Chapter 9

111K 666 8
                                    

            Devon's POV

Sabay kami ni Clio na pumasok sa SocSci naming dalawa, ang dami niyang sermon sakin habang naglalakad kaming dalawa, kesyo tigilan ko na daw ang ginagawa namin or kung ano ano pa.

"Basta secret lang natin yun ok?"

"Oo nga paulit ulit?"

Sabi niya at binuksan na niya ang pinto at nakita ko agad si Sir Grant at ang pogi niya ngayon. Binati niya kaming dalawa ni Clio at ngumiti lang ako sa kanya at umupo na kami ni Clio sa upuan namin

"Gross."

Bulong niyang sabi sakin pero siniko ko lang sya, alam ko ang tinutukoy niya pero hindi ako nag salita dahil baka mahalata kami ni Clio.

"Ok class i have a quiz."

Sabi ni Sir Grant.

"What?!"

Sabi ni Clio kaya siniko ko sya.

"Kaya natin yan."

Sabi ko, malakas ang loob ko dahil tinuruan ako ni Sir Grant about sa magiging lessons namin ngayon.

"Nag salita ang matalino."

Sabi ni Clio at nilabas ko ang papel at ballpen.

"Kopya ka lang sakin, mag tiwala ka ngayon sakin."

Sabi ko sa kanya.

"Ayoko nga, imbes na tama ang isasagot ko e magkamali pa ako. Wala akong tiwala sayo lalo na sa academics no."

Sabi ni Clio at inirapan ko sya.

"Wala kang kwentang kaibigan."

"Nagsasabi lang ako ng totoo no."

Sabi niya sakin.

"Ok class lets start."

Sabi ni Sir Grant kaya napatingin na ako sa harapan, pagtingin ko sa harap nakatingin sya sakin at naka smirk, alam ko na ang ibig sabihin nun, alam niyang masasagot ko ang ituturo niya ngayon, simple akong ngumiti sa kanya at nag umpisa na syang magsalita sa harapan, alam ko kaagad ang sagot kaya sinulat ko kaagad, hanggang 1 to 10 may sagot ako at alam kong tama lahat yun.

"Wow hah? Himala ata yan, may sagot lahat."

Puna ni Clio ng makita niya ang papel ko na may sagot lahat.

"Sabi ko naman sayo kumopya ka lang sakin eh."

"No way, may sagot ka nga mali naman lahat."

"Tignan lang natin."

Sabi ko sa kanya habang naka taas ang kilay, ayaw niyang maniwala na sakin bahala sya. At nag umpisa na nga kaming mag check ng aming quiz at ng nakay Sir Grant na ang papel binasa niya ang mga sagot namin.

"Ms. Mclaughlin you got a perfect score, great job."

Nakita kong nagtinginan ang mga estudyante sakin, di kasi sila makapaniwala na naka kuha ako ng perfect score.

"I told you."

Sabi ko kay Clio, nasa state of shock pa din sya dahil hindi rin sya makapaniwala sa sagot ko.

"Edi ikaw na."

Sabi niya at nag smirk lang ako sa kanya at inirapan lang ako, ang sarap asarin talaga nitong si Clio minsan eh. Ilang turo lang ay dinissmiss na ni Sir Grant ang klase namin kaya nag tayuan na ang mga estudyante, as usual nag papahuli ako, baka malay mo may sabihin sakin si Sir Grant, pinauna ko na si Clio, nung una ayaw niya at ng sinabi ko sa kanya ang dahilan tumayo na rin sya at lumabas na ng room, pinasok ko lang ang mga gamit ko bago ko buhatin ang bag.

My ProfessorTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon