Chapter Nine

29.1K 731 14
                                    

Pumunta siya sa kusina habang bitbit ang cook book na nakita niya. May naisip kasi siyang paraan para hindi na siya sungitan ni Taddeos. Susubukan niyang magluto. She know how bad she is pagdating sa kusina. That she can burn the whole kitchen in instant. Pero gaya nga ng sabi nila, kung gusto may paraan. Kung ayaw ay maraming dahilan. Wala naman sigurong masama kung susubukan niya.

Base sa internet, pagkatapos niyang magbasa kanina ay tinignan niya sa internet kung anong klaseng mga dish ang napili niya. So the kare-kare is one of the main course. Pwede ito sa lunch or sa dinner. Inalam din niya ang mga ingredients niyon.

Suddenly she got disappointed ng makitang hindi kompleto ang ingredients na nakastock sa refrigerator at cup board. Hmm? What to do?

Napatingin siya sa counter side ng kitchen malapit sa microwave oven. Naroroon ang wireless telephone ng bahay. Sa tabi niyon ay ang directory. She opened the book ang checked the nearest grocery store sa lugar. Hindi naman siguro ikakapahamak niya kung lalabas lang siya saglit.

Ayon sa directory, may store sa mismong paglabas ng village. She walked back to her room at saka nagpalit ng damit. If one thing she learned over her stay here in the Philippines yun ay ang walang kasing init ang panahon. Kaya nasanay na siyang magsuot ng shorts.

Pagkabihis ay dinampot niya ang wallet. Lumabas siya ng silid. Paano ako lalabas? Wala nga pala akong duplicate key ng bahay. Bumalik siya sa library. Natatandaan niyang doon siya nakakita ng bungkos ng mga susi. Baka isa doon ay susi sa main door. Inisa-isa niya ang mga iyon. Ngawit na ngawit na ang mga daliri niya kakasuksok ng bawat susi sa seradula ng pinto, nang sa wakas ay tumugma ang isa doon.

Napatingin siya sa relong nasa braso. Alas tres na ng hapon. Usually Taddeos came home thirty minutes before five in the afternoon. Naestimate na niya ang oras. Within twenty minutes ay makakapagprepare siya ng lulutuin and ang cooking time ay less than one and half hours. Natitiyak niyang matatapos niya ang dapat gawin
Bago dumating ang binata.

She locked the door and she stepped outside the house. Napakatahimik ng lugar. Pawang naglalakihang mga bahay ang nakikita niya sa paligid. Umusad siya ng paglalakad. Wala naman siyang makitang sasakyan na maaaring sakyan. Mabuti nalang at kahit papaano'y may sense of direction siya. Kaya medyo natatandaan pa niya kung saan banda ang main gate kung saan malapit doon ang grocery store na pupuntahan niya.

Hinihingal na napasandal si Nikita sa gilid ng sasakyan na nakaparada sa parking lot. Nangangatog din ang mga tuhod niya dahil sa ginawang paglalakad. It's like that she joined in a marathon. Matapos mapahupa ang pagod. Naglakad na siya papasok sa grocery store. She pushed the glass door and went in. Kumuha siya ng isang push cart at saka iyon itinulak patungo sa meat section.

Wala siyang alam sa pamamalengke dahil lumaki naman siyang nasa harapan na niya ang lahat. Hindi man siya pamilyar sa mga pinagdadampot niya. Marunong naman siyang magbasa. She went to the canned goods section when her cart bumped into another cart.

"Sorry... " A chinky little girl smiled at her. Ito ang nagtutulak ng cart na puno ng mga chocolates? Seriously? Magtitinda ba ito ng tsokolate? She suddenly felt salivating. Tila nag tubig ang bagang niya. Paborito niya ang chocolates at dahil sa batang nasa harapan niya. Mukhang bibili din siya.

"It's okay." Ngumiti siya. Iimik pa siya ng may lumapit ditong isang babae din na mukhang kaedad nito. "Oh My! Nandito ka lang pala nicy!" Bahagya pa siyang nagulat ng makitang magkamukhang magkamukha ang dalawa. Mukha silang kambal. Or their are really a twin.

"Nicy! Lucy!" Noon siya napatingin sa isang babae na may hawak sa kanang kamay na isang batang lalaki at sa kaliwa naman nito ay isang lalaki na spitting image ng batang lalaking akay ng babae.

Lumapit ang kambal sa babae. "I'm sorry mom. I'm sorry dad." Nakamata lang siya sa mga ito. At saka muling bumaling ang batang nakabunggo sa kanya. "And I'm sorry too. " Ngumiti kang siya.

"Why you saying sorry to her. Nicy?" A man beside the beautiful woman asked.

"I.. I.. Accidentally bumped her." Napailing nalang ang lalaki at saka bumaling sa kanya. "Miss, pagpasensyahan mo na ang anak ko. Napakacareless niya talaga."

She just smile. Hindi naman siya nasaktan kaya okay lang. "It's okay. Aksidente naman 'yun. Hindi niya sinasadya." Sabi niya.

"Sinadya man niya o hindi, still we're really sorry." Sabat ng asawa nito. "I'm Daphne" pagpapakilala nito. "And the little girl who bumped you is nicy and her twin sister lucy." Sumimangot ang batang tinawag na nicy. "I'm not a little girl anymore. Mommy naman kasi."

"You're still my little girl. Sweetheart." Ngumiti ang babae. "And the little boy here is our son." Nginitian niya ang batang lalaki. "At ito naman ang asawa ko. Si Lex."

Nginitian niya isa isa ang mga ito. "I'm Nikita. Nice to meet you all."

"Nikita? Parang narinig ko na ang pangalan mo. Dito ka rin ba sa village nakatira?" It was lex who asking her.

Tumango siya tapos umiling. "Ah.. Yes.. Eerrr.. No.. "Magulong sagot niya. "Actually nakikitira lang ako."

"Oh! So your renting a house here! Kaninong bahay?" Sabat na tanong ng asawa ni lex na si Daphne.

Umiling ulit siya. Mali pala ang intindi nito. "No.. Nakikitira lang ako sa bahay ni Mr. Ventura."

Kumunot ang noo ni lex. "Ventura? Ikaw ang bagong housemate ni Tad?"

Nagtatakang tumango siya. Kilala nito si Taddeos? Sabagay bakit hindi? Mukhang mayaman ang pamilyang ito. Di malabong magkakakilala nga ang mga iyon. "Oh! So finally i met you in person. Madalas kang ikwento ni Taddeos samin ng mga kaibigan niya. Well,  di pala madalas kasi dalawang araw ka pa nga lang pala sa kanya. So two days ka na niyang bukambibig." Natatawang sabi ni lex saka umakbay sa asawa.


Ako? Ikinukwento si Taddeos sa mga kaibigan niya? Tungkol saan? Piping tanong niya sa sarili.

"Totoo ngang maganda ka. Si Tad mismo ang nagsabi niyan." Alam niya, na hindi lang basta uminit ang pisngi niya. And if she will look at the mirror now, nasisiguro niyang kakulay na ng mansanas na pula ang mukha niya.


Maganda daw ako? Piping muling saad niya.







To be continued...



GENTLEMAN series 7: Taddeos VenturaTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon