Chapter 27

58.5K 480 23
                                    

                Grant's POV

"No! My daughter is not dead!"

Sigaw ni Mrs Mclaughlin at napaupo ito sa upuan at agad na pinaypayan ng mga katulong niya.

"She's in a morgue madam"

At sinabi ko ang address kung saan nakalagay ang bangkay ni Devon. Hindi umiimik si Mr Mclaughlin, nakikinig lang sya sa mga sinasabi ko at ng magpapaalam na sana ako tinawag niya ako at kinausap sa labas.

"Nasaan ang mga hayup na pumatay sa anak ko?"

Matigas niyang sabi at sinabi kong nasa prisinto ang mga ito.

"Palabasin mo sila at dalhin mo sa bodega ko, alam na ng mga tao ko kung saan iyon at doon tayo magkita."

Sabi niya at tumango ako, pag pasok ko sa kotse tulala pa din si Kaiser kaya di ko na lang sya kinausap muna. Nakarating agad kami sa prisinto kung saan naka kulong ang pumatay kay Devon, agad naman kinuha ng mga pulis ang suspek at laking gulat ko makita ko kung sino.

"How could you?"

Sabi ko kay Clio pero tila mukha syang baliw dahil tumawa lang sya.

"Buti nga at namatay na sya, bagay lang sa kanya yun dahil malandi sya a....."

Hindi na niya naituloy ang sasabihin niya dahil nasampal ko sya ng malakas at nakita kong may tumulong dugo sa bibig niya.

"At ikaw?!"

Turo ko kay Tyler at saka ko siya pinag susuntok, hinayaan lang ako ng mga pulis na gulpihin sya at maya maya tinigilan ko na sya.

"Dalhin niyo sila sa bodega ni Mr Mclaughlin."

Sabi ko sa mga pulis at tumango na sila at binuhat si Tyler, sumunod kami ni Kaiser at binaybay namin ang madilim na daan at may nakita kaming malaking bodega doon at may ilaw na sa loob ibig sabihin may tao na doon.

"Anong gagawin niyo samin?!"

Narinig kong sigaw ni Clio pero kinaladkad lang sya ng mga pulis pati si Tyler.

"Ipag higanti mo ang twin brother mo."

At tumingin sya sakin at bumaba na ng kotse saka pumasok sa loob, nakita ko na doon si Mr Mclaughlin at naka tali na ang kamay ni Tyler at Clio at naka lambitin silang dalawa.

"Abat may sa pusa ka ding Kyson ka ah! Binaril na kita kanina pero buhay ka pa din? Traydor ka talaga!! Kung hindi mo pinakawalan si Devon edi sana wala tayo dito s.... Aaahhhhhh!!!"

Nagulat na lang ako ng suntukin ni Kaiser si Clio.

"Do you think im Kyson do you? Well your fucking wrong!!! Because im his twin brother!!! And you kill him!!!!"

At sinuntok niya ulit iyon at namilipit sya sa sakit, wala akong naramdamang awa sa kanya after ng ginawa nila kay Devon? Bagay lang sa kanya yan. Bigla namang sinuntok ni Mr Mclaughlin si Tyler at umubo ito.

"Alam mo ba kung gaano mawalan ng isang anak hah?! Alam ko ba?!"

At sinuntok niya ulit si Tyler.

"Pagkatapos namin palakihin ng 19 years si Devon ito ang gagawin mo sa kanya?!"

At sinuntok niya ulit iyon sa tiyan.

"Ano na lang ang sasabihin ng pamilya mo Tyler pag nalaman nila ang ginawa mo sa anak ko!"

Hindi na ako naki alam dahil nailabas ko na lahat ng galit ko sa presinto pa lang. Sila na ang bahala kay Tyler at kay Clio.

"Hindi niyo pa ako kilala kung paano ako magalit Tyler, after so many years na tinulungan ko ang pamilya mo mula sa pagka bankrupt ito ang isusukli mo sakin?!"

