Rain's POV
" Rain!!! Gising na uyyy " umalingaw-ngaw ang boses ni Sam sa buong kwarto ko kaya nagising ako
" makagising ka naman sakin, parang may sunog " sabi ko, habang sya naman ay bihis na bihis ng pang-sport
" hindi ka ba sasama sakin
mag-gym " tanong nya, kaya naman pala.." bahala ka, Saturday pa naman ngayon at para makapag-ensayo tayo ng maaga " sabi nya
" o sige na! Hintayin mo nalang ako sa labas " sabi ko at tumango naman sya
Tumayo na ako agad para maligo at pagkatapos ay nagbihis na ako ng pangsports bra at jogging pants
" ang tagal mo naman! " reklamo nya, aba talaga! Ang aga-aga sinisigawan ako, mabuti nalang mataas ang pasensya ko kundi matagal ko na 'tong tinadyakan
Nang makasakay na kami sa kotse ko ay agad nya yung pinaharurot, kahit kailan talaga pasaway
"Ayan..nandito na tayo " sabi nya at pumasok ng gym pero bigla nalang sya napahinto. Ano naman kaya ang nakita nya?
Nang makapasok ako, maging ako napahinto din
" Zeal/Kevin " sabay naming sabi
" Rain/Sam " sabay din nilang sabi
" b-brat, b-bakit nandito ka,
ini-istalk mo siguro ako noh! " panunukso nya sakin." A-ako i-iniistalk ka. Sino ka ba sa tingin mo ha.. " oh god..bakit nauutal ako, eh bakit ba! Wala kasi syang damit na pangitaas eh atsaka meron syang...wag na nga lang
Hindi nya nalang ako sinagot at ipinagpatuloy ang ginagawa nya kaya ako nagsimula naring magstretch maging si Sam
Ano kaya ang nararamdaman ni Sam at pinagtagpo sila ni Kevin dito?
" Sam " tawag ko sakanya, parang hindi kasi sya mapakali
" hmm "
" awkward ba " tanong ko
" sobra... " sabi nya at nagsimula narin kaming kumuha ng malilit na barbel nang biglang may lumapit saking lalaki
" Hi miss, anong pangalan mo? " sabi nya sabay kindat sakin. Eww!! Hindi bagay sakanya
" I don't talk to strangers " sabi ko at tinalikuran sya kaso bigla nyang hinila ang braso ko kaya nagpumiglas ako
" let go of me " sabi ko pero hindi nya parin ako binibitawan. Kung wala lang sana sina Zeal dito, matagal ko ng sinipa ang sikmura ng mongoloid nato
" kinakausap pa kita miss kaya wag mo kong tatalikuran " sabi nya at bigla namang lumapit samin si.....Zeal, wait...Ililigtas nya ba ako..ano sya! Knight and shining armor
" bro..let her go. Be a gentleman " sabi nya, wow..may ganun pa pala syang side
" sino ka ba ha! " sabi nya at binitawan ang kamay ko at akmang susuntukin si Zeal sa mukha kaso nakaiwas na agad siya, nice timing ah
" bro..I don't want to fight you, okay " sabi nya at huminto sa pag-iwas, masyado naman syang mabait noh
" wag mo nga akong matawag-tawag na bro dahil hindi tayo close! " sabi nya at sinuntok si Zeal sa mukha..napa-oww naman ang lahat ng manunuod, ano to! Live show!
Pinunasan nya ang mga dugo sa gilid ng mga labi nya at humarap sa lalaki na galit, ngayon ko lang syang nakitang galit na galit
" ngayon...gusto na kitang suntukin " sabi nya at sinuntok ang lalaki sa magkabilang mukha nito kaya napahiga ito sa sahig pagkatapos ay pinagsusuntok nya rin ito sa sikmura na walang paundangan
YOU ARE READING
The Thing Called " Love "
RomanceRain doesn't believe of love and even know how to be inlove from the guy But when she meets Zeal, her life has change...but how would it happen if she always force herself not to be inlove with him Join them at their love story and also love them al...