Rain's POV" Rain " sabi ni Sam na kakaabot lang
" Malas, hindi ko sya naabutan " sabi ko at nilingon sya, kumunot naman ang noo nya dahil hindi nya maintindihan
" sinong hindi naabutan? " napalingon kami agad sa biglang nagsalita
" ahh...ano...hindi ko naabutan yung pusa " palusot ko kay Zeal
" okay " sagot naman niya
" akala ko pa naman kung sino...pusa lang pala " rinig kong bulong ng katabi ko
Kahit kailan ang slow talaga ng babaeng to noh
Inisip nya ba talaga na pusa ang hinabol ko? Ano ako...naka-shabu?!
" Nga pala, alis na kami. Mukhang wala namang nasaktan sa inyo, hindi ba " sabi ni Nathan kaya tumango nalang kaming dalawa
" sige alis na kami, sana hindi na'to mauulit pa " sabi ni Kevin
" Sana nga " sabi ko sa isipan ko
" hindi, Kevin. Sana maulit uli dahil ang saya kaya nun at ang extreme pa, di ba " sabi ni Zeal na tuwang tuwa pa sa sinabi nya
" Zeal.... " awat ng tatlo sakanya
" Gusto mo ba talaga kaming mamatay ng maaga ha? " inis na sabi ko. Eh bakit ba! Nakakainis kasi ang mga pinagsasabi nito eh, kung ano-ano nalang lumalabas sa bibig
" May sinabi ba ako na kayo ang padadalhan ulit ng bomba, wala naman diba " sabi nya kaya lalo akong nainis
" so ang pino-point mo ngayon ay gusto mong may madamay na ibang tao. Yun ba? " sabi ko at bigla naman syang tumawa
" wow...kung makasermon ka sakin parang ang laki ng kasalanan ko ah, paalala lang...ikaw kaya ang may kasalan sakin, dahil sayo narinig nila yung hindi dapat marinig " sabi naman niya
" haist, hindi ka parin ba nakakalimot dun, nangyari na ang nangyari kaya kalimutan mo nayun okay...kung ayaw mong magkasira-sira tayo " sabi ko dahilan ng pagtawa niya ng malakas
" big word! Anong sinabi mo? Paki-ulit? Magkasira-sira? Bakit, kailan ba tayo naging maayos? Ipaalala mo nga sakin " sabi nito habang nakapamulsa. Hindi nalang ako umimik dahil natamaan ako
Grabe talaga ang kumag na'to, ang sakit ng sinabi nya ha....tagos sa puso. Pero tama naman sya eh, kailan ba kami naging maayos dahil simula sapul palang..magkaaway na kami.
Siguro...panahon na para ibalik
ang dating cold na Rain Alvarez, tingnan natin kung sino ang unang makakapansin.Nakita ko namang naglakad-lakad si officer na parang may hinahanap. Inisa ko ang kanang braso ko at nakita naman nya yun
" ma'am, iimbistigahan nalang po namin ulit dahil mukhang...hindi pa sapat ang nakuha naming information " sabi nya
Tiningnan ko sya ng matagal para mapagisip-isip ko kung anong sasabihin. Mabuti pa siguro ipatigil ko na ang pag-iimbistiga nila tungkol dun, dahil kung sakali na may malaman sila...baka mapahamak lang sila
" hayaan mo na, officer. Wag ka ng mag-abala pang imbistigahin yun dahil wala ka namang makukuhang clue " sabi ko at kumunot naman bigla ang noo nya
" anong ibig nyong sabihin, ma'am..ipasawalang bahala nalang namin ang kasong 'to. Wala ba kayong tiwala sa kakayahan namin " sabi nya na mukhang naiinis na
Haist! Aksaya ng laway ha! Bakit hindi nalang kaya sya umo-o para tapos na
" hindi naman sa walang tiwala sa inyo, officer. Ang akin lang naman ay ayokong mahirapan kayo sa pagiimbistiga sa isang bagay na alam kong wala kayong mapapala "
YOU ARE READING
The Thing Called " Love "
RomanceRain doesn't believe of love and even know how to be inlove from the guy But when she meets Zeal, her life has change...but how would it happen if she always force herself not to be inlove with him Join them at their love story and also love them al...