Sam's POV
" Aray ko naman, Rain!! " reklamo ko sakanya, eh kasi naman! Tinusok nya 'yung tagiliran ko na may saksak. Pambihira talaga 'tong babaeng ito oh! Mamatay ako sa sakit eh
" eh kung hindi ka naman kasi tanga at nasaksak ka pa ngayon " sabi nya at tutusukin sana ulit kaso agad ko ring iniwas
" eh bakit ba! Kasalanan ko bang nag-eenjoy ako sa paglilinis ng pool " pagtatanggol ko sa sarili ko
" kung hindi lang kita bestfriend, nakoooo matagal na kitang binatukan, nakoo nanggigigil talaga ako oh. " sabi nya at may aksyon pang kasabay na nanggigigil daw sya
" mabuti nalang at na sa'yo pa 'yang sunglasses mo kundi matagal ka nang nasaksak nun at hindi ako magiging alone sa ospital na'to dahil kasama kita " sabi ko
" oo nga eh, this is the one of the best gift that I received from my parents, kaya nga pinaiingatan ko talaga 'to ng sobra dahil soon magagamit ko rin 'to " sabi nya kaya naman nalungkot ako bigla dahil naala ko ang papa ko
Kumusta na kaya sya, nakakain kaya sya ng maayos, hindi kaya sya galit sakin, baka naman kinamumuhian na nya ako bilang anak nya.
" alam mo Rain, namangha talaga ako sa pinalabas ni Johanna kanina. Akalain mo 'yun isang pindot nya lang, lumabas agad ang Ashes sa paligid. Unbelievable " sabi ko at nilingon sya dahil bigla syang natahimik
" anong sa palagay mo ang nangyari kung bakit nagka– " hindi ko na natapos ang sasabihin ko nang bigla nalang kumalabog ang pinto kaya napalingon kami kung sino ang biglang dumating
" Kevin " mahinang sambit ko at pumunta naman sya sa direksyon ko atsaka hinawakan ang kamay ko
" Sam, okay ka lang ba? " sabi nya na may halong pag-alala
" p-paano mo nalaman " sabi ko
Maiiyak na yata ako sa saya dahil nag-alala sya sakin
" si Zeal ang nagsabi sakin " sabi nya at biglang bumukas ang pinto at pumasok sa loob si Zeal. Kasunod pala sya ni Kevin
" maiwan na namin kayo, Sam " sabi ni Rain at lumabas kasama si Zeal kaya kami nalang dalawa ni Kevin ang naiwan sa kwarto nang bigla nalang nya akong niyakap
" a-alam mo bang sobra mo kong pinag-alala " sabi nya kaya hindi ko mapigilang umiyak. Naramdaman kong basa na ang balikat ko dahil sa mga luha nya
" I-I'm sorry..I'm sorry kong pinag-alala kita " sabi ko habang umiiyak at kumalas naman sya sa pagkakayakap ko at pinunasan ang mga luha ko
" shh..stop crying " sabi nya at napatingin sa saksak ko sa tagiliran
" masakit ba? " sabi nya at hinahaplos 'yun kaya umiling nalang ako
" bakit ka nya sinaksak? Sabihin mo sakin? " tanong nya at hinawakan ang kanang kamay ko
Paano ba ako magde-deny? Paano 'to..?
" e-ewan ko, basta sinaksak nalang nya ako bigla " sabi ko at umiba ang timpla ng itsura
" wag kang magsinungaling sakin " sabi nya habang nakatutok sa mga mata ko. Alam ko na 'to eh, titingnan nya ako sa mga mata para malaman kong nagsi-sinugaling ba ako sakanya.
Sam wag kang magpahalata sakanya kundi hindi ka talaga nya titigilan
" wala nga Kev "
" Sam naman! Wag ka ngang magsinungaling sakin " sigaw nya at nabitawan ang kamay ko at dahil dun nakadama ako ng kaba
" sabi ng wala eh! Mahirap bang intindihin 'yun " sabi ko
I'm sorry, Kev. I know you will understand me someday
YOU ARE READING
The Thing Called " Love "
RomanceRain doesn't believe of love and even know how to be inlove from the guy But when she meets Zeal, her life has change...but how would it happen if she always force herself not to be inlove with him Join them at their love story and also love them al...