Chapter 21: ( record )

0 0 0
                                    


Rain's POV

" Sam, may pupuntahan ako. Sama ka? " sabi ko habang nanonood naman sya ng horror movies

Nanaman! Hindi ba sya nagsasawang tingnan ang mukha ng mga multo

" saan? "

" malapit sa HQ natin " sabi ko at lumingon naman sya sakin habang nakakunot ang noo

" kung saan sila pinatay? " sabi nya at tumango naman ako

" hindi na ba sumasakit ang puwet mo? " sabi nya at tumango nanaman ako

Napalingon ako ng kunti sa gilid dahil hindi ko maiwasang mapatingin sa pinanood ni Sam. Ang lakas kasi ng ingay ng kaluskos ng pinto at kuko ng multo o kung ano ba 'yan. Sa katagal kong nakatutok sa tv ay bigla nalang sumulpot ang mukha nito sa screen

" ahh! " sigaw ko at bigla namang may umapak sa paa ko kaya napasigaw ulit ako

" Rain, okay ka lang ba? Sabi nang 'wag manood eh, ang tigas talaga ng ulo " sabi nya at lumapit sa direksyon ko atsaka may kinuha sa paanan ko

" pati si kitty, nagulat dahil sa biglang pagsigaw mo " sabi nya
kaya napatingin ako sa bitbit nya

" si Kitty ba ang umapak sa paa ko? " sabi ko at tumango naman sya habang hinahaplos ang ulo nito

Nilapitan ko ang pusa ko atsaka ginulo ang balhibo nito

" ikaw kitty ah! Pangalawang beses muna akong ginulat. Kapag uulitin mo pa talaga 'yun, aabandonahin na talaga kita. Naiintindihan mo ba 'yun, Kitty "
Sabi ko at nilapit naman nya ang mukha sakin atsaka parang kakalmutin ako

" Meow!! " sigaw nya kaya napaatras ako ng kunti

" haha! ikaw naman kasi eh, bakit kasi sinabi mo sakanya na aabandonahin mo sya, ayan tuloy pfft pfft " sabi ni Sam kaya iniba
ko ang itsura ko na parang kalmado lang

Kinabahan ako sa pusang yun ha! Akala ko kakalmutin nya talaga ang mukha ko, baka masayang lang ang maganda kong mukha kung kakalmutin nya lang

" Sam, ano? Sama ka " sabi ko at ibinaba naman nya si Kitty atsaka tumingin sakin

" magbibihis lang ako sandali " sabi nya at umakyat sa taas

Pagkatapos ng ilang minuto ay bumaba narin sya

" let's go " sabi nya

" let's go " sabi ko, pero bago pa man ako lumabas ay nilapitan ko muna si Kitty

" Kitty..mag-ingat ka rito ah, atsaka..ingatan mo rin ang bahay kung sakaling may manloob dito, kung hindi mo gagawin ang mga bilin ko..aabandonahin na talaga kita " sabi ko at tumawa naman si Sam dahil dun

" Meow! "

" haha! " tawa ni Sam

" let's go " sabi ko at umalis narin kaming dalawa

Pagdating namin sa lugar kung saan pinangyarihan ang pagpatay ng mga kaibigan ko ay pumunta agad kami sa operator ng mga cctv, at umaasa ako na may makakuha talaga kaming clue kung sino man ang may pakana nung lahat

" anong maipaglilingkod ko sa mga magagandang binibini... " sabi ng isang operator na parang ang manyak ng itsura, may lumapit naman saming isang lalaki at binatukan sya

" bakit ka nandito ha? Bumalik ka na nga sa puwesto mo ugok ka! " sabi nito

Tumayo naman ang lalaki kanina at kumaway pa samin

" bye, ladies... " sabi nya at lalapitan sana sya ni Sam kaso napigilan ko sya agad

" anong gagawin mo? Wag kang mag-eskandalo dito, okay " bulong ko sakanya

The Thing Called " Love "Where stories live. Discover now