Chapter 19

65K 516 56
                                    

              Devon's POV

Ngayon ko lang nalaman na si Grant  pala ang may ari ng University na pinapasukan ko sa ngayon, at marami syang business na pinapatakbo, sa kanya rin pala itong condo na tinutuluyan namin ngayon.

"Bakit ka nag turo sa university na yun?"

Tanong ko habang nakahiga sa dibdib niya.

"The truth is, gusto ko talagang maging teacher, kaso ayaw ng parents ko kaya business ang pinakuha nilang course sakin, wala naman akong nagawa kaya sinunod ko na lang ang gusto nila. After nun nag patayo ako ng University at nag aral ng teacher habang nag papatakbo ng business namin."

Sagot niya habang hinahagod ang likod ko.

"Ang yaman mo pala, so anong plano mo? Mag tuturo ka pa ba or hindi na?"

"It depends, ang hirap kasing pag sabayin ang pagtuturo at pag bi-business, hindi ko na nga maharap ang ibang mga client dahil sa sobrang hirap magturo."

Sabi niya.

"Kung ako sayo ituloy mo na ang business mo, marami namang teacher na papalit sayo eh."

Sabi ko sa kanya.

"I'll think about that"

Sabi niya.

"So..."

"So?"

Sabi ko.

"We're on, you know? Boyfriend girlfriend."

Sabi niya na parang nahihiya, ang cute niya palang mahiya para syang teenager.

"Oo naman, choosy pa ba ako"

Sabi ko at niyakap niya ako at ganun din ang ginawa ko.

"You didnt know how happy i am right now Devon."

Sabi niya.

"Wait, what if malaman ni Tabitha ang about sa atin? Sabi mo walang makakaalam ang about sa atin?"

Kabang sabi ko sa kanya.

"Its none of her business, and so what kung malaman ng tao na may relasyon satin? May mali ba sa ginagawa nating dalawa?"

Sabi niya.

"Wala naman, feeling ko kasi kabit ako dahil may anak ka na eh."

"What the hell are you talking about? First of all hindi kami kasal ni Tabitha, may anak lang kami pero hindi kasal, paano ka magiging kabit? Wag ka ngang paranoid Devon."

Sabi ni Grant kaya tumigil na lang ako sa pag sasalita, tama nga naman sya, paano ako magiging mistress hindi naman kasal silang dalawa ni Tabitha.

"Stop over thinking ok?"

Sabi niya at tumango ako, tumayo na ako mula sa pagkakahiga sa dibdib niya at umupo.

"Kailangan ko ng umuwi Grant, darating sila mommy galing america mamayang gabi."

Paalam ko sa kanya at umupo sya.

"Ok, ihahatid na kita."

Sabi niya at tumayo na ng kama at kumuha ng damit sa closet niya, naalala ko wala pala akong damit na susuotin dahil sinira niya pala kanina ang mga damit ko.

"Bat di ka pa nag bibihis?"

Tanong niya ng makabihis na sya.

"Wala akong susuotin, remember? Sinira mo ang damit ko?"

Sabi ko at parang napahiya sya sa sinabi ko.

"Oh yeah, im sorry for that, ibibili na lang kita ng damit ngayon hintayin mo na lang ako dito."

My ProfessorTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon