Third person's POV
" bakit mo ba ako pinapunta dito? " naiinis na sabi ng babae
Humakbang ng kunti si Rain sakanya at hinawakan ang baba atsaka iniharap sakanya. Nakayuko kasi ito, akala siguro neto na aanuhin sya ni Rain
" may gusto ka kay Zeal noh "
" huh? Uh ano kasi.. "
" may plano ako para malapitan mo sya, alam kong hindi ka pa nakakalapit sakanya kahit isang beses kaya tutulungan kita " sabi ni Rain
" t-talaga, sige ba "
" Hayy, pag-ibig nga naman " sabi sa isipan nya
" so, ito ang plano " sabi ni Rain atsaka sinabi ang plano sakanya, nag-agree naman ito
Bumalik na sa cafeteria ang babae para kumuha ng kape gaya ng sinabi ni Rain sakanya, siya naman ay kunwaring natapunan raw ang kapeng 'yun para mabasa si Zeal
" ang tagal mo naman yatang nakabalik Rain " rinig n'yang sabi ni Matt, kaso hindi na sya nagawang pansinin nito dahil nakita nyang papunta na sa direksyon ni Zeal ang babaeng 'yun
Nang makalapit na sya sakanila ay tinabig nya agad ang braso ng babae gamit ang balikat nya para matapunan si Zeal ng kape
" Sh*t! " sabi niya at napatayo dahil sa init ng kape
" Oopps! Sorry " sabi ni Rain na may halong pang-aasar
" hala! Sorry Zeal, hindi ko sinasadya " sabi nung babae
Tumingin naman sakanya si Zeal nang masama, kasi alam nito na sinadya syang tapunan ni Rain
Bumuntong hininga sya at tumingin sa babae
" Zeal hindi ko sinasadya. I'm really sorry " sabi ng babae
" umalis ka na ngayon din, kung hindi...baka ano pa ang gawin ko sayo " bulong nito sakanya at umalis naman 'yung babae. Ngayon ay si Rain naman ang tiningnan nya ng masama
" hindi pa ba sapat sayo na pinahiya mo'ko sa harapan ng mga kaibigan ko! Sino ka ba para gawin mo 'to sakin ha?! " sigaw nito kaya lahat ng tao sa loob ay nakatingin sakanila
" at sino ka rin ba sa tingin mo ha?! Bakit?! Ikaw lang ba ang napahiya?! Mas ako ang napahiya sating dalawa Zeal, dahil marami ang nakakita! Pero ikaw...mga kaibigan mo lang 'yun. Magpasalamat ka pa nga sakin dahil yan lang inabot mo. Alam mo...ako 'yung klaseng tao na ayaw na ayaw'ng mapahiya sa maraming tao, alam mo ba 'yun. Alam mo bang ang sakit sakit parin ng puwet ko hanggang ngayon dahil sa ginawa mo! " sabi ni Rain, ngayon ay bumugso na talaga ang galit niya dahil bigla nyang naalala na nangyari din 'to sakanya noong bata pa sya
Rain's POV
Flashback:
11 years old palang ako nun ay lagi na akong tinutukso ng mga kaklase ko na mahina at mataba
Minsan nga habang naglalakad ako ay binabato nila ako ng maliliit na bato, pakiramdam ko nga sa mga araw na 'yun ay mamatay na ako at end of the world na para sakin
" Mahinang mataba! Haha! "
" ang dapat sayo! Binabato pa ng marami! Haha! "
" hahaha! " sigaw ng lahat
" ahh! Mommy, Daddy! Help me! " sabi ko pa nun habang umiiyak
Pero sa hindi ko inaasahang sa susunod na pangyayari ay bigla nalang ako tinulak ng napakalakas ng isa kong kaklase kaya napaupo ako nang malakas sa napakalaking bato. At ang masaklap pa nun, nasa matulis na bahagi ng bato naglanding ang puwet ko
YOU ARE READING
The Thing Called " Love "
Любовные романыRain doesn't believe of love and even know how to be inlove from the guy But when she meets Zeal, her life has change...but how would it happen if she always force herself not to be inlove with him Join them at their love story and also love them al...