Chapter 28

60.5K 579 86
                                    

             Grant's POV

Hindi na ako nag taka ng mabasa ko sa dyaryo na patay na si Clio at Tyler at nakita ang bangkay nila sa tapat mismo ng bahay nila. Tama lang sa kanila iyon dahil buhay din ang kinuha nila buhay din ang kapalit. Nandito ako ngayon sa bahay nila Devon kung saan naka burol ang katawan niya, hindi pa din tanggap ng Mclaughlin Family na wala na ang kaisa isa nilang anak, kahit nakapag higanti na daw sila hindi pa din sila masaya. Anong silbe daw ng pagpapatay sa dalawa kung ang anak nila ay hindi na nila nakakapiling habang buhay. Hanggang ngayon hindi alam ng pamilya ni Devon na ako ang boyfriend niya, ang alam lang nila ay Professor niya ako. Mas ok na sigurong wag kong sabihin sa kanila ang totoo tutal wala naman na rin si Devon.

"Maraming maraming salamat sa pag tulong mo hijo."

Napatingin ako sa mommy ni Devon at naka tingin lang sya sa kabaong ni Devon.

"Walang anuman Mrs Mclaughlin."

"Alam mo kahit matigas ang ulo ng anak ko na yan, mahal na mahal ko yan. Wala na kaming papagalitan tuwing uuwi sya ng gabi, wala ng sasalubong sa amin pag uuwi kami ng bahay. Mamimiss ko ang pagiging malambing ng anak ko. Hindi ko alam bakit kinuha agad sya ng panginoon, ang bata bata pa niya at marami pa syang pangarap na tutuparin."

Yeah, marami kaming pangarap na gagawin at magpapakasal sana kami after graduation. Yan sana ang gusto kung sabihin sa mommy niya pero nanatili na lang akong tahimik. After niya mag labas ng sama ng loob tinawag na sya ng asawa niya para mag pahinga at sinabi kong ako na ang bahala dito at pumayag naman sya. Pag ka alis na pag kaalis nila Mrs Mclaughlin lumapit ako kay Devon at tinignan ko sya.

"Ang daya mo alam mo ba yun? Paano na lang promise na sinabi ko sayo? Hindi na matutupad ang pangarap nating mag pakasal?"

Nakaramdam ako ng panlalamig at ang kasabihan daw niyon ay pag nakaramdam ka daw ng panlalamig ibig sabihin ang kaluluwa ng isang tao ay nasa tabi mo lang daw, baka si Devon itong nag paparamdam sakin.

"Kung nandito ka man sa tabi ko ngayon pwede mo ba akong yakapin man lang kahit sa huling sandali."

Sabi ko kahit wala akong kausap, at nakaramdam na nga ako ng panlalamig at parang may yumakap sakin, biglang tumulo ang luha ko dahil nandito nga si Devon sa tabi ko.

"Dont cry, i dont wanna see you like this"

At lalong tumulo ang luha ko sa sinabi niyang iyon ni Devon.

"Devon, i really really miss you so damn much"

At umiyak ulit ako at napalingon ako sa lobong puti na naka lutang sakin at dahan dahan itong lumapit sa harapan ko at nayakap ko ito dahil at alam kong si Devon ito. Hindi ko napigilang umiyak habang niyayakap ko ang puting lobo, wala akong pake kung may ilang mga taong naka upo doon, hindi ko lang mapigilan ang sarili kong umiyak.

"I love you Devon, i love you so damn much."

Sabi ko at hinalikan ko ang puting lobo saka ko pinunasan ang luha ko at umupo habang hawak hawak ko ang lobo. Mabilis lang lumipas ang araw at huling lamay na ni Devon, bukas ay libing ka niya, madaming taong nag sipuntahan sa huling lamay niya pati ilang mga kaklase niya ay nandito nakikilamay.

"Mag pahinga ka muna sa taas, alam kong pagod ka na."

Sabi ng Daddy ni Devon at sumunod naman ako, pag akyat ko sa taas nakita ko ang kwarto ni Devon na naka bukas kaya pumasok ako sa loob at sinara ang pinto. Nakita ko lahat ng pictures niya na naka ngiti sa buong dingding at hinawakan ko ang litrato niya.

"I miss your smile baby."

At nilibot ko pa ang paningin ko sa buong kwarto niya at di ko na naman napigilan ang sarili kong lumuha kaya napa upo ako sa kama niya at kinuha ang unan na ginagamit niya saka ko niyakap ng mahigpit, na amoy ko pa ang pabango na lagi niyang ginagamit. Sinubsob ko ang mukha ko sa unan niya at feeling ko may nakatayo sa harapan ko, pag angat ko ng mukha ko nakita kong nakatayo si Devon sa harapan ko at malungkot na naka tingin sakin.

"Devon."

Sabi ko at lumapit sya sakin.

"Please, dont cry Grant, ayaw kong nakikita kang ganyan. Gusto ko masaya ka, sa tuwing na kikita kitang ganya nalulungkot din ako alam mo ba yun? Lagi lang akong nasa tabi mo kaya please wag ka ng umiyak."

Umiling ako at tumulo ang luha ko.

"Hindi ko pa rin tanggap na wala ka na sa buhay ko Devon, hindi ko rin mapigilan ang sarili ko na hindi umiyak dahil namimiss kita ng sobra, sa tuwing pumapasok ka sa isip ko bumabalik lahat ng memories mo sa isip ko."

"Hindi ako matatahimik pag nakikita kang malungkot, please sana maging masaya ka Grant. Gusto kong makahanap ka ng taong mamahalin mo ng higit at gusto kong makita kang ngumiti ulit tulad ng sayang naibibigay ko sayo. Pag nangyari yun matatahimik na ang kaluluwa ko."

Umiling lang ako at mag sasalita na sana ako ng biglang nag laho ang kaluluwa niya. Humiga ako sa kama niya at tumingin sa kisame at nakita ko ang imahe ni Devon na naka ngiti sya sakin at bigla na lang akong binalot ng antok.

To be continued....

OMG!! Im literally crying while i wrote this chapter!!! Di ko napipigilan ang luha ko lalo na yung scene na may lumapit na lobo kay Grant!! T_____T sorry guys kung napaiyak ko kayo kahit ako napaiyak din eh.

Please vote and comment.

My ProfessorTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon