empty. Wala pang takip ang mga iyon.

Ang isa sa pinaka nagustuhan niya sa pangalawang palapag ng bahay nito ay ang teresa na nakatapat sa garden na paborito na niyang tambayan. May isang rocking chair doon at carpet na nakalatag sa sahig. May mga throw pillows din. There's a hanging plants all over the terrace. Pero wala namang bulaklak.

Mas namangha siya ng dumukwang siya sa terrace at binaba ang mga mata. The magnificent look of the fish pond looks like an island. Mas maganda palang tignan iyon kapag nasa itaas ka. Napakalinaw ng tubig at kitang kita mo ang makukulay na isda. Saka lang din niya napansin ang mga water ornaments na nakalagay sa ilalim ng pond. Mas kita sila kapag sa itaas dahil malinaw ang tubig. Nakadagdag atraksyon ang water fountain na nasa gitna niyon.

Nagtataka tulo siya. How come na may nakatirang isang ubod sungit na nilalang sa ganito kagandang bahay? She smiled. Naglakad siya pabalik sa pasilyo upang bumaba na. Hawak niya ang isang chocolate bar na kanina pa niya kinakain. Galing iyon sa paper bag na ibinigay ng babae kanina. Kaysa naman itapon niya, kinain nalang niya.

Nasa kaliwag bahagi na siya nang mapuna niya ang isang pinto na hindi pala niya nabubuksan. Nilapitan niya iyon. This could be Taddeos room! Hinawakan niya ang seradula at akmang pipihitin iyon pabukas ng mapaigtad siya.

"Don't you dare sneaking inside my room!" Nanlamig ang mga palad niya. Nabitawan niya ang seradula at iginuhit sa labi ang nagaalangang ngiti bago hinarap ang taong nasa likuran niya.

She saw Taddeos dark face. Sunod sunod siyang napalunok. Para siyang paslit na nahuling kumukupit ng candy sa garapon. Malalaking hakbang na nilapitan nito ang pinto at sinuguro kung saradong sarado. At saka siya binalingan, salubong ang mga kilay nito at matatalim na tingin ang ipinukol sa kanya."Sinong may sabi sayong pumunta ka dito?"

Nanlamig siya. Walang nagsabi sa kanya. But she's just curious. Wala naman siyang ninakaw sa loob ng bahay nito diba? "I... I just w-walking around the house when i.. ---"

Naputol ang sasabihin niya ng magsalita muli ito. "You're not allowed to enter this room." At saka siya nilampasan.

Napaawang ang labi niya. Napakasuplado talaga. "Ang suplado mo. Wala naman akong kinuha sa bahay mo ah!" Sabi niya habang nakasunod ng paglalakad dito. Bumaba ito ng hagdan at sumunod siya.

Nasa gitna na sila ng hagdan ng huminto ito at huminto rin siya. "Look Ms. Kim... Ang sabi sakin ni Flor.. Marunong kang makaintindi at sumunod. So i expecting you to follow all my rules inside my own house." Umirap siya. Napakaarte talaga ng lalaking ito. Sumunod siya hanggang sa makapasok ito sa kusina. Napatingin siya sa labas. Gabi na pala.

Nakita niyang binuksan nito ang rice cooker. "Hindi ka nagluto?" Takang tanong nito. Nagkibit balikat lang siya. Ano naman ang alam niya sa pagluluto. "Fuck!" Pagmumura nito. Tinaasan lang niya ito ng kilay. Napakahigh blood ng lalaking ito. "Your useless! How can we eat kung miski kanin ay hindi mo nagawang isaing."

Nagpanting ang tenga niya. "Don't call me useless! You brute! Hindi ko alam kung paano magluto kaya hindi ko pinakialaman ang kitchen mo. And why it's big deal to you? Pwede ka naman sigurong kumain sa labas hindi ba? " Naiinis na sigaw niya dito. Sinasabihan siyang walang kwenta. Na para bang napakalaking kasalanan na hindi siya nakapagluto.

If someone wants a volunteer to burn a kitchen? Tawagan lang siya and she can do that in an instant. Noon nga nakialam siya sa pagluluto muntik nang masunog ang buong kusina nila. And since then, she never tried  to cook again. Baka buong bahay na ang masunog niya. "Hindi ka nga pwedeng lumabas diba?So paano ka kakain?" Natameme siya sandali.

Ipinakita niya ang hawak na tsokolate dito. "I already have my dinner." Lalong kumunot ang noo nito. "And where did you get that?" Tukoy nito sa hawak niya.

Bigla ay naalala niya ang babae kanina. "Oh! I almost forgot. A woman name.. " Napaisip siya kung ano nga ba ang pangalan noon. Pero naalala niyang hindi nga pala niya naitanong. "I don't know her name. But she know your name. Actually galit na galit siya kanina. Ibinato nga niya sakin yung flowers at chocolate e.. Ibigay ko daw sayo. " Pagkukwento niya.


He stayed silent until he cussed once again. "Shit! Shit!"

Dali dali itong lumabas ng kusina at iniwan siya. Baliw nga siguro ang lalaking iyon.









To be continued...






----------

Happy reading
Ai:)

GENTLEMAN series 7: Taddeos VenturaTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon