Chapter 15: (heartbeats)

0 1 0
                                    


Sam's POV

" bakit ka nya hinalikan sa cheeks " tanong nya agad sakin

Well, I smell something fishy. Is she jealous?

" nagseselos ka ba? " sabi ko pero imbes na magulat sya sa sinabi ko ay para lang wala sakanya. Kumuha sya ng isang apple at hinugasan 'yun atsaka kinagat

" bakit naman ako mag-seselos? May rason ba ako para magselos, wala naman 'diba. Atsaka sinabi ko lang 'yun dahil baka makita kayo ni Kevin, baka ano pang isipin nun "

Sabi ko nga, wala

" hindi naman kasi nya ako hinalikan sa cheeks, nag-beso lang sya sakin " sabi ko

" I see " sabi nya at may biglang
bumukas ng pinto atsaka pumasok si tita Amelia

Waaa! Ang ganda parin nya kahit napakabusy nya. Parang hindi sya huma-hagard ah!, how to be her kaya?

" uhm, iche-check ko lang kung magaling na ang sugat mo " sabi nya at lumapit sa direksyon ko atsaka iche-nek

" uh-okay, tama si Rain na magaling na ang sugat mo " sabi ni tita kaya napatingin ako kay Rain na patuloy parin sa pagkain ng mansanas

" sige, pwede na kayong maka-uwi ngayon " sabi ni tita at tumingin sa wrist watch nya

" aalis na pala ako, may  pasyente pang naghihintay sakin "

" salamat tita " sabay na sabi namin ni Rain atsaka rin umalis si tita

" waa! Akala ko galit ka sakin nung lumabas ka bigla, 'yun pala sinabihan mo si tita tungkol dito " sabi ko at tinabihan sya

" nakita ko kasing...nakalakad ka na nang maayos at parang hindi narin sumasakit ang sugat mo kaya sinabi ko sakanya para maka-uwi na tayo " sabi nya

" uwi na tayo Rain, natatakot na ako dito! Parang may multo! " sabi ko habang sya naman ay nagmadaling iligpit ang mga gamit

Hahaha! Walang pinagbago, takot parin sya sa multo

" halika na " sabi ni Rain at lumabas kaya sumunod narin ako

Ang bilis naman, ganyan siguro 'pag takot, hehe

Kahit dalawa lang tayong natitira, masaya parin ako dahil kasama kita..lalo na't nandito rin si Kevin

Zeal's POV

" may tanong pala ako, bro "

Haish! Ano ba naman 'yan!
Wala ba syang alam gawin kung 'di magtanong tuwing uuwi kami sa bahay ko

" ano naman 'yun " inis na sabi ko

" bakit mo pala hinawakan ang kamay nya kanina? "

Sa lahat ng dapat itanong, bakit 'yan pa!

" bakit ba ha! "

" wag ka ngang sumigaw! Ang lapit lapit lang eh. Sagutin mo muna ang tanong ko " galit na sabi nya

" nakakainis naman kasi ang mga tanong mo eh! At ano bang paki mo kung sumigaw ako "

" haish! Sagutin mo nalang kaya ang tanong ko pwede " sabi nya kaya umaayos nalang ako ng upo

" wala lang, trip ko lang "

" ano! Trip mo lang! Akala ko pa naman may gusto ko sakanya " sabi nya sabay kamot ng ulo

Haha! Na-disappointed yata sya. Ako! Magkakagusto sa babaeng 'yun! Tss. Never, napakamaldita kaya nun

" so uhm, ano pala ang balita tungkol kay Johanna "

The Thing Called " Love "Where stories live. Discover now