At napa ubo si Tyler ng suntukin ulit sya ng malakas ni Mr Mclaughlin.

"Kung anong ginawang pag papahirap niyo sa anak ko ganun din ang ipaparanas ko sa inyong dalawa!!"

"Tito wag po"

Napatingin ako sa nag mamakaawang si Clio. At di na ako nagulat ng sampalin ito ni Mr Mclaughlin.

"Isa ka pa, tinuring na kitang anak pero ito ang igaganti mo sa anak ko?! Anong klaseng kaibigan ka!!"

At sinampal ulit iyon ni Mr Mclaughlin, nakatingin lang kaming dalawa ni Kaiser kung anong gagawin sa kanilang dalawa.

"Sorry po tito, di ko sinasadyang gawin yun kay Clio."

Biglang nag init ang ulo ko sa sinabing iyon ni Clio kaya lumapit ako sa harapan niya.

"Hindi mo sinasadya? Pero planado mo?! Wag mo kami gawing tanga Clio! Dahil wala na si Devon!! Wala na!! Wala ng magagawa ang sorry mo!!"

At bumalik ulit ang sakit na nararamdaman ko.

"I can handle this."

Sabi ni Mr Mclaughlin sakin at bumalik na ako sa pwesto ko.

"Dahil buhay ng anak ko ang kinuha niyo buhay niyong dalawa din ang kapalit."

At napatingin kami ni Kaiser kay Mr Mclaughlin at nag makaawa ang dalawa na wag silang patayin.

"Kung hindi niyo sana pinatay ang anak ko edi sana wala kayo sa sitwasyon na to, pinili niyo ito kaya nandito kayo ngayon, lahat ng pang tutorture ipaparanas ko sa inyong dalawa tulad ng ginawa niyo sa anak ko."

At nakita naming umiyak si Clio at nag mamakaawa si Tyler na wag gawin sa kanila iyon.

"Gawin niyo kung anong gusto niyong gawin sa kanila pagkatapos patayin mo sila at dalhin mo ang bangkay nila sa tapat ng bahay nila para malaman ng pamilya nila kung gaano kasakit ang mawalan ng isang anak."

Sabi ni Mr Mclaughlin sa mga tauhan niya at nag tanguan naman ang mga iyon, niyaya na kaming umalis ni Mr Mclaughlin at nag sisisigaw sila na wag silang patayin at narinig ko pang tinawag ako ni Clio para tulungan sya pero di ko sya pinansin. Bagay lang sa kanila yun dahil mas malala pa ang ginawa nilang pang tutorture kay Devon. Sinara na namin ang pinto at alam na namin kung anong ginawa ng mga tauhan ni Mr Mclaughlin sa dalawa.

"Ito lang ang tamang paraan para mabigyan ng hustisya ang anak ko."

Tumango lang ako sa kanya at sumakay na sya ng sasakyan niya at kami naman ni Kaiser ay umalis na.

"Alam na ba ng parents mo ang nangyari sa kapatid mo?"

Umiling sya sakin.

"But i'll tell them later when i get home."

Hinatid ko na sya sa bahay nila at nag paalam na ako at umalis, hininto ko ang sasakyan sa tabi at napaiyak na lang ako. Anong silbi ng buhay ko kung wala na si Devon? Sya na nga lang ang nag papasaya sakin kinuha pa ng panginoon. Hindi ko pa nga lang sya makita ng ilang araw halos mamatay na ako sa lungkot pano pa kayo kung habang buhay hindi ko na sya makikita? Kakayanin ko pa kayang mabuhay? She is my life, my oxygen and she's my world. Hinampas ko ng hinampas ang steering wheel dahil sa sakit na nararamdaman ko, akala ko pag nasaktan ko na sila Clio gagaan na ang pakiramdam ko pero di pa rin pala. Ilang minuto pa akong umiyak at saka ko pinaandar ang sasakyan.

To be continued...

Sorry guys kung matatapos na tong story na to, salamat sa inyong pag suporta :) i love you all !!

Please vote and comment

My ProfessorTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon