Chapter 10: ( the past )

1 0 1
                                    


Third person's POV

" anong nangyari " bungad agad ni Sam nang makabalik na si Rain

" napatay ko na sya " sabi ni Rain at ibinagsak ang katawan sa isang bench

" mabuti naman kong ganon, dahil ayokong pati sila Kevin madamay pa dito " sabi ni Sam habang nakatingin sa langit

" napagod yata ako pagtakbo ko kanina, mukhang humihina na 'tong katawan ko dahil sa walang masyadong pag-eensayo "

Bigla namang tumingin sakanya si Sam at ngumiti ng malapad, kaya hindi mapigilan ni Rain ang hindi magtaka

" what are you smiling at " nakakunot noong tanong niya

" ensayo tayo "

" nah, we have a class " sabi nya habang nakapamulsa

" isn't it obvious, kanina pa kaya nagstart ang klase " sabi ni Sam habang nakataas yung kanang kilay niya, si Rain naman ay umiiling lang

" sige na Rain, pumayag kanang magcutting tayo, namiss ko kasing magcutting classes ulit eh " pagmamakaawa ni Sam kaya no choice si Rain at pumayag nalang sa kagustuhan ng kaibigan

" Yes! Let's go! " sabi ni Sam at nagtatakbo papunta sa parking lot samantala si Rain ay nakasunod lang sakanya

Nang makarating na sila sa mismong sasakyan ni Sam ay agad nya itong binuhay at pinaharurot ng napakabilis

" Wag mong bilisan Sam! kundi makakatikim ka talaga ng suntok mula sakin! Masyado kang atat eh! " inis na sabi ni Rain at binagalan nya rin ang takbo ng kotse

Nang may mapansin si Rain na isang pamilyar na daan sa isang kaliwang parte ay sinabihan nya si Sam na lumiko doon.

" pamilyar sakin ang lugar na'to, Rain " malungkot na sabi ni Sam
pero hindi lang sya pinansin ni Rain dahil nakatingin lang ito sa daan

Nang makarating sila sa mismong lugar ay pinatay na nito ang makina at bumaba, pagkatapos ay may inenter si Rain na isang code at bumukas ang pader ng kusa

Sa pagpasok nila sa headquarters nila ay hindi mapigilan ni Sam ang mapatingin sa loob

Ang lahat ng mga appliances ay napapalibutan ng mga alikabok at web dahil sa hindi na ito ginagamit simula nung lumipat sila sa korea para makalimutan ang nakaraan

Sa paglilibot ni Sam ay hindi nya mapigilan ang mga luha nya na tumulo at napaupo sa mismong isang sofa dahil naalala nito ang mga nasawing mga kaibigan na itinuturing na nitong pangalawang pamilya nya. Agad namang lumapit sakanya si Rain para damayan sya

" shhh, stop crying " pagpapatahan ni Rain sa kaibigan nya na patuloy parin sa paghikbi

" hindi ko kasi mapigilan Rain eh, bigla ko kasing naalala silang tatlo na masaya daw tayong nagkwe-kwentuhan dito mismo sa sofa habang nagtatawanan at nagbabatuhan pa ng mga pillows at ang hinding hindi ko makakalimutan ay sa mismong araw ng birthday ko ay hindi kayo nawala para batiin ako, gusto kong ibalik ang masasayang araw nayun kasama sila ,pero dahil! sa inutil na Zero na yun! nawasak nalang ang lahat "

" sorry kung dinala kita dito, gusto ko lang kasing malaman kung kumusta na ang HQ natin, pero hindi ko naman inaasahan na masakit parin ang pagbalik natin dito " sabi ni Rain at pinipigilan ang pagtulo ng mga luha dahil naalala rin ito ang masasayang araw na kasama ang mga kaibigan

Bigla naman tumingin si Sam kay Rain dahil sa sinabi nito at napansin nyang naluluha ito

" Rain , wag mong pigilan ang mga luha mong tumulo. Hayaan mo lang sila na ilabas ang sakit na nararamdaman mo " sabi sakanya ni Sam

The Thing Called " Love "Where stories live. Discover now