Chapter 14

76.7K 572 13
                                    

(Professor Grant's Picture)

        Devon's POV

Pag baba namin sa sala nandoon na si Greg naka upo at nanunuod ng t.v.

"By the way i bought you guys some food just incase you want to eat right now."

"Thanks brother but we're leaving now."

"What? But you just got here an hour ago."

"I thought mom and dad was here, well i was wrong, by the way because they weren't here right now we better leave now, and just let me know if mom and dad was arrive ok?"

Tumango lang si Greg at umalis na kami ni Grant.

"Saan na tayo pupunta niyan?"

Sabi ko ng makasakay na kaming dalawa sa kotse niya.

"I dont know"

Sabi niya at pinaandar na niya ang sasakyan at umalis na.

"Saan mo ba gustong pumunta?"

Tanong ni Grant habang nag da-drive ng sasakyan.

"Hindi ko rin alam, wala rin naman akong alam na puntahan sa ngayon eh."

Sabi ko sa kanya.

"Lets go to my place then."

Sabi niya at tumango naman ako, wala naman talaga akong balak umalis sa araw na to, kung di lang ako niyaya ni Grant na umalis edi sana nasa bahay lang ako ngayon. Di ko nga alam kung bakit niya ako sinama sa bahay nila ngayon eh, ano na lang kayang iisipin nila pag nakita ng parents niya, strict ba ang parents niya or what. Buti na nga lang at wala sila doon dahil hindi ako ready na harapin silang dalawa if ever. Mabilis lang ang biyahe namin papunta sa bahay ni Grant, pinark niya lang ang sasakyan niya at pumasok na kami sa loob.

"Water or juice?"

Alok ni Grant sakin.

"Juice please."

At umalis na sya at ako naman naiwan sa sala, binuksan ko ang t.v at naupo, kabisado ko na ang pasikot sikot dito sa bahay ni Grant dahil every weekend nandito ako kaya feel at home ako dito. Maya maya lang lumabas na si Grant galing kusina, may dala syang tray na juice at tinapay.

"Here"

At nilapag niya ang tray sa center table.

"Thank you"

At kinuha ko na ang juice at uminom, napansin kong nakatingin lang si Grant sakin habang umiinom ng tinimpla niyang juice, nilingon ko sya at nilapag ang juice sa tray.

"Bakit? May dumi na sa mukha ko?"

Tanong ko sa kanya pero umiling lang sya.

"May gusto ka bang sabihin?"

Tanong ko sa kanya pero huminga lang sya ng malalim at tinuon na niya ang mata niya sa T.V hindi pa naman ako sanay na ganito sya, parang may iniisip sya pero di niya lang masabi. Hindi naman ako mind reader para mabasa ang nasa isip niya ngayon.

"May problema ba Grant?"

Tanong ko sa kanya pero umiling lang sya.

"Kanina pa iba ang kinikilos mo, hindi ako sanay."

Sabi ko.

"Really?"

At binalik niya ulit ang paningin niya sa T.V. Naiinis ako ngayon dahil ayaw niyang sabihin ang problema niya.

"You can trust me kung ano man ang iniisip mo Grant."

Sabi ko sa kanya pero hindi sya kumibo sa sinabi kong yun, palaisipan sa akin kung bakit sya ganyan ngayon. Simula ng umalis kami sa bahay nila nag iba na ang mood niya. Umayos na lang ako ng upo at tinuon ko na lang ang paningin ko sa T.V, ilang minuto na ang nakakalipas pero di pa rin umiimik si Grant kaya tumayo na ako at kinuha ang bag ko.

My ProfessorTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon