Chapter 22

59.7K 431 23
                                    

Devon's POV

Bubuksan ko na sana ang pinto ng taxi ng may biglang yumakap mula sa likod ko.

"Lets talk Devon."

Alam ko na kaagad kung kaninong boses yun.

"But your not listening to me Grant."

"I promise, makikinig na ako sa explanation mo, please dont leave me Devon."

"Expected ko naman na magagalit ka sakin Grant dahil sa nakita mo kanina, pero di ko kinaya ang mga pinag sasabi mo sakin, hindi mo ba alam kung gaano kasakit ang sinabi mon iyon? Akalain mo sa taong mahal ko pa narinig na im a whore, ang sakit lang di ba? Kung hindi ka rin naman naniniwala sakin itigil na natin tong relasyon na to, wala kang tiwala sakin, kung saan mo man narinig ang chismis na yan na im a whore, inggit lang siguro sya sakin dahil hindi sya famous sa campus. Sana kilalanin mo muna ako bago ka magsalita sakin ng ganun."

Sabi ko habang umiiyak, wala kamin pake kung pinag titinginan kaming dalawa ni Grant.

"Im so sorry Devon, i didnt mean to say those words, i was so angry kaya kung ano ano ng nasasabi ko, please baby lets talk."

Umiling ako at tinanggal ko na ang kamay niyang nakayakap sakin.

"Mag palamig ka muna ng ulo."

Sabi ko at agad akong pumasok sa taxi, kinalampag ni Grant ang bintana ng taxi kaya sinabihan ko na si manong na umalis na at ginawa naman niya yun, sinubukan pang habulin ni Grant ang taxi pero bigo sya dahil pina bilisan ko kay manong ang sasakyan, at tuluyan ko ng hindi nakita si Grant at umiyak na naman ako sa loob ng taxi. Pag dating ko sa bahay dumiretcho agad ako sa kwarto ko at doon ulit ako umiyak ng umiyak.

===========

2 weeks na ang nakalipas simula nung huli kaming magkita ni Grant, sa bawat oras at araw na lumipas hindi ko sya kayang kalimutan, kahit gusto ko syang tawagan kahit marinig ko man lang ang boses niya ay hindi ko magawa dahil sa pride ko. Gusto ko sya ang humingi ng sorry sakin pero ni wala ring Grant na nag paramdam sakin, siguro nakahanap na sya ng kapalit ko kaya hindi na rin sya nag paramdam. Isipin ko pa lang ang bagay na yun parang hindi ko kaya.

"Tulala ka na naman dyan."

Sabi ni Clio ng umupo sya sa harapan ko. Nasa Cafeteria kami ngayon dahil lunch break na namin.

"May iniisip lang ako kung saan maganda mag bakasyon ngayong darating na summer"

Pag sisinungaling na sabi ko sa kanya.

"Hmm.. Bakit di tayo pumunta ng states? Punta tayo ng California or Florida, maraming beach na pwedeng puntahan doon"

Naka ngiting sabi ni Clio sakin, pumayag na lang ako sa gusto niya para di na humaba ang usapan namin, wala rin kasi ako sa mood makipag usap sa mga tao sa ngayon.

"Oo nga pala, muntik ko ng makalimutan, kinakamusta ka nga pala ni Greyson sakin."

Biglang nag init ang ulo ko sa narinig kong pangalan, kung hindi sa Greyson na yun edi sana maayos ang pagsasama namin ngayon ni Grant.

"Tell him to f*ck himself."

Galit kong sabi kay Clio.

"Woah! Ang init ng ulo mo, may ginawa ba sayo si Greyson?"

Tanong ni Clio, at bumalik ang alaala na ginawa niya sakin bago nakita kami ni Grant.

"And dont f*cking mention his name again."

Sabi ko at tumayo ako saka ko iniwan si Clio, parang gusto kong manakit ng tao ngayon dahil sa inis, pilit ko na ngang kinakalimutan ang ginawa sakin ni Greyson pinaalala naman sakin ulit ni Clio.

My ProfessorTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon